[THIRTY SEVEN-Realize]

1.3K 58 10
                                    

◇◇◇

Jisoo's POV

Nakauwi na kami ni Jin. Hindi ko alam kung bakit kanina pa siya walang kibo. Andito siya ngayon sa bahay namin dahil sabi ni mom magdinner siya dito.

Since maaga pa at 5:30pm palang naman, nag-decide ako na magswimming muna sa pool sa may likod ng bahay.

Wala rin naman akong magawa. Natapos ko na lahat ng school works na kailangan kong tapusin at i-submit bukas.

Nagbabad lang ako sa tubig ng mga ilang minuto. Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Jin na nakaupo sa may lounger malapit dito sa pool.

Umalis ako ng pool at kinuha yung towel ko. Tsaka ako umupo sa lounger katabi nung inuupuan niya.

Kanina ko pa kasi siya gusto tanungin kung anong problema.

"May problema ka ba? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Wala." Simpleng sagot niya habang nakapatong sa tuhod niya yung ulo niya.

"Eh bakit kanina ka pa tahimik?" Tanong ko ulit.

"Wala." Sagot niya. Napa-buntong hininga siya at tsaka sumandal ng maayos sa lounger.

Tinignan ko lang siya ng matagal. Hinuhulaan kung anong problema niya kahit hindi ko rin masabi.

"Mahal mo pa ba si Rose?" Bigla kong naitanong.

I don't know. Bigla nalang lumabas sa bibig ko. But I really wanted to ask him that.

"Bakit mo natanong?" Sabi naman niya.

"It's a question you must answer." Yun nalang ang sinabi ko. Naisip ko, para sa kanya rin naman yun. Kailangan niyang maging honest sa sarili niya.

"Alam mo na kung ano isasagot ko." Casual na sabi niya.

"Deep inside I know you still do." Sabi ko.

"Even if I do, walang magbabago. Kasalanan niya at ng pamilya niya lalo na yung tatay niya kung bakit nahihirapan ang pamilya ko ngayon. Kung bakit tayo nagkakaganito." Sambit niya.

"Walang kasalanan si Rose. She doesn't even have a clue about anything. And sa tingin ko, kung alam lang niya yung pinlano ng dad niya, she would've stopped him." Sabi ko sa kanya.

"Bakit mo sinasabi iyan?" Tanong niya.

"Kasi alam kong masakit at mahirap para kay Rose." Sagot ko agad.

"First, she forcibly left her home. Leaving you, or her friends or this place where she belongs is not easy. Pero nagpakatatag siya at alam niyang kakayanin niyong dalawa ang long distance relationship."

"Second, nakipag-break ka sa kanya sa chat without giving her a clue. Yung feeling na gustong-gusto ka niyang kausapin in person pero hindi niya magawa kasi malayo siya. Mahirap yun."

"Third, malaman niyang engaged tayo. Na may mahal ka na agad na iba. Ang dami niyang hindi alam, Jin. Ang dami niyang tanong pero hindi mahanapan ng sagot kasi ang all this time ang iniisip niya, kasalanan niya, nagkulang siya, hindi mo na siya mahal."

School Love Affair Where stories live. Discover now