38. Hindi na kami magkasundo.

3.4K 73 0
                                    

Memoryado ko ang oras kung kailan s'ya nag dedeliver ng burgers, alam ko ang creepy ko kasi nag e-stalk ako ng isang babae, kahit nasa third floor ng building ang opisina ko, alam ko s'ya 'yong dumadaan tulaktulak ang deliveries. Nasa kabilang kanto lang rin ang burger shop nila pero kahit minsan hindi ako pumunta dun, masaya lang ako na minamasdan s'ya na naglalakad, dumadaan at nakikita sya. Ewan. Tama pa ba 'to na parang nagkakagusto ako sa taong di ko pa kailan man naaninagan ang mukha? Isang pakiramdam na minsan ko ng naramdaman para sa isang tao at hindi na naman ako makawala. Nakulong na naman ako sa obsesyon. Nakakatakot makaramdam ng ganito dahil sa takot na akong masaktan ulit.

"What the h-" Narinig ko ang boses ni Mariel na galit na pumasok sa opisina pero hindi n'ya natapos ang kanyang dapat sanay sasabihin.

Lumingon ako, ngumiti sa kanya at lumayo sa bintana saka umupo sa office chair ko.

Naglakad si Mariel palapit sa bintana at sinilip ang nasa baba. Tumingin sa akin na may pagdududa pero nginitian ko lang s'ya. Pinatong ang magkabilang braso sa ilalim ng kanyang dibdib at naglakad palapit sa akin.

"Napapansin ko lang. Everytime I came here in this time lage ka nalang nakasilip sa bintana. Smiling. And looking down. Do I have to worry about something?" Tanong n'ya at nagtaas na naman ng kilay.

Lumingo-lingo ako at sumandal sa upoan ko.

"Pinaghihinalaan mo na naman ako. Iniisip ko lang anong lulutoin ko mamaya sa house dinner natin." Pagsisinungaling ko.

Yes! One year and a half together, parang kailan lang ng magkakilala kami ni Mariel.

"I reserved already a dinner for four tonight. So no need to cook or to think about what to cook." Sabi n'ya at umupo sa mesa ko.

"I said we will have a house dinner. Klarong klaro ang usapan natin." Gulat kung sabi na hindi lang basta na surpresa kundi nainis na rin sa biglaang pagbabago ng plano.

"We always do that. I am so feed up with you moms food. Can we at least try another food outside?" At talagang nagawa pa n'yang sabihin 'yon sa harap ko na mas ikinainis ko pa ng lalo.

"Kung ayaw mo sa luto ng mama ko. Pwes! Ako gusto ko. Kung gusto mo kumain sa restaurant. E di kumain ka mag isa mo. Dami mong arte. Nag usap na tayo. Kaya wala ng bawian." Galit kung sabi.

It was not my nature na sigawan o magalit sa kanya pero sa sinabi n'ya e nainis ako at insulto 'yon para sakin na sabihan ng ganun ang Mama ko. Ayoko mag restaurant dahil mas gusto ko mga lutong bahay saka she always wants the best place to celebrate, pangpa ingit sa Instagram friends n'ya.

"Max! You can't do this to me!" Sigaw n'ya na napatayo.

Tumayo na rin ako. Sinuot ang coat ko at dinampot lahat ng gamit na dadalhin ko pauwe. Saka pumunta na sa pinto para mag exit.

"I can." Pahabol ko.

Naririnig ko s'yang tinatawag ako pero nagbingi-bingihan lamang. Alam ko, hindi s'ya sanay sa filipino foods dahil almost half of her life dito na s'ya sa Australia pero sana man lang na appreciate n'ya ang effort ng magulang ko. Excited pa naman si mama na makipag celebrate sa amin. Saka alam ko naghahanda na s'ya sa bahay para sa dinner.

Bago ako umuwe, naisipan ko munang dumaan sa burger shop. Basta ewan anong pumasok sa kokote ko at talagang pumasok pa ako.

"Good afternoon Sir!" Masiglang bati ng isang crew. Paglingon ko sakto naman nakatingin s'ya sa akin.

Nagtitigan kami, napalunok ako ng laway dahil sa kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko naninigas ang paa ko at hindi ko magawang ihakbang ito. Dali-dali naman pumasok ang crew sa kusina at naiwan akong parang statwa.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora