1. Ako nung wala pa s'ya.

27.7K 386 13
                                    

Ang buhay ko nung wala pa sya...

Tulad ng ibang binata na nasa 19 gulang, gumigimik ako sa iba't-ibang bar tulad ng mga bar, mga lugar kung saan nag-e-exist ang mga naggagandahang mga babae. Nagyoyosi, umiinom, nakikipagbarkada ako at maraming babaeng umaaligid-aligid. Pag sinabing marami, syempre papalit-palit ng syota kada isang linggo, kasawa kaya ang maging stick to one at isa pa hindi na uso ,yan ngayon. Kunting effort lang agad kong nakukuha ang mga babaeng natitipohan ko at bilib na bilib ang tropa ko sa pamatay kong moves. Di na uso sakin 'yong umakyat ng ligaw at pagbigay ng kung ano-ano para lang mapasagot sila. Marami na akong napaiyak na girls, hindi ko na nga mabilang at ang iba hindi ko na matandaan ang pangalan at mukha. Sorry sila! Hindi ko na kasalanan kong nagpadala sila sa tulad ko na certified habulin ng chicks at certified pogi. Minsan nga no need ko ng manligaw pa, kusa na kase silang lumalapit at kung swe-swertihan pa ay sila pa itong manliligaw sa akin. Feeling ko nga kasing gwapo na ako ni Leonardo de Carpio o di kaya'y kahawig ni Daniel Padilla at may sex appeal ni Vic Sotto. Na imagine n'yo na ba kung gaano ka gwapo itong bida n'yong si Max? Sabi ng Papa ko, bilog na bilog daw yong buwan ng binoo nila ako ni Mama kaya perpekto. Napaka supportive talaga ni Papa sa nag iisa n'yang anak. Kung si Mama naman ang tatanungin, ganito lage ang linya nya "dyos ko! Manang-mana ka sa ama mong babaero!" Hay naku... mga nanay talaga, kay laki ng bunganga.

Pumapasok ako sa Ateneo! Ang paaralan ng mga gwapo sabi ni Lolo. Die hard kasi si Lolo, kasi doon s'ya nag-aral nung araw pati na ang mga anak n'ya. Ako? Ewan, wala naman talaga akong plano mag kolehiyo. Bukod sa boring na, nakakatamad pa. Isa lang naman ang gusto ko. Yumaman tulad ng mga politiko o mga artista, tipong hindi nauubusan ng pera sa bulsa. Ayoko sa Math dahil magulo sa utak, ayoko sa history dahil ayoko ng alaala sa mga nakalipas at sapat na ang kaalaman ko sa "I shall return" ni Douglas McArthur. Ayoko din sa English, hindi naman ako banyaga at wala din akong planong mangibang bansa, basta ayoko sa lahat ng mga subjects, dahil hindi naman 'yon nagagamit sa trabaho, di ba? Sa interview ba ng kompanya magtatanung sila kung ano ang natutonan mo sa skwela? Hindi. Sa alam ko, laging tungkol sa sarili mo ang itatanung nila at gaano ka kapresentable at gaano ka kagaling dumiskarte. Kung marami akong ayaw sa pag aaral, may mga bagay din naman akong nagugustohan, tulad ng arawang baon, mga chicks, tropa at pangingilkil sa magulang. Kunwari may project pero wala naman pala, hihingi ng pera para sa donasyon o kung ano man pero ang totoo pambili pala ng bagong pang atraksyon. Wag magpakalinis! Aminin... Ganyan ka rin. At sa lahat ng pinaka ayoko sa pag aaral ko ay 'yong kurso kung Engineering. Kung di lang dahil kay Mama hindi talaga ito ang gusto ko, mas gusto ko kasi 'yong kursong may connect sa telebisyon tulad ng Masscom, baka kasi dahil sa kursong 'yon ma-discover akong leading man ni Marian. Oo, Marian Rivera syota ni Dingdong.

