[THIRTY NINE- Bestfriend]

1.3K 57 11
                                    

◇◇◇

Rose's POV

Agad akong umuwi mula sa mall nang tumawag si Dahyun. May importante daw siyang sasabihin sakin.

Pag-uwi ko, nakita ko siyang nakaupo sa kama niya habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ni Baek.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Rose, may kailangan kang malaman." Sabi ni Baekhyun.

"Ano yun?"

"Nakipaghiwalay si mama kay papa at nagtangka si papa na sasaktan niya si mama kapag hindi niya kami nakuha." Paliwanag ni Baekhyun.

Sa una palang hindi na talaga ako kampanta sa papa nila eh. Palagi kasing kinukwento nila Dahyun na palagi daw lasing, sinasaktan daw niya yung mama nila.

Buti nalang napag-isipan na ni tita na hiwalayan yun, pero bakit kailangan saktan ni tito si tita kapag hindi niya nakuha sila Dahyun?

"Kaya daw pala tayo pumunta dito, itinago tayo nila tito para hindi tayo mapuntahan ni papa. Narinig ko sa usapan nila yun eh. Kahit si tita hindi alam kung nasaan tayo. Pero gusto ko na siyang tawagan. Gusto ko siyang kamustahin. Natatakot nako baka saktan siya ni papa." Sabi ni Dahyun.

"Rose may isa ka pang kailangan malaman." Sabi ni Baekhyun.

"Matagal ko na 'tong dapat sinabi. Hindi ko rin alam kung anong dapat gawin dito pero.. Yung papa mo kasi, malaking halaga ang kinuha niya sa pinagtatrabahuhan niya para makapunta tayo dito at para mabayaran yung lahat ng kailangan natin bayaran. Para maprotektahan tayo."

Ano?

Ginawa ni papa yun?

Pero hindi niya kailangan magnakaw.

"Hindi ko na alam kung ano na gagawin. Ang hirap makita ngayon kung ano yung tama at mali." Sabi pa ni Baekhyun.

"Kakausapin ko si papa. Kailangan natin makahanap ng paraan para mailigtas kayo nila tita kay tito. Paano ba natin masisigurong hindi kayo mahahanap ni tito?" Sabi ko.

"Hindi ko rin alam." Sagot ni Baekhyun.

Napa-buntong hininga nalang ako.

"Rose may tumatawag." Sabi ni Baekhyun. Napatingin naman ako sa phone ko at tinignan kung sino.

Unregistered Number.

"Hello?"

"Hello Rose? Nasaan kayo?"

"Sino po ito?"

"Tito mo. Di mo ba ko
natatandaan?"

Nanlaki agad ang mga mata ko. Paano niya nalaman number ko? Bakit niya tinatanong kung nasaan kami?

"T-Tito. Kamusta na
po kayo?"

"Ayos lang, eh sila Dahyun?
kamusta na sila?"

Napatigil ako. Hindi ko alam kung anong isasagot.

School Love Affair Where stories live. Discover now