[TWELVE- First]

1.8K 71 19
                                    

[SHORT UPDATE]

Habang nagaayos kami ng gamit bago lumabas para magrecess, kinausap ko muna si Rose

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang nagaayos kami ng gamit bago lumabas para magrecess, kinausap ko muna si Rose.

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat, agad naman siyang lumingon at nginitian ako.

"Rose, hindi muna ko sasama sa inyo ngayon. Pupunta ako ng clinic kasi medyo masakit ulo ko." Paalam ko.

"Ganun ba? Sige, pero paano pag nagutom ka?" Tanong niya.

"Busog pa naman ako, okay lang." Sagot ko.

Pero hindi ako okay.

Kasi ang totoo, habang lumalala 'tong sakit ko, unti-unti rin akong napapalayo sa mga kaibigan ko.

Pero kailangan kong gawin 'to, para naman masanay sila na wala ako.

Para hindi naman nila ako mamiss masyado.

"Sige, pupuntahan ka nalang namin doon pag may time pa." Sabi niya.

Tumango nalang ako at lumabas na.

Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko si Jisoo.

Magh-hi na sana ako kaso di naman kami ganun ka-close para gawin ko iyon. Kaya di ko nalang tinuloy at pumunta na akong clinic para makapagpahinga.

--

Nang bumuti na yung pakiramdam ko, lumabas na ako ng clinic at pumunta sa canteen para bumili ng shake.

Nakita ko sa isang table sila Lisa, kasama sila Jungkook. Silang lima. Nagtatawanan.

Mukhang okay na pala sila eh. Hindi naman na siguro malaking pagbabago kung mawawala ako.

Sinasabi ng iba na bago ka umalis, gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin.

Pero pag ginawa ko yun, mas mahihirapan lang akong magpaalam. Kaya mabuti na sigurong hayaan ko na sila.

"Excuse me!" Sigaw ni kung sino man siya.

Paglingon ko, yung nagdala pala sakin sa clinic dati.

Napasimangot ako kasi parang ang sungit ng dating nung excuse me niya.
Pwede namang friendly.

"Galit ka? Sorry kung harang ako ah. Oh eto na po, tatabi na." Inis kong sabi at umusod.

"Tss, daming sinasabi. May pinagdadaanan ka ba?" Tanong niya.

"Wala kang pakielam sa pinagdadaanan ko, umalis ka na nga." Sagot ko.

"May pinagdadaanan ka nga. Hay nako mga babae talaga kahit kailan." Bulong niya at naglaho na.

Napabuntong hininga ako at lumayas na sa canteen.

Napabuntong hininga ako at lumayas na sa canteen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
School Love Affair Where stories live. Discover now