[NINETEEN- Away]

1.6K 57 6
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kwarto ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kwarto ko.

Kailan ba kasi ako mamamatay? Sobra na yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kinakaya.

At wala na rin siguro akong dahilan para mabuhay, kaya bakit pa ako nananatiling buhay?

Unang-una, dalawang best friend ko ang nasaktan ko. Yung isa ko namang bestfriend umalis na hindi ko man lang nakikita.

Sino nang meron ako? Ang mama ko nalang ang tanging kapamilya ko, at nagtatrabaho siya ngayon para gumaling ako, kahit ang totoo siya lang naman ang gustong gumaling ako.

Kasi ako, pagod na pagod na ako. Ayoko nang gumaling. Gusto ko nalang na lumala ng lumala 'tong sakit ko hanggang sa bumigay na ang katawan ko.

Paulit-ulit kong tinatanong yung sarili ko, bakit ba buhay pa rin ako hanggang ngayon? Sa kabila ng lahat ng kamalasan na nangyayari sakin buhay pa rin ako.

Magkakaayos pa ba kami ni Lisa at ni Jungkook?

Mabubuhay pa kaya ako ng matagal para mangyari yun?

Bago ako mawala gusto ko sanang makita silang masaya sa piling ng isa't isa, kasi isa naman talaga yun sa mga dahilan kung bakit pinipili kong lumayo.

Mahal ko si Jungkook, mahal din niya ako.

Pero mahal ni Lisa si Jungkook, ako naman may sakit na hindi na mawawala sa katawan ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko, pagtingin ko, may message galing kay Yoongi.

Ano nanaman ba trip nito? Mapapadali buhay ko dahil sa lalaking 'to eh.

Yoongi: May ginagawa ka?

Yoongi: Gusto mo lumabas?

Oo nga pala. Alam niya ang tungkol sa sakit ko. Siya lang naman ang nakakaalam sa lahat ng kakilala ko sa school na may sakit ako.

Jennie: Sige.

Ilang segundo lang nagreply na siya. Aba ang bilis magreply.

Yoongi: Susunduin kita diyan.

Nagreply lang ako ng "Okay" tapos tinatamad na tumayo para makapagbihis.

Nagsuot lang ako ng jogging pants at jacket since tinatamad na akong magayos.

Hindi naman matagal bago nakarating si Yoongi sa bahay. Nakakotse ulit siya at doon ako sumakay sa tabi niya.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya sakin pagkasakay ko.

"Ikaw 'tong magaayang umalis tapos hindi mo alam kung saan tayo pupunta?" inis kong tanong sa kanya.

"Eh malay ko ba kung saan mo gusto?" tanong din niya.

"Sige bumili tayo ng kabaong! Tapos diretso tayong sementeryo! Ilibing mo ako ng buhay!" Pabalang kong sagot.

"Gusto mo ba talaga? Sige." sagot niya at nagsimula na siyang magdrive.

School Love Affair Where stories live. Discover now