44. Preparing.

3.4K 69 0
                                    

Eight months na ang baby ko sa loob ng t'yan ni Mariel. Next month ikakasal na rin kami. May sarili na rin kaming bahay na lilipatan after ng kasal, ayoko man iwanan si Mama ay sila na rin ang nagsabi na bumukod kami. Hindi masyado malayo kina mama at papa ang binili hinuhulugan kong bahay, dahil gusto ko malapit pa rin ako sa kanila at para ma-check ko sila from time to time.

"Kinakabahan ka ba?" Tanung ko kay Mariel.

"A lil' bit but I know I can do this." Sagot ni Mariel.

"That's my girl!" Natutuwa kung sabi.

Kinakabahan ako baka saktong manganak din s'ya sa kasal namin, e maudlot pa. Pero alam ko hindi sisirain ng anak ko ang moment namin ng mommy n'ya.

Sinadya kong daanan si Alex. Para e abot sa kanya ang wedding invitation card. Kahit hindi s'ya magpunta ok lang at least naging open na ako sa kanya, kaya lang wala s'ya dun.

Malayo-layo na rin ako sa burger shop ng may humabol sa akin.

"You drop this bro." Sabi ng lalaking kasing edad ko rin sabay abot sa card. "I wonder why Mariel didn't tell me about this." Dugtong n'ya na nakapagpakunot ng noo ko.

"You knew her?" Tanung ko.

"Your his boyfriend, ayt? To be fair with you since you are such a good man, I want you to know that for the past years I became her fuck buddy. And then suddenly she stop seeing me. So now I know why. Because you two are tying the knot." Natatawa n'yang sabi na palingo-lingo pa habang tinitingnan ang wedding invitation namin.

"Take it back." Sabi ko na may pagbabanta sa boses ko at hinawakan ang kanyang damit.

"Just tell Mariel I'll still wait for her whenever she felt lonely." Tugon n'ya at itinaas ang mga kamay na tila nagsasabing hindi s'ya lalaban sa akin.

Inundayan ko s'ya ng suntok at hindi naman s'ya lumaban sa akin. Panay lang tawa n'ya na mas nakadagdag ng inis ko sa kanya. Biglang may humawak sa akin at pumigil sa aking ginagawa.

"Tama na!" Sabi ni Alex sabay sapak sa ulo ko at pumagitna sa amin ng lalaki.

"Congratulations in advance bro!" Sigaw n'ya sabay alis at tumatawa pa.

Never ko pang nakita ang lalaking iyon at wala rin kinu-kwento si Mariel na may naka relasyon s'ya dati na kaibigan n'ya pa rin hanggang ngayon.

"Sa susunod 'wag kang makipag away sa daan. Nag iiskandalo ka na. Pinapahiya mo pa sarili mo. Baka sabihin nila tayong mga Pilipino walang pinag aralan." Sabi ni Alex at inabot sa akin ang card.

"Sinapak mo ko?" Tanong ko.

"Titigil ka ba kung hindi ko ginawa yon?" Tanung  din n'ya.

Sinundan ko s'ya, hindi s'ya papunta sa burger shop kundi sa ibang direksyon.

"Para sayo 'tong card. Para sa kasal namin." Paghabol ko kay Alex na binibilisan ang paglakad.

"Wag na. Hindi rin naman ako pupunta e. Congrats nalang." Tangi n'ya.

"Alex-"

"Bakit ka ba nakipag away dun? At ano 'yong sinisigaw ng bakulaw na 'yon?" Tanung n'ya habang nagbibilang ng barya sa harap ng coffee machine.

Bago pa man ako makasagot. Pinasahan na n'ya ako ng mainit na kape at muli kaming naglakad papunta sa park.

"Ito lang kaya ko. Nagtitipid e. Pagtyagaan mo na." Sabi n'ya at ngumiti sabay upo sa bench.

"Si Mariel 'yong tinutukoy nya." Sabi ko at napabuntong hininga. Napaisip ulit ako sa mga sinabi nung lalaking 'yon.

"Hindi ko na aalamin. At mas mabuti pang walang alam kasi mahirap na at baka may masabi pa akong mali." Sabi n'ya at napailing. "Ang ganda ng araw na 'to. Iba s'ya sa mga nagdaan. Sana palaging ganito. Para lagi akong nasa good mood."

