26. Laban lang.

3.7K 93 2
                                    

Hindi ganun kadali ang umiwas sa taong minamahal , unang-unang kalaban kasi ang sarili mo. Mahirap lalo na kung pinipigilan mo ang puso mong makaramdam ang pagmamahal sa kanya at mahirap kontrolin ang utak na 'wag isipin si Alex. Kahit na masakit lahat ng ginagawa mo, pipilitin mo pa rin ang sarili na magpatuloy dahil ikakabuti naman iyon para sa'yo. Ngunit minsan gusto mo ng sumuko kaya lang may naiisip ka pa rin na maganda pagnalampasan mo lahat ng pagsubok.

Tapos ko na ang kurso ko. Ngunit di pa rin ako tapos sa pagmamahal kay Alex. Naging inspirasyon ko s'ya dati para magtino sa buhay pero hindi s'ya nagmarka ng maganda sa buhay ko ngayon. Turing ko sa kanya bangungot. Hindi dahil sa hindi n'ya nasuklian ang pagmamahal ko, kundi dahil sa ang hirap mag let go at mag move on.

Pauwe si Papa, mag-a-attend s'ya sa graduation ng nag-iisang anak n'ya. Syempre! Super proud ang papa ko na walang ibang ginusto kundi makatapos ako ng kolehiyo. At least, kahit may lungkot, masaya ako kasi magkikita na ulit kami ng idolo ko.

Buo na rin ang pasyang ko na pumunta sa Australia at doon kumuha ng first job. Alam ko mahirap doon pero wala naman masama kung susubukan ko. Baka hakbang na rin ito na doon ko matagpoan ang taong magpapasaya sa akin.

"Max! Max!" Tawag ng isang boses mula sa likod ko. Boses pa lang hula ko na, na si Andrew ang tumatawag. Late na para iwasan ko s'ya. No choice kundi harapin nalang. "Long time no see ah." Pangiti n'yang sabi at inakbayan pa ako saka inalog-alog.

Di s'ya nagbago. S'ya pa rin ang Andrew na kilala ko. Ang Andrew na maingay at makulit.

"Busy sa pag-aaral e." Matamlay kong sabi na nahihiya sa kanya. Syempre nahiya ako kasi wala man lang akong pasabi na iniwan ang kapatid n'ya. "Kumusta na pala?" Tanung ko at ngumiti sa kanya. Na may halong kaba at takot.

Sa totoo lang masaya akong makita s'ya. Ngunit sa kabila nun takot. Kasi baka bigla n'ya akong sapakin dahil sa ginawa ko sa kapatid n'ya.

"Mahaba-habang usapan yata 'to ah! Tara shot tayo! Dating gawe!" Masaya n'yang sabi at di na ako nakatanggi dahil kinaladkad n'ya na ako.

Same place pa rin. Ang lugar na lagi n'yang pinagdadalhan sa akin. Nakakapanibagong pumasok sa lugar. Matagal din nung huli kung pasok sa isang bar.

Alam n'yo, kahit si Andrew ang kaharap ko, nasasaktan pa rin ako. Kasi s'ya 'yong sinasabihan ko tungkol sa problema ko dati kay Alex. S'ya ang nagbibigay payo sa akin. S'ya 'yong tinatakbohan ko at hinihingan ng tulong. Pero ngayon. Ewan ko, ano kaya ang pag-uusapan namin. Paniguradong tungkol na naman sa akin at kay Alex.

"Anong nangyari?" Tanung n'ya na walang punto. Kaya napatingin nalang ako sa kanya. "Sa inyo ni Alex." Dugtong n'ya. At marahan tumawa saka iminom ng beer.

Napahigpit ang hawak ko sa bote ng beer. Ayoko na kasing ungkatin pa ang bagay na pilit ko ng kinakalimutan kaya lang parang ang iwas iwasan kung kaharap ko ang kapatid n'ya.

"Hindi kita masisisi sa nangyari sa inyong dalawa. Alam ko naman na mahal mo s'ya. Kaya nga hindi ako nagalit sa'yo e. Kung may nagkulang man sa relasyon n'yo. Hindi ikaw 'yon. Kundi si Alex. Naging makasarili s'ya. Iniisip n'ya lang sarili at feelings n'ya. At kinalimutan na may puso ka. Kaya nga deserve n'ya na iwan mo. Tanga n'ya di ba! Hindi n'ya alam, nawala sa kanya ang taong handang ibigay maging ang planetang pluto."

"Grabe ka naman. Hindi pa ako nakakaabot sa pluto malamang patay na ako."

Namiss ko 'yong bonding moment namin ni Andrew. 'Yong kakwelahan n'ya at kalukuhan n'ya. 'Yong naiiyak ka na dahil sa sobrang seryoso mo pero s'ya nagpapatawa pa.

"Ano ng plano mo ngayong tapos kana sa pag-aaral?" Tanong n'ya na naman. "Pakakasalan mo na ang girlfriend mo?"

"Girlfriend ka d'yan. May trauma na ako sa mga babae." Natatawa kung sabi. "Aalis ako the day after my graduation. Sa Australia muna ako. Gusto ko kasi doon maka experience ng first job ko. Saka para maiba na rin."

Napailing si Andrew. Parang may gusto s'yang sabihin pero di n'ya kaya.

