[TWENTY SIX- Don't Leave Me]

1.4K 54 6
                                    

"Asan na ba yun?" Tanong ko sa sarili ko habang dumudungaw sa pinto ng classroom ng kabilang section

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

"Asan na ba yun?" Tanong ko sa sarili ko habang dumudungaw sa pinto ng classroom ng kabilang section.

May hawak akong chocolates. Hindi Cadbury, hindi Hersheys, hindi Ferrero.

Kundi Isang pack ng Hany.

Naubos pera ko eh, kaya ito nalang muna ibibigay ko sa kanya.

"Momo!" Tawag ko sa kanya nang makita ko na siyang lumabas ng classroom.

"Hi Hoseok!" Bati naman niya sakin nang makita niya ako.

May bitbit siyang dalawang libro at mukhang magaaral pa siya.

Isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya ay masipag siya.

"Para sayo, sana ma-appreciate mo." Sabi ko habang inaabot yung Hany. Napangiti naman siya nang kuhanin niya yun.

"Thank you." Sambit niya.

Napakamot ako ng batok. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin.

Si Jimin kasi ang magalung pagdating sa babae, kaya naka-score siya agad kay Seulgi.

Eh ako, first time kong gagawin 'to. Dahil si Momo ang unang babaeng nagustuhan ko.

"Ahh, papunta ka na ba sa library?" Tanong ko sa kanya.

"Oo bakit?" Sagot niya.

"Pupunta na kasi ako dun eh, tara sabay na tayo hehe." Nauutal kong sabi. Ang awkward ko nakakainis.

Nang makarating kami sa library, agad kaming kumuha ng upuan at kumuha naman siya ng isang Hany.

"Bawal kumain sa loob ng library diba?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa paligid para makita kung may nakapansin sa kanya.

"Okay lang yan, mabait naman yung librarian eh." Natatawa niyang sabi at sumubo uli ng Hany.

"Ayos ka ah, pahingi nga hehe." Nakakagutom kasi tignan yung kinakain niya.

Imbis na makapagbasa kami ng libro, nagtatawanan lang kami habang patagong kumakain ng Hany.

Imbis na makapagbasa kami ng libro, nagtatawanan lang kami habang patagong kumakain ng Hany

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.
School Love Affair Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