After how many months ng nagpaalam kami sa isa't-isa ngayon lang ulit kami nagkita. Saka hindi ko inaasahan na uupo kami sa iisang upoan at manunuod ng mga nagdaraang mga tao. Napaka busy ko para maisip ko ang masakit na pagpapaalaman namin dalawa. At ngayon, muling bumibigat ang dinarama ko.

"Pagkasal na ako, bawal na tayong umupo sa bench at sabay uminum ng kape. Kaya sulitin na natin ang oras na ito." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Tama. Kasi baka isipin nila may affair tayo." Natatawa n'yang sabi.

"Ikaw. Wala ka pa bang boyfriend? Daming gwapo dito kaya makakahanap ka ng mas madali." Sabi ko na dinadaan sa biro.

"Aanhin ko naman ang gwapo kung manloloko? Saka wala pa akong plano makipag relasyon. Magtatrabaho muna ako para may maraming maipon."

"Baka tumanda kang dalaga n'yan."

"Di naman siguro. Grabe ka ha."

Pinili namin mag-usap tungkol sa masasayang bagay at iniwasan na maungkat ulit ang nakaraan. Iba ang aura ni Alex ng araw na 'yon, napakasaya n'ya.

Isang magagandang ngiti ang pagtatapos ng aming usapan. Pinanood ko s'yang naglalakad palayo at kahit isang beses hindi s'ya lumingon sa akin, ang sakit sa loob ko na kahit pwede ko s'yang habulin ay hindi ko magawa dahil may obligasyon na akong kinakaharap.

Pag uwe ko naman sa bahay, busy na busy si Mariel sa wedding invitation cards. Sinulatan n'ya ito ng mga pangalan sa kanyang iimbitahan. Napadukot ako sa aking bulsa at napasulyap sa card na ibibigay ko dapat kay Alex. Itinapon ko ito sa basurahan, nilapitan ko s'ya at hinalikan sa noo.

"Kumain ka na." Sabi n'ya at tumayo sa kanyang kinauupoan.

"Busog pa ako. Sige pahinga lang ako sa kwarto. 'Wag ka masyado magpagod." Matamlay kung sabi.

Nakahiga ako sa kama at iniisip ang lalaking nakatagpo ko. Binabagabag ako ng kung ano nang dahil sa narinig ko mula sa kanya. Sana biro lang 'yong mga sinabi n'ya sakin.

"Is there a problem?" Tanung n'ya ng pumasok sa kwarto.

"Pagod lang ako." Sagot ko na hindi man lang s'ya sinulyapan.

"Is this about Alex?" Tanung n'ya na naman. At ng tumingin ako sa kanya, nakita kung hawak n'ya ang isang card na kiniyumos. "You meet her?" Tanung n'ya na naman.

"Don't start." Tanging sabi ko at pinikit ang mga mata.

At saka n'ya ako sinampal kasama ang card. Napatayo ako dahil sa gulat.

"You're cheating!" Sigaw n'ya.

"Wala akong ginagawang masama. Kaya pwede ba magpahinga na tayo." Mahinahon kung sabi.

"How dare you to cheat on me! I am not stupid! I know both of you are doing something! And then your going to bring her on our wedding day!" Galit na galit n'yang sabi.

"Shut up!" Sigaw ko. "Baka ikaw may tinatago!"

"And now your judging me!" Sigaw n'ya at pinagsasampal ako.

"Tama na!" Sigaw ko. At hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga braso.

"Aray ko! Let me go!" Sigaw n'yang sabi na namimilipit sa sakit.

"Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang masama o tinatago sa akin. Dahil kung may malaman man ako na hindi maganda tungkol sayo. Ito tandaan mo. Magsisisi ka talaga. Saka nagkita pala kami nung fuck buddy mo kanina. Nag congrats in advance pa. Sayang nga e hindi ko natanung ang pangalan n'ya." Pagkabitaw ko sa kanyang braso, pumasok sina mama at papa sa kwarto at lumabas naman ako.

"Max!" Tawag ni papa.

"Sa taas na ako matutulog pa."

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now