28. Flying away.

3.5K 73 0
                                    

Nasa airport na ako buong-buo ang loob na umalis, at si mama hindi makabitaw sa kakayakap sa akin. Humahagolgol pa sa kakaiyak. Si papa naman, masaya s'ya dahil handa na akong maging independent na ako. Aalis din s'ya after 2 months. Sasakay ulit sa barko, at maiiwan si mama mag-isa. Hindi ko man gusto umalis pero kailangan e. Para na rin sa magiging buhay ko.

"Iiwan mo na nga ako. Iiwan pa ako ng papa mo." Emotional na sabi ni mama na kapit na kapit ang mga braso sa katawan ko mismo. Ni hindi s'ya nahihiyang pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Ma, babalik rin ako." Pabulong kung sabi na nahihiya.

"Kailan pa? Isang taon? Dalawang taon? Tatlong taon?" Tanung n'ya na pinupunas ang mga luha sa pisngi, at natawa ako na parang naiiyak na rin.

"Basta ma. Babalik din ako. Sa ngayon aalis muna ako para makahanap ng magandang trabaho. Ayaw mo ba nun mama?" Pangako ko sa kanya.

"Pwede ka naman dito magtrabaho anak e. Marami naman pwede pasukan dito." Sabi n'ya napinipigilan ako kahit sa huling pagkakataon. Pero wala na talagang atrasan, buong-buo ang loob ko.

"Iba pa rin kung sa ibang bansa ma. Mas malaki na sweldo saka iba sila mag-training kaya mas maganda doon ako magsimula." Paliwanag ko ulit sa kanya.

"Mang hayaan mo na si Max. Malaki na s'ya. Hindi na s'ya 'yong batang kinakarga natin dati." Sabi ni papa at inabot ang hand carry ko dahil narinig na namin na tinatawag na mga pasaherong papunta ng Australia.

Muli kong niyakap si mama at papa. Alam ko isang araw, mabubuo din kami at wala ng aalis pa. Sa ngayon, gusto kong simulan mag trabaho at mag-ipon saka mag settle down sa Pilipinas. Saka gusto ko rin ibangon ang sarili ko sa malungkot na pag-ibig.

Nakaupo na ako sa loob nang eroplano, palipad na kami. Napabuntong hininga ako at napahawak ako ng mahigpit sa hawak kung jacket. Hindi ito ang first time na sumakay ako sa eroplano pero tuwing tumatakbo na sa runway, nakakatakot talaga. Aalog-alog at nakakabingi kaya pinikit ko ang mga mata ko sabay dasal.

Hindi ko hiniling na sana safe akong makarating sa paroroonan ko. Mas pinagdarasal ko na maiwan na ang alaala at pagmamahal ko sa isang tao at patnubayan ang parents ko habang nasa malayo ako. Paulit-ulit nalang ang sinasabi ko. Nakakabagot na ba? Pasensyahan n'yo na ako ha. Nakakabaliw talaga ang ma-inlove.

Ilan taon ako mawawala? Hindi ko pa alam. Plan B ko kasi na doon na manirahan at kunin ang parents ko at ang plan A, mag ipon at umuwi nang Pinas.

Bagong buhay. Bagong lugar. At bagong ako. Sa pagsisimula ulit sa bagong pahina ng buhay ko, alam ko hindi magiging madali. Syempre bagong kaibigan at bagong environment. Makakaya ko mag adjust, pinaghandaan ko ito nang mabuti.

Paglapag ng eroplano sa airport ng Australia ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Kumakalam din ang sikmura ko sa gutom, pinigilan ko ang sarili ko na 'wag kumain baka kasi maduwal ako sa eroplano. Susunduin ako ng Tita ko kasi s'ya 'yong kumuha ng apartment na s'yang titirhan ko.

"Max! Max! Max! We are here!" Tawag nila na winawagayway ang welcome tarpuline.

Andoon si Tita, si Tito at mga pinsan kung mga english speaking. Kung gaano kalungkot si mama sa pag-alis ko, kabaliktaran naman ang nararamdaman nila, sobrang saya nila na makakasama nila ako.

"Oh look Max! You are here!" Kulang nalang tumambling ni Alberta sa saya. At ang higpit ng yakap n'ya.

"How's your trip?" Tanung ni Tito at tinulungan ako sa aking mga dala.

