34. Paalam na.

3.3K 67 2
                                    

Sabay-sabay na nagkaway ng kanilang mga kamay tanda ng pamamaalam ang maiiwan naming kamag-anak. Humahagolgol naman ng iyak si Mama habang kaming tatlo ni Papa ay papalayo sa kanila. Wala si Andrew, hindi s'ya nakarating dahil naka admit na si Alex sa hospital. Lumuwag na rin pakiramdam ko dahil pumayag na rin s'yang magpa opera ng kanyang mata. At least, aayos na rin ang buhay n'ya.

Napabuntong hininga ako habang naka upo sa upoan ng eroplanong sinakyan ko. Tinapik ni Papa ang aking balikat at ngumiti ako sa kanya at sabay kaming napatingin kay Mama na nasa gitna namin at nakayuko.

"Kinakabahan ka po ba Ma?" Tanung ko. Masyado kasing halata na balisa si mama dahil napakahigpit ng kapit n'ya sa braso ni Papa.

"Wag n'yo kong pagdiskitahan. Tamaan ko kayo dyan e!" Naiinis n'yang sabi. At nagtawanan kami ni Papa.

Masaya ako dahil buo na rin kami. Sa wakas! Wala ng aalis, wala ng lalayo. Iisang bahay ang titirhan at sabay na lage na kakain. Isang pangarap na matagal ko rin hinintay na matupad.

Marami akong plano sa pagdating namin doon. Mamasyal syempre at ililibut sila sa magagandang lugar lalo na ang mga beach. Totodohin ko ang bonding namin tatlo. Sana may pag asa pang masundan ako para may kakulitan naman ako sa bahay.

Si Alex. Okay lang kaya s'ya? Siguro natatakot 'yon panigurado. Pero matapang s'ya. Kakayanin n'ya ang operasyon. Nandun rin naman si Andrew. Hindi s'ya pababayaan ng kuya n'ya. Sana successful ang operasyon para naman maka ngiti na ulit s'ya. At maging masaya sa buhay.

Ano ang nararamdaman ko? Tulad pa rin ng dati. Marami pa sigurong taon ang dadaan bago ko s'ya tuluyang malimot. Sa ngayon, focus muna ako sa family ko bago maghanap ng babaeng mamahalin ko. Hindi naman ako nagmamadali e at alam ko darating din isang araw ang taong para talaga sa akin. Matagal ko ng tinaggap na hindi para kami para sa isa't-isa. Ginamit lang s'ya ng tadhana upang ako ay magbago.

Lumipad na ang eroplano. Panay kurot ni mama kay papa habang ako tinatanaw ang magandang syudad sa himpapawid. Matatagalan rin siguro bago ko muli ito masilayan. O baka hindi ko na ulit makikita ang lugar na ito. Kasi wala ng dahilan upang magbalik pa ako. Sasariwain ko lang ang mga masamang nangyari.

Muling nag flashback sakin ang mga taong naging parte ng buhay ko. Sana lahat kami pagtanda ay maging masaya at successful.

"Kakalimutan mo na rin ba s'ya anak?" Tanung ni mama na namumutla sa takot. Gets na gets ko ang kanyang tinutukoy.

"Bahala na po si God ma. Ang importante magkakasama na tayo ni papa." Sagot ko at nginitian silang pareho.

Undefined ang happiness na nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Kasi lagi ko na silang mayayakap pareho pag gusto ko. Saka matagal ko na rin inaasam-asam na hindi na umalis si Papa. Ang makasama silang pareho ay pinaka the best the regalo ni God sa akin ngayong taon na 'to.

Sana bawat araw maisip at ma-appreciate ni Alex ang buhay, hanggad ko para sa kanila ni Andrew ay maging masaya tulad ko. Alam ko na magkikita rin kami ulit, at sana pagnag cross ulit mga landas namin ay puno na sila ng mga ngiti sa kanilang labi.

--------

Filler chapter.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now