[FORTY- Forgiveness]

1.3K 55 7
                                    

◇◇◇

Nagsisidatingan na ang mga tao. Ang mga estudyante na nakaayos sa kanilang mga toga at katabi nila ang mga magulang nila. Yung iba ay nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila habang yung iba naman nag-aayos ng sarili nila.

"Gagraduate na ba talaga tayo?" Tanong ni Taehyung sa dalawa niyang kaibigan.

Kasama rin nila ngayon sila Yoongi, Namjoon, Jimin at Hoseok.

Simula nung magkaayos si Jin at Yoongi ay parang magbabarkada na rin silang pito. Nalaman ni Jungkook na parehas sila ng pinanggalingan ni Jimin, sa Busan.

Nagkakasundo rin silang tatlo kasama si Taehyung.

Samantalang si Jisoo naman, kasama ngayon si Jennie. Naging close na rin sila dahil minsan sumasama siya kay Yoongi na dalawin si Jennie. Minsan magshoshopping sila at si Yoongi naman sumasama nalang kahit di makarelate.

"Hanapin natin si Lisa." Sabi ni Jennie kay Jisoo.

"Sure, nasaan ba siya?" Tanong ni Jisoo.

"Sabi niya nasa canteen lang daw siya kasama parents niya." Sagot naman ni Jennie.

Naglakad na sila papuntang Canteen and nakita naman nila agad si Lisa doon na inaayos yung make up niya.

Agad niyakap ni Lisa si Jennie, pati na rin si Jisoo.

"Ang sabi ni Rose sakin papunta na siya dito." Sabi ni Lisa.

"Andito si Rose?" Tanong ni Jisoo.

"LISA! JENNIE!" Biglang may sumigaw galing sa di kalayuan. Paglingon nila, si Rose tumatakbo na papunta sa kanila at agad silang niyakap. Medyo na-awkward si Jisoo.

Pero nang makita ni Rose si Jisoo, nginitian rin niya ito at niyakap.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Rose.

"Eto gumagaling na hehe." Sagot ni Jennie.

"Magsastart na po yung program. Please proceed to the gym." Sabi nung mga teachers.

Pumila na sila Lisa and Jisoo kasama mga magulang nila samantalang si Jennie at Rose naman naupo sa may bleachers para manood.

•••

Oras na para tumanggap sila ng diploma.

"Manoban, Lalisa."

Nagpalakpakan si Rose at Jennie at si Lisa naman ay dahan-dahang umakyat sa stage at tinanggap ang kanyang diploma.

"Min, Yoongi."

Nilakasan pa lalo ni Jennie ang palakpak niya nang tawagin si Yoongi at napansin iyon ni Rose kaya naman napangiti siya ng nahahalata-kita-friend look.

"GO GILAGID!!" sigaw ni Jennie, pero nang marealize niya yung ginawa niya, agad siyang napatakip ng bibig.

"Maka-gilagid 'tong babaeng 'to akala mo naman di rin siya magilagid." Bulong ni Rose.

School Love Affair Where stories live. Discover now