[THIRTY THREE- Endings]

1.3K 60 11
                                    


Jennie's POV

Di ko alam kung bakit ako naiiyak. Di ako iyakin, pero iba yung epekto sakin nitong movie na 'to.

Naalala ko pang binili ko yung libro nito at si Yoongi pa ang nagbayad. Pero di ko na nadala dito sa ospital. Sakto naman na pagbukas ng tv, yun yung movie.

The Fault In Our Stars.

Nakakaiyak talaga yung kwento. Mapapaisip ka nalang kung bakit kailangan mamatay ni Gus diba? Pero yun kasi yung isang paraan ng buhay para mapalakas tayo. Minsan naiisip natin na ang unfair ng buhay.

Yung tipong kahit nahihirapan ka, basta kasama mo yung mahal mo, kinakaya mo. Pero minsan siya pa yung nawawala.

"Oh, naiiyak ka nanaman?" Tanong ni Yoongi habang may dala-dalang prutas na binili niya siguro.

Anong ibig niya sabihin sa 'nanaman?' Lagi ba kong umiiyak?

Actually minsan pinipigilan ko nalang na mag-isip ng negatibo, kasi pinipilit kong isipin na gagaling ako.

"Hindi ako naiiyak ah." Pag-deny ko pa.

Baka kasi isipin na ang babaw ko at iniiyakan ko pati yung movie. Pero medyo relate kasi ako, parehas kaming may sakit.

"You can't hide your tears from me, Jennie. Kilala kita." Sabi naman niya.

"Pa-english ka pa diyan. Naiiyak lang ako doon sa The Fault In Our Stars. Paano ba naman kasi, nakakalungkot yung ending." Sagot ko.

"Ah ayun lang pala. Alam mo hindi naman malungkot yung ending. Yun lang siguro yung ending na magbibigay ng katarungan sa kwento." Sabi niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"There's no such thing as happy or sad ending. Ang tanging pinaniniwalaan ko lang ay kung reasonable ba yung naging ending. Kahit naging malungkot yung tauhan sa ending, di naman ibig sabihin na sad ending na yun." Paliwanag niya.

Dahan-dahan akong napatango. Okay sige may point naman.

"Isipin mo nalang, paano kung natapos yung kwento na may cancer pa rin yung babae tapos buhay pa rin yung lalaki? Eh diba ganun din naman yung simula? Ang pinagkaiba lang naman ay na-inlove sila sa isa't isa. Tapos ano? Ganun nalang?" Dagdag niya pa.

Ah okay sige edi siya na maraming alam. Pwede na siyang maging director ng pelikula.

"Kumain ka na nga lang, huwag ka nang umiyak diyan. Umiyak ka nalang kapag magaling ka na." Sabi niya habang nagbabalat ng mangga.

Alam niyo yung nakakainis? Napaka-epal niya pero ang dami niyang alam. Napakahilig niyang mang-asar pero palagi pa rin may point yung sinasabi niya.

Ang galing galing.

Jungkook's POV

Uwian na, wala pa akong balak umuwi. Di ko rin naman makita si Lisa. Baka kailangan niya munang makasama yung lalaking yun. Kung sino man yun. Siya yung nagpaabot ng chocolates kay Lisa. Siguro manliligaw niya.

School Love Affair Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin