35. New Love.

3.2K 59 0
                                    

After a year after kami dumating sa Australia, may nakilala akong isang pinay. Naging close friends hanggang sa naging magka-ibigan. Nagustohan naman s'ya ng parents ko. Hindi ko nga lang masabing mabait kasi di ko pa masyadong kabisado, syempre may tinatago talagang ugali ang mga babae.

Ok rin naman s'ya, kaya lang minsan nakakainis dahil isang oras nag aayos ng sarili. Tinitiis ko nalang minsan dahil matampuhin. Close na rin sila ng parents ko at minsan lagi nilang pinag-uusapan kung kailan namin balak magpakasal. Makulit lang talaga sina mama at papa. Excited magkaapo di man lang iniisip na kailan lang kami nagkakilala.

At Kasal? Wala muna. Maaga pa para yayain ko s'yang mag settle down. Hindi pa rin ako handa mag asawa at magkaanak kasi marami pa akong plano.

Masaya ba ako? Oo naman. Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko. Buti nga at binigyan ulit ako ng love life ee. Hahaha , lumalablayp lang si Max.

"Bhebhe ko. Beach naman tayo sa weekend. Tagal na rin natin di nag swi-swim e." Sa lambing ng boses n'ya mapapa inlove ka talaga.

"Bhe no time ako sa ganyan. May mga projects pa akong hinahabol. Magyaya ka nalang ng iba." Tangi ko na hindi inalis ang mga mata sa draft papers ko.

"You have more time with those papers. Tapos sa akin wala. 'Yan yata mga girlfriends mo e." Tampo n'yang sabi.

"Promise! Gagawa ako ng paraan para makapag beach tayo pero 'wag this weekends bhe." Sabi ko na nilalambing s'ya, hawak hawak ang kamay n'ya.

"Kung di lang kita love e. Basta it's a promise ah!" Napangiti n'yang sabi at niyakap ako tapos naipit pa ang leeg ko.

Malapit na ang anniversary namin, mag iisang taon na din kami. Wow! Time flies so fast. Hindi ko inakala one year na kami. Ewan ko ba mabilis ba talaga takbo ng oras ngayo o dahil sa busy ako sa work?

Si mama at papa naman may part time job, paglilinis ng mga bahay, ayaw magpapigil gusto nila kumita ng sarili dahil ayaw daw nila pabigat sakin. Masaya nga ako e tuwing nakikita ko silang parang teenager lang ang pakikitungo sa isa't isa. Sana ganito din kami ng magiging asawa ko. Kahit away bati at least nagho-hold on sa relationship. At wala sa bibig nila Mama at Papa ang paghihiwalay, sila ang taong masasabi kong tinadhana para magkasamang tumanda.

"Bhe, I have meet a girl from fastfood near my apartment." Sabi ng girlfeiend ko matapos ko s'yang sunduin sa paggi-gym.

"Pinay?" Curious kong tanong.

"Yup!"

"Then?"

"She became my friend for a week now. And I couldn't tell her gender. She's a girl but acts like a guy. Pakiramdam ko tuloy tuwing ngumingiti s'ya sakin. She's like she likes me."

"Kaya iniwasan mo?"

"Of course. Mamanyak n'ya pa ako noh!"

"Bhe, wag tayong judgemental sa ibang tao. Baka comfortable lang s'ya sa'yo kasi pinay ka rin. Saka alam mo naman di ba? Nakakamiss din way back home."

"Alam mo. Bakit ba ang hilig mo e defend 'yong mga girls who act like boys? Kulang nalang maging attorney ka for them."

"Kasi may kakilala akong tulad n'ya. Ok? So enough with this na nga. Tara kain nalang tayo."

Paminsan-minsan naaalala ko pa rin si Alex. Di ko pa rin maiwasan isipin kung ok na ba mga mata n'ya, o kung ano na nangyayari sa kanila. Wala na kasi akong balita at ayoko na rin makasagap pa ng kung ano mang balita. Enough na 'yong pagtulong ko sa kanila at gusto ko 'yon na ang maging huli. Yes, ni let go ko na talaga si Alex. Para naman matahimik na rin ako.

"Can I ask you somethin'?" Tanung ng gf ko habang nag-aantay kami sa order namin.

"Anything."

Napangiti si Mariel na para bang napaka big deal ng tanung n'ya.

"If given a chance to see your Ex. Are you goin' to talk to her again?"

Napatitig ako sa kanya, di naman kasi n'ya ugali magtanung ng tungkol kay Alex kaya nagulat ako.

"Why are we talking about this?" Tanung ko sa kanya.

"Wala lang."

"Mariel. Bhe. I love you. So di na natin pwedeng pag usapan ang taong di part ng relationship natin."

Nawala ang mga ngiti ni Mariel sa kanyang mga labi, ni minsan hindi ko binabanggit si Alex sa kanya. Nalaman lang naman n'ya ito dahil kay Mama.

"I don't know why you still avoid conversation like this. Normal lang naman na we talk about her." Pagpu-push n'ya pa rin.

"No. Ayokong pag-usapan s'ya ok?" Pagalot kong sabi at nag walk out na.

Alam ko naman na ang gusto n'ya e mag open up ako sa kanya tapos pag may makita s'yang mali sa sasabihin ko e gagawan n'ya agad ito ng issue. Ayokong makipagtalo sa kanya dahil lang kay Alex. Gusto ko mag focus lang si Mariel sa relasyon namin dalawa at hindi sa past ko o past n'ya.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon