[TWENTY TWO- Guilt]

1.5K 50 2
                                    

Kinabukasan, abala ang lahat dahil isang buwan nalang ay graduation na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinabukasan, abala ang lahat dahil isang buwan nalang ay graduation na. Sila Taehyung, nakaupo sa mga bench sa may fields habang pinagmamasdan yung paligid. May mga estudyanteng naglalaro ng basketball, may mga batang naglalaro ng langit-lupa at may ibang naglalakad lang.

Napansin ni Taehyung na kanina pa tahimik ang dalawa kaya naman siya na ang nanguna sa pagsasalita.

"Ang cute nung mga bata oh." sabi niya sabay turo sa mga batang naglalaro, pero wala pa ring sagot mula kayla Jungkook kaya napasimangot si Taehyung.

"May problema ba kayong dalawa?" tanong ni Taehyung.

"Hindi ko pwedeng sabihin, sorry." sambit ni Jin.

"Sa amin ka pa talaga naglihim?" tanong ni Taehyung.

Napa-buntong hininga si Jungkook at tsaka kinuha mula sa bulsa niya yung smiley face na binigay ni Lisa at sinubukang ngumiti rin gaya nito.

"Ano naman yan? Smiley face?" tanong ni Taehyung.

"Hindi lang yan basta smiley face." seryosong sagot ni Jungkook. Nahalata ni Taehyung na hindi talaga maganda ang pinagdadaanan ng dalawa kaya naman tumahimik nalang siya.

Nanatili ang katahimikan hanggang sa dumaan sa harap nila si Jisoo.

"Hi Jisoo." bati ni Taehyung.

"Hi." bati niya pabalik kay Taehyung at lumingon siya kay Jin. "Let's talk." utos niya.

"Ayoko." matigas na sambit ni Jin at umiwas ng tingin pero hinawakan siya ni Jisoo sa braso at napasimangot siya.

Sinubukan ni Jisoo na hilahin siya patayo kaya naman wala na siyang nagawa kundi sumunod sa kanya. Pumunta sila sa corridor ng mga Kinder na wala nang tao dahil umuwi na yung mga bata.

"Ano ba kailangan mo?" inis na tanong ni Jin kay Jisoo nang huminto sila. Hindi siya kailanman tumitingin sa mga mata ni Jisoo.

"Hindi ba kayo ang may kailangan sa akin? Sa amin? Sa kumpanya namin?" tuloy-tuloy na tanong ni Jisoo.

"Wala akong pakielam sa kumpanya niyo, hindi pa katapusan ng mundo sakali mang malugi ang sa amin." sambit ni Jin.

"Then why did you agree? Bakit pumayag ka kahit iniisip mong may ibang solusyon pa para dito?" tanong ni Jisoo.

"Dahil ayokong madamay si Rose." natigilan naman si Jisoo. Napakagat siya sa labi niya at napangiti ng sarkastiko.

"Hanggang ngayon siya pa rin yung iniintindi mo, pero ako yung andito sa tabi mo hindi mo man lang ako magawang tignan ng diretso, ni ayaw mo nga akong kausapin." sabi ni Jisoo.

"Dahil wala akong balak at dahilan para kausapin ka." sagot ni Jin. At napayuko si Jisoo dahil ayaw niyang ipahalatang namumuo ang mga luha niya sa mata niya.

School Love Affair Where stories live. Discover now