"Nagagalit ka ba tuwing sinasaktan ka ng pisikal ng kapatid ko?" Ayan na naman ang weirdo n'yang tanung. Ayoko ko talagang pag-usapan si Alex. Kung pwede lang sana.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit? Mahal ko s'ya, kaya ok lang naman." Honest kung sagot.

"Mahal mo pa?" Tiningnan n'ya ako sa gilid ng kanyang mga mata.

Nabilaokan pa ako sa ininum kung beer at muntik ko pang mabuga sa kanya.

"Anong klaseng tanung ba 'yan Andrew?" Naiinis kung sabi habang pinupunasan ng tissue ang mukha ko. "Syempre mahal ko s'ya pero ayaw n'ya sa akin. Kaya hindi ko s'ya pipilitin. Saka isang taon mahigit na. Ano pa bang aasahan ko?"

"Nagtatanung lang naman e." Natatawa n'yang sabi. "Kung hindi mo s'ya kayang pakawalan d'yan sa puso mo. Hindi ka talaga makakakita ng bagong mamahalin."

Ayan na naman si Mr. Know It All. Pinapangaralan na naman ako. Pinaka the best na kaibigan talaga si Andrew. Sana ganito pa rin s'ya sa susunod namin pagkikita.

Pinipilit ko naman na kalimutan si Alex. Nakikipagbaka ako sa sarili ko araw-araw. Sadyang makapit lang talaga si Alex sa buhay ko. Parang dinikit ng rugby ang pangalan n'ya sa puso ko. Kahit anong gawin ko hindi s'ya mawalawala. Kaya nga naisip ko lumayo muna pansamantala. Baka sa pag-alis ko, tuloyan ko na s'yang makalimutan. Kasi pagnanatili pa ako, malamang mabaon ako sa alaala n'ya. O mas malala e malunod.

Wala akong pinagsisihan na niligawan ko s'ya at naging girlfriend. Masaya ako sa panahon na kasama ko s'ya kahit alam ko naman na hindi n'ya ako mahal at minsan na take for granted. At least naging parte ako ng buhay n'ya. Pinagsisihan ko lang ay sa maling panahon kami nagtagpo. Siguro kung nauna lang ako sa ex n'ya baka minahal n'ya rin ako. Sa ngayon, iisipin ko muna ang kaligayahan ko. Mula ng nawala kasi sa buhay ko si Alex, nakalimutan ko ng ngumiti o di kaya tumawa at maging masaya. At wala na akong naging kaibigan. Pakiramdam ko napaka miserable ng buhay ko. Kaya gusto ko magsimula ulit.

"Bet kita para kay Alex, Max. Alam mo naman siguro 'yan di ba? Sana sa pag-alis mo magpaalam ka naman sa kanya. O di kaya kausapin mo s'ya. Sigurado akong sasaya s'ya pagnakita ka n'ya." Malungkot n'yang sabi.

"Tol, hindi ko kaya. Nasa path na ako na kalimutan s'ya. Mas makakabuti kung hayaan namin na kusang maghilom ang sakit." Tangi ko.

"Ni rerespeto ko ang desisyon mo." Agad n'yang sagot.

Bakit pa ako magpapaalam? Para masaktan lang ulit? Sasaya s'ya kung makikita ako? E dati nga tinataboy n'ya ako palayo. Kaya para saan pa ang pamamaalam? Matagal na akong nagpaalam sa kanya at kahit pa pilitin ko man na kaibiganin s'ya mas mahihirapan akong mag-move on.

"Alam ko walang closure ang lahat sa amin. Bigla ko nalang s'ya iniwan sa one year anniversary namin. May deal kami noon at ng araw na 'yon nakuha ko na ang sagot. Kaya nga wala ng pagdadalawang isip na iniwan ko s'ya. Sorry tol pero ayoko ng magmukhang asong sunod ng sunod sa taong inaayawan ako. Mahal ko pa s'ya. Totoo. Pero mas lamang ang galit na nararamdaman ko para sa kanya dahil sa ginawa n'yang paiinsulto sa akin ng harap-harapan kasama ang lalaking 'yon. Hindi ako nagkulang. Naging tapat ako. Minahal ko s'ya. Pero anong ginanti n'ya? Kahit respeto man lang na hindi n'ya ipakita sa akin na iba ang interes n'ya ay ginawa n'ya. Ilang beses n'ya dinurog ang puso ko pero kumapit pa rin ako sa maliit na pag-asa. Galit ako sa kanya. Galit ako sa kanya Andrew. Sinira n'ya ako."

Napaiyak ako. Luha ng kalungkutan. Hindi. Luha pala ng pighati at galit.

Hindi naging tapat si Alex sa akin. Hinayaan n'yang masaktan ako. Kung sinabi n'ya na hindi n'ya ako kayang mahalin. E di hindi ko na sana pinilit na umabot kami ng isang taon. Pinaasa n'ya ako sa wala. Ang mas malala pa, tinangay n'ya ang puso ko.

Astig nga s'ya maging girlfriend. Kakaiba s'ya sa lahat ng babae. Pero nakakatakot s'ya dahil wala s'yang pakialam kahit mamatay ka pa sa sakit ng dahil sa pagmamahal sa kanya.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now