[TWENTY SEVEN- For You]

1.3K 51 22
                                    

Jin's POV

Buong araw lang akong nakakulong sa kwarto dahil ayokong lumabas. Pakiramdam ko kapag lumabas ako hindi ko na magagawa kung ano mang gusto ko.

Nagugutom na talaga ako pero ayokong makita ang mga magulang ko at baka kamustahin pa nila kami ni Jisoo. Ayoko namang isagot na wala akong pakielam sa kanya kahit yun naman ang totoo.


Buong araw lang akong nakakulong sa kwarto. Ayos lang, wala namang pasok eh. Ayoko namang lumabas ng bahay, kaya dito nalang ako sa kwarto.

Nagkumot ako at ipinikit ko nalang ang mga mata ko nang may marinig akong kumatok sa pinto ko.

Hindi ko ito binuksan, sa halip ay nagtago ako sa ilalim ng kumot at nagkunwaring natutulog.

Pagkatapos ng ilang sandali, huminto yung pagkatok pero narinig ko namang nau-unlock ang pinto ko gamit yung duplicate na susi na dapat pala tinapon ko matagal na.

Pero di pa rin ako gumagalaw. Ayokong gumalaw. Magkukunwari nalang akong tulog.

"Jin?"

Hindi ako makapaniwala.

Si Jisoo.

Andito si Jisoo at naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Tulog ka ba?" Tanong niya. Pero di pa rin ako sumagot. May tulog bang sumasagot?

"Nagluto ako ng soup para sayo. Nilagay ko nalang diyan sa sidetable mo." Sabi niya.

"Actually, hindi ko pa nasabi sayo pero birthday ko ngayon." Sabi niya ulit.

Napadilat naman ako pero hindi naman niya nakita kasi nakatalikod ako sa kanya. Pero agad akong pumikit uli.

"Hindi ko naman ineexpect na bibigyan mo ako ng regalo, kasi hindi ko kailangan ng regalo." Sabi niya pa.

"Tanging wish ko lang naman, sana mahalin mo rin ako."

Pinigilan ko lang ang sarili kong sagutin siya dahil ayokong magsimula ng pagtatalo. Mahalin siya?

Isa yun sa mga bagay na sa tingin ko hindi ko magagawa.

"Pero ginagawa rin naman natin 'to dahil sa kasunduan ng pamilya natin diba? Kaya sana kahit hindi ka masaya pilitin mo, kasi para rin sayo 'to."

"Kumain ka ha? Niluto ko yan para sayo."

Hindi ko kailangan ng luto mo dahil marunong akong magluto.

Naramdaman kong tumayo na siya sa kama at naglakad na palabas. Nilock niya ulit ang pinto at umalis na.

Bumangon ako muli at tinignan yung soup.

Siguro naman walang gayuma 'to.

Kahit ayoko, kinuha ko pa rin yung kutsara at sumipsip ng konting soup dahil nagugutom na rin ako.

Okay naman, masarap naman.

Siguro nga may parte kay Jisoo na maganda. Mabait naman siya at alam ko yun, mayaman, at okay rin naman siyang magluto.

Magiging mabuting asawa siya balang araw, pero hindi sa akin.

Isang babae lang ang taong laman ng puso ko.

Pero di ko inakalang ang pamilya ng babaeng yun ang dahilan kung bakit nagkaganito ang pamilya ko, kung bakit nagkaroon kami ni Jisoo ng isang kasunduan na hindi ko dapat pinayagan.

School Love Affair Where stories live. Discover now