[EIGHT- Memory]

2.1K 75 47
                                    

Nanginginig ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nanginginig ako.

Dance Contest na at kabadong kabado na ako ngayon, first time ko kasi sumali ngayon at ang daming taong manonood, tapos ang gagaling pa ng mga kalaban ko, para akong nawawalan ng lakas ng loob.

Andito ako sa backstage ngayon at naghahanda ng sarili ko. Hindi pa naman nagsastart yung program kaya chill pa yung mga tao.

"Goodluck, Rose." Sabi nung isang contestant din, si Momo.

"Thank you. Goodluck din sayo." Sagot ko.

Naupo muna ako sa isang upuan at saka sinubukan kalmahin ang sarili ko.

May naramdaman akong kamay sa balikat ko, pagtingala ko, nakita ko si Jin na may hawak hawak na bottled water.

"Jin anong ginagawa mo? Bawal ka dito." sabi ko.

Naupo lang siya sa tabi ko at saka inabot sakin yung tubig, na tinanggap ko naman.

"Nakatakas lang ako, huwag ka na magalala di naman nila ako nakitang pumasok dito eh." sabi niya.

Pagkainom ko ng tubig, sinara ko iyon at nilapag sa mesa sa may tabi ko.

"Huwag ka na kabahan." sabi niya at tsaka hinawakan yung kamay ko. "Andoon lang kami sa harap, nagchecheer sayo."

Pinisil ko yung kamay niya at pinaglaruan iyon.

"Thank you. Bumalik ka na, magsastart na yung program." sabi ko.

Tumango nalang siya at tumayo, pero bago niya isara yung pinto sa backstage, huminto muna siya at binigyan ako ng isang malupit na kindat.

Napangiti nalang ako at inayos ang sarili ko ng isa pang beses bago kami tinawag nung coordinator.

"Okay girls, this is it. Give your best. Magsisimula tayo kay Eunbi, tapos si Momo then Rose at lastly, Seulgi. Goodluck girls!"

Okay so pangatlo ako. Okay na yun kaysa naman huli ako, mas gusto ko nang nauuna ako.

Kasalukuyan nang nagsasayaw si Eunbi. Naghihintay lang ako ng turn ko.

Habang nagsasayaw si Momo, pumwesto na ako sa bungad ng backstage. Kitang-kita na ang daming tao. Kasing-dami ng taong nanood ng Battle of the Bands kahapon.

Tapos na si Momo at ako na ang sumunod. Pumuwesto ako at yumuko sa pinakagitna ng stage at hindi muna ako gumalaw hangga't hindi ko naririnig yung music.

Pagkasimula nung tugtog, tumingala na ako at nagsimulang magsayaw. Nakita ko sila Jin sa bungad at napangiti ako nang itaas nila yung banner na may nakalagay na GO ROSE!

Iyon ang ginawa kong inspirasyon para pagbutihin ang pagsasayaw ko mula sa simula hanggang sa matapos yung music. Nung natapos na ako, bumalik na ako sa backstage at nakita ko si Seulgi na naghihintay.

School Love Affair Where stories live. Discover now