20. Hindi pa ba sapat na mahal kita?

3.8K 82 1
                                    

"Kailan mo ba ihaharap yang Alex na 'yan sakin ha?" Tanung ni mama ng mag almusal kami.

Maihaharap ko pa kaya s'ya? E feeling ko nga tapos na kami kasi mula nung araw na magkita kami, wala na, hindi na s'ya nagparamdam pa sa akin. Kahit na nagte-text naman ako sa kanya pero di naman s'ya sumasagot.

"Kung di na s'ya busy ma." Sagot ko. At patuloy na kumain. "Working student po kasi s'ya kaya mahirap e balance ang time n'ya."

"Aba! 'Yan ang gusto ko para sa'yo anak." Nakangiting sabi ni Mama. "Kaya pala nagsisikap kang mag aral e nahawa ka pala sa kanya."

Dapat ko bang paasahin si mama? Dapat pa ba akong umasa? Baka wala ng dapat pang asahan. Baka ayaw na ni Alex sa relasyon namin at lalo na sa akin. Dami-dami kong nang katanungan pero kahit ni isa hindi ko masagot kasi s'ya lang ang nakakaalam ng lahat.

"Max. May problema ka ba?" Tanung ni mama. Napansin n'ya yata na wala ako sa mood. " Masama ba pakiramdam mo?"

Kung pwede ko lang sabihin kay mama na ang sakit ng puso ko. Kanina ko pa sana sinabi. Kaya lang baka ano na naman ang lumabas sa bibig n'ya. Kaya keep quiet nalang.

"Ok lang ako ma. Napuyat lang ako kagabi. May project kasi akong tinapos. E kailangan na kasi e pass ngayon." Pagsisinungaling ko.

"Uminum ka ng gamot bago pumasok. Baka lagnatin ka n'yan." Bilin ni mama. "Mauna na ako. Tanghali na."

"Ingat ka po!"

Sana nga nagagamot ang pusong nasugatan. Kaya lang walang gamot na pwedeng mabili sa botika. Ang alam ko, si Alex lang ang makakagamot nito. Kaya lang mailap ang gamot ko. Ni ayaw akong ka-text.

Mag iisang buwan na sana kaya lang parang ang labo. Sana di nalang n'ya ako sinagot kung di naman talaga s'ya sigurado sa kanyang pinasok, kaysa naman lalo n'ya akong paasahin. Anong akala n'ya aso ako na bubuntot pa rin sa kanya? Kahit limang pursyento lang ng pagmamahal n'ya, ok na sa akin 'yon kaysa wala. Pero zero. Itlog. Wala. Nothing. Nada.

Ayaw n'yang sagutin ang tawag ko at ayaw n'yang rin mag reply sa text ko. Kaya sinugod ko na s'ya sa pinapasukan n'yang company. Pinilit ko ang guard na papasukin ako pero ayaw n'ya, kahit sinuhulan ko na ayaw pa din. Kaya no choice ulit, pinarada ko nalang sa isang gilid ang kotse ko, at matyagang naghintay. Pinaalam ko kay Alex through text na nasa labas ako kaya lang walang sagot. Alam ko nababasa n'ya mga messages ko, talagang bato lang s'ya at mataas ang pride kaya ayaw n'yang mag reply.

Bandang alas kwatro ang labasan n'ya pag wednesday. Kaya pagpatak ng alas kwatro, pumuwesto na ako sa may gate para makita n'ya na nandoon ako.

"Max." Tawag n'ya sakin pagkalabas ng gate. Salamat at hinarap n'ya rin ako. Sulit ang pagpunta ko. "Dapat di mo na ako hinintay. May motor naman ako. Kaya no need na ihatid mo pa ako sa bahay."

"Alex naman. Ngayon nga lang tayo ulit nagkita. Tapos parang ayaw mo naman akong kasama." Nalulungkot kung sabi na may halong pagtatampo sa boses ko. "Panira lang ba talaga aio sa mood mo kaya lagi mo akong pinagtutulakan palayo?"

"Busy kasi ako sa work saka sa school. Kaya pasensya na." Sabi n'ya na hindi man lang makatingin sa mga mata ko.

"Lage naman e. Lage nga kitang iniintindi. Pero sana kahit text lang na ok ka wala akong natatanggap. Alam mo. Hindi ko ini-expect na ganito mangyayari e. Alam mo 'yong puro magagandang memories ang gusto kung buoin natin. Kaya lang parang napilitan ka lang yata na sagutin ako. Alam mo ok lang naman e. Kung diretsohin mo ako. Ok lang kung sabihin mo na Max di talaga kita gusto. Naawa lang ako sa'yo. Kaysa naman paasahin mo ako ng ganito. Mas masaklap pa ito sa nabasted e." Binuhos ko na 'yong nais kung sabihin. Di nako nakapagpigil.

"Hindi naman sa ganun. Alam mo kasi. Busy lang talaga ako." Sabi n'ya.

"Mahal kita Alex. Sana mahalin mo rin naman ako. Mahirap ba akong mahalin?" Naiiyak na talaga ako.

"Max. Please-"

"Alam ko naman hindi mo ako mahal pero boyfriend mo ako. Kunting oras mo lang naman hinihingi ko. Kahit one minute nga lang napapasaya mo ako e. Pero kong gusto mo talaga mapag-isa ok. Hahayaan na kita  text mo nalang sakin kung tayo pa ba o hindi."

At ang ending walk out. Naiiyak na ako e. Ayoko naman mag drama. Over na. Mapagkamalan pa akong bakla.

"Max! Max!" Tawag n'ya. Pero tulad ng ginawa n'ya nung nakaraan, di ako lumingon. Diretso akong sumakay sa kotse at minaharorot ito.

Sana maramdaman din n'ya 'yong naramdaman ko nung araw na umangkas s'ya sa ibang lalaki imbes na sumama sakin. Ma-realize sana n'ya na mali pala 'yong ginawa n'ya sakin. Maramdaman n'ya na sa sobrang sakit, namanhid pansamantala ang senses ko.

Kung s'ya hindi lumingon sa pag alis n'ya nun. Ako? Sinulyapan ko pa rin si Alex sa rear mirror, di ko talaga matiis na di s'ya makita.

Ganito pala noh pagnagmahal ka ng todo-todo, nasasaktan ka na pero mi amahal mo pa rin. Pero dapat matuto ka rin maging manhid paminsan-minsan para di ka masiraan ng bait. Maging matapang ka para sa sarili mo at saka maging matatag sa lahat ng pagsubok. Kasi kung hindi, papatayin ka ng sarili mong puso. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit maraming nagpapakamatay ng dahil sa pag-ibig. Hindi pala madali. Marupok sila kaya agad sumuko. Kaya ako. Hindi ako tutulad sa kanila. Hold on lang kumbaga. Alam ko naman magiging ok din ang lahat hindi man sa ngayon pero baka sa mga susunod na araw.

Ok lang naman sana kong sumama man s'ya sa iba o di kaya ay e deadma ako ni Alex noon pero sa ngayon iba na kasi lahat, girlfriend ko na s'ya kaya double ang tama ng sakit sakin. Nakakahiya man aminin pero aamin na ako na s'ya ang unang nagpaiyak na babae sa akin.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now