[FOUR- Missing]

2.9K 78 13
                                    

Hinila ko si Jisoo hanggang sa makapasok kami sa kotse ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hinila ko si Jisoo hanggang sa makapasok kami sa kotse ko.

Di dapat siya umalis at sumama nalang kung kani-kanino.

Pinaandar ko na yung makina pero di pa rin niya ako kinikibo. Huwag niya sabihing siya pa talaga yung galit?

"Saan ka ba kasi nagpunta? Pwede bang layuan mo na yung lalaking yun?" tanong ko.

"Umuwi nalang tayo kuya, ayoko nang makipagtalo." inis na sabi niya saka pinunasan yung luha niya.

Bakit ba siya umiiyak? Pinaiyak ba siya nung lalaking yun?

Malilintikan talaga sakin yun.

"Umuwi nalang tayo, kuya please." walang gana niyang sabi.

"Sige." sabi ko at nagmaneho na.

Marami pa siyang kailangan ipaliwanag.

Paguwi namin, gabi at madilim na. Wala pa yung mga magulang namin at yung mga katulong lang sa bahay ang sumalubong sa amin.

"Jisoo, anong ginagawa mo at bakit mo kasama si Taehyung?" tanong ko pagupo niya sa sofa sa may sala.

"Kuya pwede bang huwag na natin pag-usapan? Napadaan lang ako at wala naman kaming ginagawang masama. Pagod ako kuya, magpapahinga lang ako." sabi niya at umakyat na siya sa taas at pumasok sa kwarto niya.

Alam kong di pa siya kumakain ng dinner kaya naman inutusan ko yung mga katulong na dalhan siya sa kwarto niya at umakyat na rin ako sa kwarto ko.

MONDAY

May practice kami ngayon, Blood Sweat and Tears ang kakantahin namin. Nandito kami ngayon sa gym.

"Umayos na tayo, kailangan natin manalo para tayo ulit yung mag-represent sa school." sabi ni Namjoon.

"Kukuha lang ako ng tubig." sabi ni Jimin saka pumunta sa bleachers para uminom ng tubig galing sa bag niya.

"Kailangan na natin mag-seryoso. Malapit na yung contest." paalala ni Hoseok.

Pagkatapos ni Jimin uminom, nagstart na kami. Si Jimin yung magsisimula ng kanta, tapos kaming tatlo sa rap parts.

"nae pi ttam nunmul."

Pinagpatuloy lang namin yung pagpapractice kaso nahinto kami kasi nakita namin sila Taehyung na pumasok ng gym.

School Love Affair Where stories live. Discover now