[THIRTEEN- Friends]

1.7K 55 16
                                    

Dahil wala akong magawa sa bahay, pumunta nalang ako sa mall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Dahil wala akong magawa sa bahay, pumunta nalang ako sa mall.

Wala rin naman si mama kaya okay lang na gumala ako. Pag andiyan kasi siya pagbabawalan niya ako na para bang bata ako.

Pagdating ko sa mall, pumunta muna ako ng bookstore para bumili ng mababasang libro.

Yung napili kong libro is The Fault In Our Stars.

Pumila na ako para magbayad sa cashier, mahaba yung pila, nakakainis.

Habang kinukuha ko yung wallet ko, may sumingit na lalaki sa harapan ko.

"Hoy ano ba-" pagkakita ko, si Yoongi lang pala. Mambubwisit lang ng araw yan.

"Huwag ka ngang maningit! Dun ka sa likod!" Sita ko.

"Ayoko." Sagot niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ko na yung wallet ko, sakto namang pagkakita ko, one hundred nalang yung laman. Di sapat para dun sa libro.

Aba'y napakagaling naman.

"Tsk tsk, bibili ka ng libro tapos wala kang pera?" Nangaasar na tanong niya.

"Edi hindi ko nalang bibilhin, problema ba yun?" Sagot ko at aalis na sana ako ng pila pero hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko.

"Ako na magbabayad, kawawa ka naman." Sabi niya sabay kuha nung libro sa kamay ko.

Wala nalang akong nagawa kung hindi hintayin siya.

Paglabas namin, inabot na niya yung plastic na may laman nung libro.

"Kain tayo?" Aya niya.

"Kain lang walang tayo." Sagot ko tsaka umirap.

"Tara na nga." Sabi niya at hinila ako hanggang makapunta kami ng McDo.

"Umupo ka na dun." Tinuro niya yung isang bakanteng upuan kaya sinunod ko nalang.

Pagbalik niya, nilapag na niya yung fries at burger with drinks sa table at umupo na sa tapat ko.

"May sakit ka pero nagagawa mong gumala?" Tanong niya.

Eh bakit ba? Buhay ko 'to.

"Oo, may problema ba dun?" Tanong ko.

"Di mo ba alam na baka lumala yung sakit mo kung lakwatsa ka ng lakwatsa?" Tanong niya.

"Alam ko. Eh gusto kong mabuhay ayon sa gusto ko kasi alam kong mamamatay nako." Sagot ko.

"Ibang klase ka, patayin na kita ngayon gusto mo?" Pananakot niya.

"Geh." Sagot ko at sumubo ng fries.

School Love Affair Where stories live. Discover now