[NINE- Diagnosed]

2.1K 58 17
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may bench sa kanto nila Taehyung kung saan kami nagkausap dati

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may bench sa kanto nila Taehyung kung saan kami nagkausap dati.

Ewan ko, gusto ko lang na umupo rito at nagbabaka-sakali na rin ako na dadaan siya dito at makikita niya ako at makakapag-usap kami.

Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko siyang makausap, siguro kasi siya lang naman yung pinaglabasan ko ng sama ng loob ko dati.

Bumili muna ako ng fishball sa may tabi at umupo na sa bench.

Pinanood ko lang yung mga dumadaang sasakyan habang inuubos yung fishball na binili ko.

Naghanap ako ng malapit na basurahan at tsaka tinapon yung lalagyan ng fishball doon, pagbalik ko, nakita ko si Jin na naglalakad papalapit.

Baka ito na yung chance para mapansin na niya ako, kaya nilapitan ko na siya at sinabayan siya maglakad.

"Hello Jin." Bati ko.

"Uy, Jisoo!"

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay ni Taehyung, eh ikaw, bakit andito ka?" Tanong niya.

"Bumili lang ako ng fishball." Di-ko-pinagisipan na sagot. Busy kasi ako tignan yung mga bata maglaro ng chinese garter.

"Pumunta ka pa dito para lang bumili ng fishball?" Tanong niya.

"Oo, parang gusto ko pa nga eh. Tara bili tayo." Sabi ko at hinila ko siya sa may pinagbilihan ko ng fishball kanina at bumili pa ako.

"Magkapatid kayo?" Tanong nung nagtitinda.

Natawa naman si Jin kaya nakitawa na rin ako.

"Ah hindi po, magkaibigan lang po." Sagot ni Jin.

Ayoko man nung sagot niya, wala na akong magagawa. Yun naman yung totoo eh.

"Akala ko magkapatid kayo, magkamukha kasi kayo eh. Sorry." Sabi nung nagtitinda saka pinagpatuloy yung paglalagay ng fishball sa mga plastic cup.

Nagkibit-balikat lang si Jin at kumain nalang kaya gumawa nalang rin ako.

Nang matapos kami, naglakad na kami papunta kayla Taehyung.

Sabi ko kasi sasama na ako papunta sa kanila kasi wala akong magawa sa bahay, totoo naman yun. Tuwing gabi lang nakakauwi sila mommy at si kuya naman pumunta yata kayla Jimin.

Nag-doorbell si Jin at si ilong ang nagbukas ng pinto. Di ko alam totoong pangalan niya eh.

"Jisoo? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni ilong.

"Umm nakikisama lang. Pwede ba ako sumama sa inyo ngayon?" Tanong ko.

"Sige, tara pasok kayo."

School Love Affair Where stories live. Discover now