13. Sabit Sa Outing.

4.6K 98 1
                                    

Nagdadalawang isip akong sumama ng yayain ako ni Alex sa outing nila. Syempre barkada nila ni Andrew ang kasama at iilan lang ang kilala ko sa kanila. Nakakailang kaya sumama pag ganun. Baka ma-OP lang din ako. Pero ng si Andrew na ang pumilit sa akin. Hayon! Wala na akong nagawa kundi umu-o na lamang.

Two days at two nights. Ganun ko katagal makakasama si Alex. Mas may time na kaming mag bonding kahit hanggang umaga na hindi inaalala ang oras.

"Napakalayo ng Durano Eco-Farm Resort. Kaya wag kang makulit. Ingat sa pagmamaneho. At laging magdasal. Naiintindihan mo ba?" Si mama naman. Tinuturing na naman akong bata. At s'ya pa naghanda ng ilan kong gamit. Ano akala n'ya magka-camping ako?

"Ma. I'm big enough." Sabi ko na nilalambing s'ya.

"Big enap (enough) ka dyan! Ni hindi mo pa kayang kumita ng sariling pera para sa sarili mo. Max, syam na oras kang magmamaneho kaya 'wag mo kong ma-big enap (enough), big enap (enough) d'yan." Nagtalak na si mama. Alam ko naman na concern lang s'ya. Minsan lang din ako napapalayo sa kanya. Kaya naiintindihan ko s'ya bilang mama.

"Mama naman. Pagkatapos kong mag aral. E di hahanap agad ako ng trabaho." Sabi ko na tila nakakasiguradong matatapos ang kurso sa kolehiyo.

"Tumahimik ka na d'yan. Hala sige. Alis na at baka hinihintay ka na ng mga kasama mo. Kung di ka lang namilit, ayoko sanang payagan ka. Lalo na at hindi ko kilala 'yang Andrew at Alex na 'yan." Nag aalala n'yang sabi.

"Mama talaga. Sige alis na po ako." Paalam ko at hinalikan s'ya sa pisngi.

Agad akong umarangkada sa lugar na kung saan napag usapan na magkikita. Pagdating ko doon maraming tao. Di na ako nagtaka, parking lot iyon ng isang fast food chain. Napatingin ako sa mga tao doon. Sino-sino kaya makakasama namin sa kanila?

Mag swi-swimming kami kaya naka tsinelas lang ako at syempre naka billabong short at sando. 9 am kami magkikita at may 30 minutes pa ako. Kaya naisipan ko bumili muna ng french fries ng may manguya at hindi bumaho ang aking hininga.

"Hi!" Bati ng isang babae na naka upo sa hood ng katabi kung kotse habang ngumiti naman ang kasama nito sa akin. Nginitian ko sila pabalik. Saka dumiretso na papunta sa loob ng fast food.

Napalingo-lingo nalang ako. Sorry nalang sila. Hindi na ako 'yong dating Max na sunggab ng sunggab sa mga chicka babes. May Alex na ako at kontento na ako sa kanya.

Habang dala ang fries ko pabalik sa kotse. Tumunog ang phone ko kaya dali-dali kung binasa ang message. Si Alex. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Sabi n'ya ay parating na sila.

"Jass." Pakilala ng bumati sa akin kani-kanina lamang at inabot ang kanyang palad.

"Max." Sabi ko naman. At tiningnan ang palad n'ya tapos napatingin sa kanyang mukha at hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay dahil baka isipin n'ya interesado ako sa kanya.

"S'ya naman si Cheska." Pakilala n'ya sa kaibigan. Nahiya s'yang ituro ito matapos e ignore ko ang kanyang pakikipagkamay.

Hindi ko s'ya pinapahiya. Ayoko kasing hawakan ang kamay n'ya dahil gusto ko si Alex lang ang hahawakan ko sa kamay ko mula nung na-inlove ako sa kanya.

"Fries?" Alok ko sa kanilang dalawa.

"No. Thanks." Sabi ni Cheska. "Halata naman na para sa'yo lang yan. Kung gusto mo talagang e share 'yan dapat binilhan mo na rin kami." Patuloy n'ya at napatawa ng marahan.

Tama. Syempre naman. Bakit ko naman sila bibilhan? Hindi ko sila kilala at baka masabi pa nilang type ko isa sa kanila. Nag iingat na ako sa galaw ko. Ayokong may makitang mali si Alex. Gusto ko maging perfect sa mata n'ya.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now