11. Friendly date nga ba?

4.4K 104 5
                                    

After ng work ni Alex, nagkita kami sa plaza malapit sa lugar nila. Di ako hilig magpunta sa ganun lugar pero dahil sa kanya e sumugal ako. Kinulit ko kasi s'ya ng kinulit para mapapayag lang na magkita kami, ayon di rin nakatangi.

Habang nakaupo kami sa hood ng nakaparada kong kotse, kitang-kita ko ang daming mag syota na nagdi-date; magkaakbay at magkahawak kamay. Naingit ako sa kanila.

"Siguro ito date place n'yo ng boyfriend mo." Panghuhula ko na isinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon ko.

"Gago!" React n'ya. "Hindi no! Saka di ko na boyfriend 'yun."

"E bakit dito tayo nagpunta?" Tanung ko kasi di ko maintindihan kung bakit dun kami nagpunta. "Alam mo naman na dating place ito sa mag syota."

Nagpalingon-lingon s'ya sa paligid. May hinahanap ang kanyang mga mata. Ano naman kaya 'yon? Napabuntong hininga nalang ako at parang asong bumuntot sa kanya ng mag umpisa na s'yang maglakad.

"First time mo dito?" Tanong ni Alex habang palingon-lingon na naglalakad.

"Oo. Di ko nga alam ito itsura ng plaza pag pumasok ka pala sa pinakaloob." Honest kung sagot. Dati kasi nachi-cheap-pan ako sa pampublikong lugar. Saka alam mo na, walang chicks na class A na tatambay sa lugar tulad nito.

"E di mas maganda." Napangiti n'yang sabi ng humarap sakin at sa gulat ko e parang tumalbog ang puso ko. "Para naman tuwing napapadaan ka sa plaza e ako unang una mong naiisip."

"Binibigyan mo na ako ng pag asa na may chance akong maging boyfriend mo," sabi ko sa kanya. "Nakakainis ka pag ngumiti. Lumalakas tibok ng puso ko."

"Hoy! Ang corny mo!"

Ngayon ko lang napansin na masaya s'ya at ito na naman ako, nahuhulog na naman sa kanya. Ang tindi-tindi talaga ng tama ko sa kanya, malamang ito magiging dahilan ng pagkabaliw ko pagnagkataon.

"Alam mo may suki ako dito dati e. Matanda na s'ya." Di ko ma-gets 'yong sinasabi n'ya kaya naka isip tuloy ako ng masama. Base kasi sa naririnig ko. Maraming babae ang nagbebenta ng laman sa ganitong lugar. 'Yon kaya ang ibig n'yang sabihin?

Tiningnan ko s'ya at sakto naman na napatingin s'ya sakin, kaya dalidali kung nilipat ang mga mata ko sa dalawang teenager na mag syota malapit samin dalawa.

"Hoy! Iniisip mo siguro-"

"Hindi ha. Alam ko naman hindi mo magagawang ibenta ang katawan mo sa madidiring matatanda." At ayon lumabas sa bibig ko na di sinasadya ang nasa isip ko.

Napakunot noo si Alex at napa cross arms. Halatang nagagalit na. "Ang dumi ng isip mo noh. Hoy! Di pa ako nauubosan ng pag-asa. Saka ang ibig kung sabihin dun sa matanda, e suki ko 'yon sa kwek-kwek. Tempura at gulaman."

Lagot na. Bibig ko talaga. Tumawa nalang ako at napakunot noo. Bakit naman kasi sumagi pa sa isip ko na isa s'yang Magdalena na mababa ang lipad? Bwesit talaga. Nasira ko tuloy ang magandang moment namin dalawa.

"Sorry na." Sabi ko sa kanya.

"Kung di ka lang gusto ni Tatay e baka napatay na kita." May dugong mamamatay tao ata 'tong babae na ito. "Karatihin kita dyan e!"

"Ito naman. Napaka sadista mo naman."

"Ewan!"

Nagpatuloy s'ya sa paglalakad at sumunod agad ako. Napaisip ulit ako. Ano bang klaseng pagkain yong kwek-kwek, Tempura at Gulaman. I mean, oo narinig ko na ang mga salitang 'yon sa bibig ng iba at nakita ko na rin pero never pa akong nakatikim nun sa buong buhay ko. Maarte kasi akong tao at di ko feel ang kumain ng streetfood. Trauma siguro ito nung minsan kumain ako ng isaw at sumakit ang tyan ko, naadmit pa nga ako nun sa ospital. Kaya mula nun, di na ulit ako kumakain ng street food kahit sabihin nilang heaven ang sarap.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now