[THIRTY TWO- Wrong]

1.3K 50 10
                                    

Jisoo's POV

Tahimik lang akong nakatingin sa daan habang si Jin ang nagmamaneho ng kotse. Hindi ako nagsasalita kasi unang-una wala naman akong masabi. Pangalawa, baka hindi lang maging maganda yung paguusap namin dahil ayaw niya naman yata sakin.

Hindi pa niya alam yung tungkol sa nangyari samin ni Rose.

Ngayon papunta na kami sa ospital. Nagpasama ako sa kanya na puntahan si Jennie at Yoongi sa ospital kasi gusto ko din naman makita si Jennie.

"Jin, nakaalis na ba si Rose?" Tanong ko para mabasag ang katahimikan.

He gave a slight nod. Napakagat naman ako sa labi ko.

"H-Hindi na ba talaga siya babalik?" Tanong ko.

A part of me is feeling guilty, kasi pakiramdam ko maling mali yung ginawa ko. Pero dahil sa gustong tulungan ng magulang ko ang magulang niya, kailangan ko ring gawin 'to.

"Wala akong pakielam kahit makasampung balik pa siya dito. Tapos na kami."

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko naman akalaing ganyan ang sasabihin niya.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Andito na tayo." Sabi niya.

Pagkahinto niya ng sasakyan, kinuha ko na yung fruits at siya naman ang nagdala ng bulaklak.

Bakante ang elevator nang pumasok kami. Agad namang nagsara iyon at nakita ko ang malabong reflection namin sa pintuan ng elevator.

Agad kong naramdaman ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa kanya pero di ko malaman ang expression na isinasaad ng mukha niya.

Naguguluhan na ako, pero diba ito naman talaga ang dapat mangyari? Bilang fiancé ko, siguro naman walang mali sa ginagawa namin diba?

Naglakad kami papunta sa room na magkahawak pa rin ang kamay namin. Bumitaw lang siya nang kailangan na niyang ilagay ang mga bulaklak sa vase.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong naman ni Jennie.

"Kamusta ka na? Okay ba ang pag-aalaga ni Yoongi sayo?" Tanong ko din at di ko pinansin ang tanong niya kanina.

"Ayos naman." Matipid na sagot ni Jennie. Siguro naiilang siya. Pero wala naman dapat ika-ilang.

"Bakit nga pala magkasama kayo?" Tanong ni Jennie saming dalawa ni Jin.

Hindi pa nga pala niya alam.

"Nagkasalubong lang kami sa baba." Pagsisinungaling ko.

Dapat na ba niyang malaman?

Sana hindi niya nakita na magkahawak ang kamay namin kanina.

Tumango lang si Jennie. Kumatok naman yung doctor niya para i-check siya. Kami naman nakatayo lang, pero ako hindi pa rin matahimik ang isip ko.

School Love Affair Where stories live. Discover now