19. Selos.

3.7K 74 0
                                    

Tatlong araw akong natiis ni Alex na di sagutin ang mga text at tawag ko. Kayang-kaya n'ya talaga akong balewalain nang dahil lang sa gabing 'yon. Ganun naman talaga s'ya nung umpisa pa di ba? Pero bakit ngayon na girlfriend ko na s'ya e ginagawa pa rin n'ya ito sakin? May lugar ba talaga ako sa puso n'ya? O hanggang sa utak lang n'ya ako nakakapit? Ni hindi ko malaman kung interesado pa ba s'ya sa akin at lalong di ko malaman-laman kung mahal n'ya ako o hindi.

I love you. Mahirap bang sabihin 'yon? Kung mahal ko ang isang tao hindi mo naman ipagdadamut 'yan di ba? Saka anong dahilan kong bakit sinagot n'ya ako? Dahil gusto n'ya lang nang may pagkakalibangan?

Ang liit lang naman ng dahilan kung bakit nagtampo ako at saka hindi ko rin naman sinabi sa kanya na nagtatampo ako dahil sa dahilan na hinalikan n'ya lang ako dahil sa mababaw na dahilan at hindi dahil sa mahal n'ya ako. Di ko ito deserve, hindi ko deserve tratohin ng ganito. Sa lahat ng pagtitiis ko ito pa aabutin ko, ang one sided love at nakakamatay na pag-aalala sa kanya. Hindi na ito makatarungan ngunit pagnaiisip ko na wala na s'ya sa buhay ko, ang hirap. Ayoko mangyari 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanung n'ya ng makita n'yang hinihintay ko s'ya sa labas ng gate ng pinapasukan n'yang companya. Ayaw kasi akong payagan ng guard pumasok. Pinagbawalan daw s'ya ni Alex napapasukin ako sa loob. "Hindi ba maliwanag na ayaw kitang makita?"

"Sinabi kasi ni Andrew na sira daw motor mo kaya heto. To the rescue ang boyfriend mo." Sagot ko sabay inakbayan s'ya at ngumiti na rin sa kanya kahit ang bigat ng nararamdaman ko.

Siniko n'ya ko. Sapol na sapol sa diaphragm. Ang sakit, nakakawala ng lakas. Sakit pa nakuha ko dahil lang sa gusto ko wag s'ya mag commute sa daan dahil gabi na.

"Hindi pa nga tayo umaabot ng one month. Minamanyak mo na ako. Lumugar ka nga." Galit n'yang sabi na pilit hinihinaan ang boses.

"Porke't napaakbay lang. Manyak na agad. Na miss lang naman kita Alex. Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin." Hinihimas ko ang tyan ko sa sakit ng pagkasiko n'ya.

"Alam mo ayoko pang makita o makausap ka kaya umuwe kana." Pagtatabuyan n'ya sakin. "Please lang tantanan mo na ako Max."

Wala talaga syang patawad. No care kung masaktan man n'ya ako. Double na nga e. Sakit pa ng puso ko, pati pa katawan sumasakit dahil sa kanya.

"Hatid na kita pauwe." Pagpupumilit ko sa kanya. "Mag usap tayo habang nasa loob ng kotse."

"Bakit ba ang kulit mo?" Nagagalit n'yang tanung. "Hindi nga tayo bagay sa isa't-isa. Di mo pa rin ba ma gets?"

"Bakit ba kasi ayaw mo?" Tanung ko sa kanya.

"Pag ayaw ko ayaw ko. Mahirap ba intindihin 'yon Max? Itigil na natin to."

"Tara na!" Sigaw ng isang lalake. At hinila s'ya nito. Nabigla ako at hindi nakakibo.

"Wait lang." Pigil n'ya dito. Tumango naman ito saka nauna. Binigyan pa s'ya ng malaking ngiti. Sarap batukan mo parekoy.

"May maghahatid na sa akin sa bahay. Umuwe kana." Sabi n'ya sabay takbo palapit sa lalaking may motor.

Naiwan akong nakatayo habang naakatingin sa kanila. Binato s'ya ng helmet nung lalake ngunit nakangiti s'ya. Tumatawa silang dalawa at di man lang naisip ni Alex na nandun ako pinapanood silang dalawa. Hinintay kung lumingon s'ya sakin kahit mag wave nang kamay para magpaalam sa akin, pero diretso s'yang umangkas sa motor nang lalaki at hindi man lang lumingon sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. Bumalik sa kotse na bagsak ang mga balikat. Napaisip ako, pinagpalit na ba ako ni Alex sa iba? Ano ba talaga ako para sa kanya? Syempre nagseselos naman ako kahit na iniintindi ko s'ya palagi, kaya lang bakit sumama pa s'ya sa iba e andun na nga ako e. Ang sakit din makita s'yang masaya kasama 'yong lalake na 'yon, ni minsan hindi ko s'ya nakitang ganun kasaya kasama ako. Siguro dahil sa pareho sila na marunong magmaneho ng motor? Kailangan ko kayang mag praktis mag drive ng motor? Para magustohan n'ya din ako? Alam ko, girlfriend ko na s'ya pero di ba parang ang pangit lang isipin mas gusto n'yang magpahatid sa hindi n'ya boyfriend? Dapat na yata akong mabahala kasi sa tingin ko, hindi magtatagal hihiwalayan na ako ni Alex.

Dahil sa hindi ako mapakali e di ko na napigilan magpunta sa bahay nila. Panalangin ko lang sana hindi ko makita ang kinatatakotan ko. Di nga ako nagkamali, nakaparada sa harap ng bahay nila ang motor nung lalaki, nakita kong magkatabi sila ni Alex sa hapag kainan nila at naramdaman ko talaga ang sakit sa puso ko. Sobrang selos na selos ako.

Si ko talaga ma intindihan saan ba ako nagkulang sa panunuyo at pagiging nobyo ni Alex? Hindi ko naman s'ya sinasakal e, pero bakit nagagawa n'yang saktan ako nang ganito?

Hindi na ako nagtagal at naglakad na ako pabalik sa kotse ng makita ako ni Andrew.

"Tol!" Bati n'ya sakin na nakangiti.

"Oy tol." Matamlay kong sabi at pinipilit ngumiti.

"Salamat sa paghatid kay Alex ha. The best ka talaga." Sabi nito at walang kaalam-alam na iba pala ang naghatid sa kapatid n'ya.

"Sige. Alis na ako." Paalam ko.

"Sa bahay na tayo kumain." Pagyaya ni Andrew sakin. "Kakarating mo lang, aalis ka kaagad."

"Wag na tol. Pagod na rin kasi ako e. Sa susunod nalang." Tumanggi agad ako at pumasok sa kotse ko para umiwas kay Andrew.

Habang nagda-drive ako pauwe e napapaluha na talaga ako sa sakit na nararamdaman ko. Grabe! Kung karma man 'to sa mga nagawa ko dati at sa dami nang babae na napaluha ko, aba di 'to biro. Parang sasabog na talaga ang puso ko sa nararamdaman ko na gusto ko na yatang mamatay. Kung alam ko lang ganito rin pala ang kahihinatnan ng lahat, dapat nakinig nalang ako sa tropa ko. Siguro di ako nagkakaganito ngayon. Pero may magagawa pa ba ako? Wala na di ba? Andito na ako sa sitwasyon na 'to e, kaya tatanggapin ko na lamang ito at kung di ko na talaga kaya, iiyak nalang ako.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now