42. Guilty.

3.2K 58 1
                                    

Naabutan ko si Mariel nag aayos ng gamit sa guest room, papaalis na ako papunta ng office. Gusto ko sana s'yang kumustahin kaso ayokong bumaba ang pride ko. Naka fitted sleeveless s'ya ng suot, kaya nakita kong malaki na pala ang kanyang tiyan. Agad ako tumalikod at umalis dahil na feel ko ang guilt. Tama ba na tratohin ko s'ya ng ganito? Masaya naman kami noon kaya di ko maintindihan bakit nagkaganito kami ngayon.

Binabad ko ang sarili sa trabaho para malimutan muna si Mariel dahil naguguluhan pa talaga ako. At nakalimutan ko rin na automatic pa lang dumadating si Alex sa office para ihatid ang lunch ko.

"Oh burger mo. Sana di ka maging burger sa kakakain mo nito araw-araw." Sabay ikot para umalis.

"Sandali!" Tawag ko at naparigil naman s'ya.

"Bakit na naman?" Tanung n'ya na di man lang lumingon, halatang umiiwas talaga sa akin.

"Ano kaya sa tingin mo ang magandang regalo para sa buntis?" Tanung ko sa kanya.

"Tanungin ba naman ako ng ganyan. E di regalohan mo ng maternity dress." Sagot n'ya sabay alis.

Magugustohan kaya ni Mariel ang idea na 'yon? Kasi kung ako, magandang idea din ang sinabi ni Alex.

Pagka out ko sa opisinan, dumaan ako sa mall para bumili ng regalo ko sa magiging ina ng anak ko. Ang hirap pala pumili, lalo na pag dating sa kulay. Thanks God at tinulungan ako ng Saleslady.

At di ko naman inaasahan nandun din si Alex sa mall. Nagkasalubong kami at agad naman n'ya akong iniwasan, hindinko napigil ang sarili ko at napahawak ako sa braso n'ya.

"Bakit?" Tanung n'ya na nakayuko.

"Mag-usap naman tayo." Sagot ko.

Agad kinalas ni Alex ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso at tiningnan ako sa mga mata.

"Para mag celebrate na magiging Papa kana?" Tanung n'ya at ngumiti.

Napatingin ako sa dala ko at agad tumingin sa kanya.

"Oo." Sagot ko naman.

May malapit na Restobar sa Mall kaya dun nalang kami. Hindi masyadong matapang ang inorder n'ya at ginaya ko na rin din s'ya.

"Sorry pala sa pang-iinis ko sa'yo this past few days ha." Pagsisimula ko.

"Ok lang. Alam ko naman ginagantihan mo lang ako." Nakangiti n'yang sabi.

"Anyway. Si Andrew kumusta na pala?" Tanung ko sa kanya.

"Ok lang din naman." Simpleng sagot ni Alex.

"Matagal ka na dito?"

"Five months na yata ako dito. At hindi ikaw ang dahilan kaya nandito ako."

"Naisingit mo pa talaga 'yan ha."

"Thanks Max. Sa ginawa mo. Ang laki ng utang na loob ko sa'yo. Sobrang nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko."

"Wala 'yon. What are friends for di ba?"

"Congratulation pala at magkaka baby kana. Alam ko magiging mabuting ama ka sa anak mo."

Nakita ko s'yang ngumiti at alam ko na ang nahuhulog na naman ako sa kanya tulad ng dati. 'Yong pagtibok ng puso ko tuwing nakikita ko s'ya ay ganun din ang pagtibok nito ngayon kaharap ko s'ya.

"Alex I just want to be honest. Since nag uusap na rin tayo."

"Tungkol naman saan?"

"I still love you."

Sa diretsahan kong pagkasabi nun ay natulala nalang s'ya at tinitigan ako ng mabuti.

"Nagbibiro ka lang di ba?" Tanung n'ya at napainum ng alak.

"No. Mahal pa talaga kita. Pero alam mo naman magiging Papa na ako so kailangan na kitang kalimutan."

Walang ano-ano dinampot na n'ya ang bag n'ya at iniwan ako mag isa. Alam ko nagulat s'ya sa sinabi ko, ginawa ko lang naman 'yon para di ko pagsisihan ito sa bandang huli na hindi ko nasabi sa kanya iyon. At ngayon nasabi ko na, pwede na akong bumalik kay Mariel at ayusin ang relasyon namin dalawa.

Pagkadating ko, agad akong nagtunga sa kanyang silid.

"Hey!" Tawag ko kay Mariel habang nakadungaw at nakatayo sa pinto ng guest room. "Pwede bang pumasok?" Tanung ko. Ngumiti sya saka ako pumasok. "Naisip ko kasi sumisikip na ang mga damit mo kaya binili kita nito. Sana magustohan mo."

Pagkaabot ko binuksan n'ya ito agad.

"Wow! Ang ganda!" Gulat n'yang sabi habang tinitingnan ang maternity dress. "Thanks!" Sabi n'ya at hinalikan pa ako.

"Akyat lang ako. Pahinga ka na rin. Para healthy si baby." Sabi ko na napangiti.

Gumaan kunti ang bigat na dinadala ko at bigla nalang akong na excite na bumili ng gamit ng baby.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now