Sa bahay, ako ang prinsipe, syempre one and only kaya hayahay ang buhay. Wala si Papa, seaman kasi s'ya at minsan lang kami magkita pero di ko naman s'ya nami-miss dahil modern na ang panahon ngayon, di tulad ng dati kailagan pa maghintay ng ilang buwan para sa sulat galing sa mahal mo sa buhay. Si mama naman, laging wala, laging nagpepermi sa tindahan n'ya sa may kanto. Kaya napaka boring ng bahay namin, malaki nga ngunit wala naman kabuhay-buhay, pag walang pasok o di kaya'y gimik, inuubos ko nalang ang oras sa pagbabasa ng FHM magazine. Marami naman akong pinsan pero wala naman nagagawi sa bahay bukod nalang kung may mahalagang okasyon, lahat naman kase sila, subsob sa aral o trabaho kaya ayon mga mukhang kawawang nilalang o di kaya'y natuyong dahon. Ayoko rin naman pumasyal sa mga bahay nila, dahil tiyak sermon ang aabutin ko sa mga tiyahin kong mga leon. Nasanay na rin akong mag isa sa bahay, kung abutin man ng gutom isang tawag lang sa fastfoods ang katapat. Minsan pa, automatic, hinahatid na ng katulong ni mama sa bahay ang pagkain. Masaya na ako sa ganitong pamumuhay kung tatanungin mo man ako, walang kapagod-pagod.

Pagdating sa tropa ko, ako yong pambato nila kasi nga daw ako yong may makapal na mukha. Hindi naman makapal talaga mukha ko, mataas lang talaga kompyansa ko sa sarili, syempre naman full of confident din naman kasi ako. Kung papairalin ko 'yong hiya-hiya factor na 'yan, aba-aba! Kawawa ang mga dilag na dalaga na naghihintay na mahalikan ang gwapong mukhang 'to! Sayang din naman kung ganun. Kung kaartehan lang, marami ako nyan! Sabi nga ni Mama dapat naging babae nalang daw ako, minsan naman tinatawag nya akong bakla na nagtatago sa anyo ng matipunong lalaki. Naiinis ako na natatawa. Ako bakla? Naku! Wala akong plano. Maarte ako pagdating sa kaayosan sa katawan, syempre dapat itong alagaan upang mga babae lalong mabighani. Hindi ako gumagamit ng gluta upang pumuti ang balat sadyang pinanganak na talaga akong may artistahing balat. At para mapanatili ang kinis nito, ayon naging suki ako ng sabong papaya. Basta daig ko pa ang babae. Sa ligo nga lang 2 oras bago ako matapos. Kodkod dito, kodkod doon. Di baleng walang kain, basta maligo lang araw-araw.

Iba ang trip namin magbabarkada, mahilig kami kumain, mag outing at higit sa lahat mag hunting game. Pagsinabing hunting game hindi hayop ang hinahanap namin kundi mga magagandang chicks sa gabing madilim. Ooops! Wag masyadong madumi ang isip, mga high class na babae syempre at hindi 'yong mga nakatayo sa poste at kinakaway ang kamay na ibig sabihin sila ay mga bayaran. Wala pa naman kaming planong magkaroon ng sakit noh! Sabi ng iba matinik daw kami, nabansagan nga kaming mga crush ng campus, crush ng bayan at kung ano-ano pa. Para lang kaming mga santong sinasamba. Happy go lucky kaming magbabarkada, parang may tali nga ang mga paa namin kasi kung nasaan 'yong isa, andun din ang iba. Malamang sa nakaraang buhay namin ay magkapatid kami at ngayong nasa bagong taon kami isinilang ay pinagtagpo naman kami para maging magkakaibigan. Motto namin ang "walang iwanan!" Oo, wala ngang iwanan, tuwing napapasabak kami sa ramble, naghahawak kamay kaming tumatakbo para panigurading walang maiiwan sa amin. Duwag na kung duwag, ang sakit kaya masuntok sa mata at nakakasira ng mukha ang bugbog. Marami na rin kaming pinagdaanan since high school. Naging suki nga kami ng principal at guidance office dahil sa kakulitan namin. Ilang beses na rin kaming nagpalipatlipat ng paaralan.

Ano bang secret ko para makabingwit ng iba't ibang babae? Syempre dapat pogi ka, magaling manamit, mabango at may car. Dapat matalas ang dila mo sa pakikipag-usap para sila'y magka interest sa'yo. 

Ngunit lahat ng kasayahan ko biglang nagbago ng mabonggo ako. At mula noon ang Max na kilala nila ay nag iba na. Ito ang kwento ng love story ko......

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

I been working on to edit this one. It took me years to finally decide to work this out, cut some lines that are not necessary and look out for some errors. I would really appreciate to be corrected, and will look forward for your comments along the story, please do correct my grammar and spelling, I am not that good in Tagalog. Thank you :*

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now