32. Tama O Mali. Alin Ba Sa Dalawa?

3.6K 88 1
                                    

"Araw-araw ka yata umaalis. Saan ka ba nagpupunta anak?" Tanung ni mama. "Ni hindi ka nga nakikisama sa mga kamag-anak natin para may pormal naman kang paalam sa kanila."

"Hayaan mo na. Baka may mga dinadalaw lang si Max na mga kaibigan. Matagal din s'ya nawala dito kaya sinusulit n'ya ang mga araw na nandito s'ya." Sabi ni papa.

"Konsintidor ka talagang ama." Naiinis na sabi ni mama.

"Ma, importante lang po kasi ito e. Hayaan n'yo may despidida party naman tayong isasagawa." Sabi ko naman habang tinatali ang shoe lace ng sapatos ko.

Nagmadali akong pumunta sa hospital kasi ibinalita na sa akin na may cornea donor na. Sa sobrang saya ko, gusto ko na sa araw din iyon ma-operahan si Alex.

Ok na lahat. Problema ko nalang paano mapapapayag si Alex sa operasyon n'ya. Dahil alam ko tatanggihan n'ya ang alok ko. Hindi naman s'ya mapilit ni Andrew at si Tatay Gusto mas lalong walang magagawa. Kaya parang pahirapan talaga ito.

"Paano si Alex? Ano ang sasabihin ko sa kanya? Hindi talaga papayag 'yon tol. Nalilito ako." Nag-aalala si Andrew. Gusto man n'yang ma-operahan ang kapatid, aayaw naman ito.

Sabi ni Andrew ilang beses na n'yang sinubukan kausapin si Alex patungkol sa bagay na ito. Ngunit paulit-ulit lang ang sinasabi nito, ayaw n'ya dahil aksaya lang sa pera at panahon at wala naman daw kasiguraduhan na makakakita nga ulit s'ya.

"Hindi pwedeng hindi s'ya pumayag tol. Ito. Ito nalang ang magagawa ko para sa kanya. Ang ibalik ang paningin n'ya."

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa kanya tol e."

"Kahit na. Kung hindi ko s'ya iniwan ng araw na iyon hindi naman s'ya mapupunta sa kamay ng hayop na pabayang lalaki na 'yon e. Hindi mangyayari sa kanya ang nangyari sa kanya ngayon. Kaya gagawin ko ang lahat mapapayag lang s'ya."

Kung naguguluhan man kayo dahil sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkabulag ni Alex. Ganun din ako. Alam ko, hindi ko talaga kasalanan 'yon dahil hindi naman ako ang nakasagasa sa kanya o nakabangga pero parang ganun na rin e, kung di lang sana agad ako nagpadala sa emosyon, malamang ok lang s'ya sa ngayon.

"May problema ka ba?" Tanung ni Papa na bigla nalang sumulpot sa likoran ko habang nasa terrace ako pinagmamasdan ang bilogang buwan ng gabing iyon.

"Wala naman po." Sagot ko at ngumiti ng abotan n'ya ng beer.

First time n'yang inabutan ako ng beer. Pakiramdam ko tuloy isang butihing kaibigan ang kaharap ko na handang makinig sa kung ano ang nasa looban ko.

"Halika't maupo dito ng makapag kwento ka naman. Hindi 'yong puro ka nalang tulala at walang maisagot. Kahit hindi ka lumaki na kapiling ako. Magulang mo pa rin ako. Parental instict tawag dito. Nararamdaman kong may kung ano dyan sa loob-loob mo. Kaya itagay natin 'to." Sabi ni Papa at pumuwesto na ng upo at may dala pa talagang pulutan.

Mas maganda 'to. Kainuman ko na ang idol ko. Dati laruan ang inaabot n'ya sa akin, ngayon bote na ng alak. Nakakagaan talaga ng loob di ba pag magulang mo 'yong taong hihingahan mo pag hindi ka na makahanap ng oxygen na lalanghapin dahil sa mga problemang kinakaharap mo.

"Simulan mo na ng matapos tayo. Kundi aabutin tayo ng limang kahon kung tatagalan mo pa." Pagbibiro ni papa.

"E kasi pa. Ganito kasi 'yon. Alam mo 'yong pakiramdam. Ay hindi! Kasi pa." Napabuntong hininga ako. Hindi ko malaman kung paano ba ipapaliwanag.

"Babae yan?" Tanung n'ya. Napatitig ako sa kanya. Kumuha 'ata si papa ng kursong manghuhula ah. "Pag ganyan ang dating. Alam ko babae ang puno't dulo n'yan. Wag mo kung maliitin sa ganyang bagay. Sabi ko naman sa'yo, marami akong alam."

Lakas talaga ng kanyang pakiramdam. Akalain mo 'yon. Hulang-hula n'ya.

"Pa, si Alex kasi e. Hindi ko malaman kung paano ko s'ya matutulungan. Naaawa ako sa kalagayan n'ya pero hindi naman s'ya naaawa sa sarili n'ya. Nakakainis talaga ang pride ng babaeng 'yon. Mula noon hanggang ngayon di pa rin nagbabago." Simula ko. At nakapagsalita na rin ng maayos.

