[EPILOGUE- A Thousand Years]

2.8K 88 15
                                    

◇◇◇


Rose's POV


"Bakit mo ko tinitignan?" Tanong ni Jin sakin. Kanina ko pa kasi siya pinapanood mag-drive.

Natutuwa lang ako. Ang sarap kasi sa feeling. Tsaka ikaw ba naman ipag-drive ng boyfriend mo siyempre medyo nakaka-overwhelm.

At tsaka di ko pa rin talaga ma-sink in na masaya na ulit kami sa isa't isa.

"Nagawan na ni dad ng paraan yung parents nila Dahyun. Buti nangako na si tito na hindi na nila guguluhin si Dahyun." Pag-iiba ko ng topic.

"Buti naman." Sabi ni Jin.

"Pero saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko.

Ayaw niya kasi sabihin kung saan kami pupunta eh. Siguro isusurprise nanaman ako nitong lalaking 'to.

"Andito na nga tayo eh." Sabi niya at ihininto na ang sasakyan.

Parang familiar itong lugar na 'to sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto as usual. Pagkababa ko, hinawakan niya kamay ko at sabay kaming naglakad.

Ngayon ko lang naalala.

Andito kami ngayon sa parang lake, na may mga bench sa gilid. Kung saan kami madalas tumambay dati.

Umupo na kami sa bench na palagi naman inuupuan. Dito ang favorite spot namin dahil ang daming puno dito sa area na 'to.

Manonood kami ulit ng sunset dito.

Sumandal ako sa balikat niya habang nakaakbay siya sakin.

Di ko ma-explain yung nararamdaman ko. Ang saya sa feeling. Feeling ko, this time mas lalong naging strong yung relationship namin. Feeling ko mas lalo namin pinagkatiwalaan ang isa't isa.

"Ito na ang huling sunset na mapapanood natin bago tayo magkita ulit after a few years." Sabi niya sakin.

"Oo nga eh, pero di naman ako magtatagal." Sabi ko.

I want to pause time. I want us to stay like this, calm and peaceful. Hangga't maari ayoko munang umalis dito. The silence is so good to hear. Wala rin nagsasalita sa aming dalawa.

Sometimes silence speaks a lot too. Silence can represent a thousand words.

•••

Pagpasok namin sa Airport, nag-check muna kami kung ilang oras nalang ang natitira.

10am palang at ang flight namin ay 3pm pa. May time pa kami makapag-lunch.

Jin agreed to drive us to the airport. Ang sabi namin sasakay nalang kami ng Airport Subway pero ipagda-drive nalang daw niya kami.

Pumunta muna kami sa isang Samgyeopsal Restaurant dito sa Incheon Airport. Isa sa mga bagay na napansin ko dito sa Korea ay ang laki ng mga Airport. Marami ka pang lalakarin kapag gusto mong lumipat between Domestic and International.

School Love Affair Where stories live. Discover now