[TWENTY- Deal]

1.7K 55 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sunday ngayon at wala naman ako masyadong gagawin. Alas sais na ng gabi pero buong maghapon wala lang akong ginawa, kahit yung mga kailangan kong gawin para sa school hindi ko pa tinatapos.

Malapit na rin kaming gumraduate, next year college na kami at magkakahiwa-hiwalay na kami. Kaya sinusulit ko na yung mga panahong kasama ko pa sila Jungkook.

Pero ang sabi ni Rose sakin, hindi pa daw nila graduation. Hindi rin nila bakasyon, kaya hindi ko tuloy sigurado kung makakapunta siya sa graduation.

Ang sabi niya rin sakin napepressure daw siya sa magulang niya, kasi daw medyo mataas yung tuition niya doon sa Australia kaya kailangan niya talagang magaral ng mabuti.

Gusto ko rin siyang bigyan ng regalo para naman i-cheer up siya. Hindi pa kasi ako nakakapagpadala sa kanya ng kahit ano mula nung umalis siya eh.

Kaya ngayon, nagbibihis nako para pumunta sa mall at maghahanap ako ng something na alam kong magugustuhan ni Rose.

Nang matapos ako ay lumabas na ako sa kwarto. Pagbaba ko, nakita ko si Mama na nakatingin sa laptop at mukhang hindi maganda ang mood niya, habang si papa naman ay may kausap sa phone at mukhang hindi rin maganda ang paguusap nila.

"May problema ba?" tanong ko kay mama, nilapitan ko siya at tinignan yung nakalagay sa laptop pero sinara niya lang ito na para bang ayaw niyang ipakita sakin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya at pagiiba na rin ng topic. Ganyan naman siya lagi eh, ayaw niyang pinaguusapan namin yung mga bagay na ayaw niyang pagusapan at iibahin niya lagi yung topic.

"Bibili lang ako ng regalo para kay Rose, para naman matuwa siya." sagot ko.

Nagiba ang ekspresyon sa mukha niya at hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ngayon.

Huminga siya ng malalim at tinignan ako ng mabuti. May gusto ba siyang sabihin sakin?

"Anak, sigurado ka na ba talaga sa girlfriend mo?" tanong ni mama bigla sa akin.

Napasimangot ako bahagya. May problema ba siya kay Rose?

"Opo, sigurado na po ako sa kanya. May problema po ba?" tanong ko. Napaiwas ng tingin si mama.

"Alam mo anak, mahirap i-maintain ang relasyon niyo kung malayo kayo sa isa't isa. At bata pa kayo, hindi pa siguro ito yung tamang panahon para sabihin mong sigurado ka na talaga sa kanya." sabi ni mama, napasimangot ako.

"Bakit ba lagi niyo nalang sinasabing mahihirapan kami sa long distane relationship? Mahal ko si Rose at mahal din niya ako at parehas kaming may tiwala sa isa't isa. Si Rose lang ang babaeng mamahalin ko, ma." sagot ko.

"Seokjin huwag kang magsalita ng tapos, hindi mo alam kung anong susunod na mangyayari kapag lumipas ang mga buwan, mga taon." dagdag ni mama.

School Love Affair Where stories live. Discover now