"Iba ang awa sa pagmamahal Max. Baka nagkakaganyan ka dahil mahal mo pa rin s'ya. Kaya lang ayaw mong aminin sa sarili mo kaya pinapalabas mong awa ang nararamdaman mo para sa kanya." Explain ni Papa.

Napanganga ako. Alam ko naman ang kaibahan ng awa at pagmamahal e. Ang hindi ko maintindihan kung ano ang punto ni papa sa kanyang pinagsasabi. At saka matagal ng nawala ang pagmamahal ko kay Alex o isip ko lang ang nakalimot at di ang puso.

"Hindi naman pa. Ganito kasi 'yon e. Naawa ako sa kanya kasi nabulag s'ya. Hinanapan ko ng eye donor. Pero ayaw naman magpa-opera." Sabi ko na kinokontra si papa.

"Sa pagtulong mo sa kanya mas lalo mo lang dinidiin sa sarili mo na mahal mo pa s'ya anak. Ang awa ay awa. Ang pagmamahal ay pagmamahal. Dalawang magkaibang salita pero minsan iisa ang ibig sabihin." Hindi ko s-ya ma-gets. Magulo na nga utak ko. Mas lalo n'ya pang ginugulo.

Awa ay awa. Pagmamahal ay pagmamahal. Magkaiba ngunit minsan iisa ang ibig sabihin? Kapag naawa ba ako dahil lumpo s'ya mahal ko na 'yon? Di ba hindi naman. Naaawa tayo sa matanda, pagmamahal na ba 'yon? Ang gulo.

Tumahimik nalang ako hanggang sa mabuksan namin ang aming pangalawang bote.

"Max kung naaawa ka lang talaga sa kanya. Hindi mo papagurin ang sarili mo na maghahanap ng eye donor. At hindi mo pro-problemahin kung ayaw man n'yang magpa opera. Pero tingnan mo kung ano ang nangyayari. Hinanapan mo ng eye donor. Tapos problema mo pa ang ayaw n'yang pagpapa-opera. At kung may pina-plano ka para pumayag lang s'yang mabalik ang kanyang paningin. Aba confirm na confirm. Mahal mo pa s'ya. Alam mo kasi anak. Alam ko bawat anggulo ng pagmamahal. Alam mo naman ako. Dumaan ako sa butas ng karayom makuha lang ang mama mo sa lolo mo. Halos patayin ko na nga ang sarili ko noon." Sabi n'ya na nakangiti pa talaga.

"Gusto kung bumawe sa kanya." Sabi ko na pinaninindigan pa rin na awa lang talaga ang nararamdaman at wala ng iba pa.

"Open up your heart Max. Guilty ka kasi ayaw mong makita na nahihirapan ang taong mahal mo. Nasasaktan ka in behalf of her kasi nasasaktan din s'ya. Alam mo anak. Ang pagmamahal marami 'yang mukha. Kaya minsan nadi-define natin sila bilang awa, guilt, concern and marami pang iba. Kung bulag s'ya at gusto mong ibigay ang paningin sa kanya ulit, love 'yan. Kung bulag s'ya at hindi magawa ang gusto n'yang gawin, tulad ng ginagawa mo, love 'yan. At kung pipilitin mo s'ya sa isang bagay na ayaw n'ya para lang makita mong maging masaya s'ya ulit, love yan. Alam ko kung paano ka magmahal Max. Replica kita di ba?"

Apat na taon na ang nakalipas. Maari pa bang mahal ko s'ya talaga? Oo, naaalala ko s'ya dati, ngumingiti sa mga memories namin, namimiss pero apat na taon na ang nakalipas. Wala na, naglaho na ang pagmamahal na sinasabi ni Papa. Naging masaya ako ng wala s'ya sa buhay ko. Pero lahat lang ba ng ginawa ko mawala lang ang pagmamahal ko para sa kanya ay isang malaking kasinungalingan lamang?

Tama ba si Papa sa kanyang iniisip o mali? Mahal ko pa ba si Alex? O awa lang talaga ang nararamdaman ko? Alin ba sa dalawa? Tama ba na tinutulungan ko s'ya? O mali lahat ng ginagawa kung hakbang?

Naiisip ko tuloy na umalis nalang at hayaan nalang si Andrew na kombinsihin ang kapatid n'ya na magpa opera. Dahil ayokong umabot sa punto na baka hindi ko magawang iwan s'ya at muling manumbalik ang pagmamahal ko na nilibing ko na sa aking alaala. Ayoko ng masaktan. Baka kasi pagminahal ko ulit si Alex at manumbalik ang paningin n'ya may muli na naman akong masaktan ng dahil sa hindi rin n'ya masuklian ang pagmamahal ko.

"Love defines all po ba pa? Dahil kung ganun rin lang. E di love talaga 'to. Pero ayoko na Pa. Ayoko ng masaktan pa ulit tulad ng dati. Hindi ko kaya pa."

"Karugtong na ng pagmamahal anak ang salitang sakit. Hindi pagmamahal ang pagiging manhid."

Kailangan ko na bang itigil ang pagpunta ko sa bahay nila? Kailangan ko na bang hayaan s'yang mag-desisyon? O kailangan kung harapin ang nararamdaman ng puso ko na hindi man lang umabot sa utak ko at na-realize na mahal ko pa rin sya?

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now