"Kailangan ko bang mag english?" Biro ko sa kanila at nagtawanan sila.

Napaka-overwhelming ng pagsundo nila sa akin. Hindi talaga ako maho-homesick kung ganito ang makakasama kung pamilya. Di man kami magkasama sa iisang bubong. Five minutes away lang naman sila sa aking titirhan.

"Lets go! We have to eat na. For sure Max is hungry already." Sabi ni Tita at hinila na ako papunta sa sasakyan nila.

"Max, you'll gonna enjoy here. I'll bring you out with my friends sometimes. I've heard you loved partying." Humirit si Grasya sa slang n'yang english.

"Grasya naaalala ko pa dati 'yong sa school. Umiiyak ka pa dahil lang nadapa ka. Ngayon ang laki mo na." Naaalala ko s'ya noon, isang iyakin at palasumbong.

"Gresyeh? Max. Its Grace. Hende Gresyeh." Nainis n'yang sabi at nagtawanan na naman kami.

Lahat ng pinsan ko, si lolo ang nagpangalan. Kaya nga napaka old fashion ng names naming lahat. Paghindi kasi nasunod ang gusto n'ya magtatampo agad. 'Wag n'yo ng tanungin 'yong sa akin. Dahil kung gaano ka ayaw ni Grasya sa pangalan n'ya. Mas lalo naman ako sa pangalan ko.

"Ok ka lang ba na mag isa sa apartment mo? Kung hindi you can stay with is for the night." Sabi ni Tita na nag-aalala.

"Kung may problema. Tatawagan ko nalang po kayo Tita. Plano ko kasi bukas maghanap agad ng work. Bago kasi ako dumating dito. Nag job hunting na po ako sa internet." Sabi ko.

"Talagang planado na pala ang pagpunta mo dito." Sabi ni Tito.

"I heard this girl Max. S'ya daw 'yong dahilan mo sa pag-alis sabi ni Ate." Si mama talaga napaka buka at kwenento pa talaga kay Tita. Napaka awkward tuloy.

"No tita. She's not really the reason. One year na po kaming hiwalay nun. Nag overreact lang si mama kasi ayaw n'ya talagang pumuyag sa plano ko na dito magkaroon ng first job." Gumawa nalang ako ng excuse, kaysa umamin. Nakakahiya naman.

"Don't worry Max. For sure you'll gonna get the best girl in here. I'll let you date my girl friends. They're going to like you." Offer ni Grasya.

Mapapalaban talaga ako sa englishan kung puro Australiana ang makaka-date ko.

Sa isang restaurant kami dumaan. At ang gutom ko parang nawala dahil sa menu ng pagkain. Nakalimutan ko kasing hindi pala uso sa kanila ang kumain ng kanin kaya nag half cook steak nalang ako. Na-miss ko tuloy si mama.

After namin kumain. Dumiretso na kami sa apartment, bed at saka isang drawer lang ang nandoon. Nilinis lang nila Tita ang lugar pero di sila bumili ng gamit kasi bilin ko sa kanila, I'll do it myself. Iba kasi ang taste ko sa mga furniture.

"Are you sure ok ka lang dito Max?" Tanung ni Tita na napangiti sa akin.

"Oo naman tita. Di ka na talaga nagbago. Ikaw pa rin 'yong maaalahaning tita ko." Sagot ko.

"Malaki ka na talaga. Sige ha. If you need something you can go to our house or call us." Sabi n'ya.

"Yes tita." Sabi ko.

"Bye Max! I might drop by here after my swimming lesson later.I'll bring loads of foods for us." Sabi ni Grasya.

"No girls Grace." Paalala ni Tito.

"Dad! Max is big enough to have a girlfriend." Sabi ni Grasya.

"But to early to have." Sabi ni Tita naman.

"See yah later Max!" Paalam ni Alberta at nag-beso sakin.

Parang may mga little sister na rin ako dito kaya nakakatuwa ang idea. Ang kukulit pa naman ng dalawang 'yon, hindi talaga ako maboboryong dito.

Sana makaipon agad ako para madala ko si mama at makapunta din sa Australia. Para naman maka relax s'ya kahit sandali lang. At gusto ko tumigil na sa pagbabarko si Papa total tapos na ako sa pag-aaral ko. Gusto ko bigyan din naman nila ng time ang isa't-isa.


ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now