[SIXTEEN- As if it's your Last]

1.6K 57 10
                                    

Ito na ang huling araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ito na ang huling araw.

Huling araw ko dito, huling araw kong makikita at makakasama ang mga taong nakasama at naging parte ng buhay ko magmula nung bata pa ako.

At hindi ko rin alam kung kailan kami babalik dito.

Ni hindi ko nga alam kung bakit kami aalis eh, basta ang magulang ko ang batas.

At masakit din na hindi ko makita yung isa kong bestfriend sa huling pagkakataon.

Ilang araw na siyang absent, walang araw na hindi kami nagalala para sa kanya.

Wala namang nakakaalam kung nasaan siya, kahit si Jungkook wala daw ideya, at mukhang hindi maganda ang sitwasyon nila ngayon.

Andito kami sa labas ng school ngayon. Uwian na at bukas na ang lipad namin.

"Rose, huwag mong kalimutang ichat kami ha?" Bilin ni Lisa.

"Mamimiss kita." Dagdag pa niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Mamimiss din kita, mamimiss ko kayo." Sabi ko at tumingin sa kanilang lahat. Kay Lisa, kay Jin, Taehyung at Jungkook.

Sa saglit na panahong nakasama ko sila Jungkook, pakiramdam ko naman ay napalapit na ko sa kanila.

Kumalas na si Lisa sa yakap at napatingin ako kay Jin. Alam kong sa mga oras na 'to pinipigilan lang niyang umiyak.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at niyakap din niya ako pabalik.

"Babalik ako." Bulong ko.

Babalik ako.

"Hihintayin kita." Bulong din ni Jin.

Pinunasan ko yung mga luha ko at sunod ko namang niyakap si Taehyung at Jungkook.

"Umuwi na kayo, malapit nang dumilim." Sabi ko sa kanila.

Ako na ang naunang umalis sa kanila. Kumaway ako sa kanilang lahat bago ako tumalikod at naglakad papunta sa sakayan.

[THE NEXT DAY]

Maaga akong gumising dahil 9am ang flight namin. Dapat 6 palang nasa airport na kami.

Habang naghihintay sa kanila ay pinagmasdan ko yung bahay. Mamimiss ko 'to. Buti nalang may magbabantay nitong bahay habang wala kami.

Una kong nakita si Baekhyun na pababa ng hagdan at dala na rin ang maleta niya, kita ko naman na nasa taas si Dahyun at hirap na hirap siya sa maleta niya kaya naman umakyat muli si Baekhyun para tulungan yung kapatid niya.

"Para kailan lang nung kakauwi lang namin dito, tapos ngayon aalis nanaman." Sabi ni Dahyun.

Napayuko nalang ako at iniwasang magisip ng kung ano mang hindi maganda.

School Love Affair Where stories live. Discover now