5. Napapahiya na ako.

7.3K 160 6
                                    

Balik skwela na naman, at tinatamad akong pumasok. Alam n'yo na ang dahilan kung bakit. Hinahanda ko ang sarili ko sa million dollar question ng tropa ko. Papatayin nila ako pag hindi ako naging honest sa mga isasagot ko sa kanila. Di bale na nga! Tanggap ko na napahina ng isang babae ang aking pagka lalaki. Mahirap mag deny lalo na sa ganitong sitwasyon na nahihirapan ka na ngang dumiskarte ay pinapahirapan ka pa nung babae.

Nakita ko silang nagbubulongan habang palapit ako sa aming tambayan. Alam at ramdam ko na ako ang kanilang pinag uusapan. Sino pa ba ang pwede nilang e hot topic e ako lang naman 'tong nakikita nilang nasa hot seat?

"Tigilan n'yo nga ako." Saway ko at nagtawanan sila ng sabay-sabay. "Wala na ba kayong ibang makita na pwede n'yong biruin?" Tanung ko at umupo sa tabi nila. Sige lang tumawa lang kayo dahil darating din ang oras na ako naman ang tatawa sa inyo.

"Ano bang meron sa Alex na 'yon? Na wala kina Marian, Sharmz, Nica, Jessa, Francine at kung sino pa?" Tanung ni Tj sakin. Alam ko malayong-malayo talaga si Alex sa mga babaeng naka date ko. Maging ako man ay hindi maintindihan kong bakit at ano ang meron kay Alex na nagpa-ibig sakin ng ganito.

"Kaya siguro wala kang gustong seryosihin sa mga ex at sa mga babae mo dahil isang tomboy ang type mo maging girlfriend." Singit ni Hernz. "Goodluck sayo pare. Mas lalaki pa nga ang Alex na 'yon kaysa sa'yo." Paalala pa n'ya sabay halakhak.

"Supporta naman d'yan kahit konti, mga pre!" Sabi ko sa kanila na gigil na batokan sila isa-isa. Nararamdaman ko kasing parang anti na anti sila kay Alex. "Minsan lang naman 'to e. Kahit ngayon lang."

"Minsan lang. Pero hanggang kailan naman p're?" Tanung ni Tj.

"Mga pare. Wag naman natin e-discourage ang kaibigan natin. Baka naman kasi naninibago lang s'ya. O baka isa rin to sa trip n'ya. Sakyan na natin." Natatawang sabi ni Diggz.

"Wala naman kaming sinabi na hindi namin s'ya susuportahan ah." Sabi naman ni Hernz at siniko si Tj.

Wala talaga silang ibang gustong gawin sa araw na iyon kundi inisin lang ako. At heto ako, nagpapainis naman sa kanila. Minsan gusto kung magalit tuwing sinasadya nilang madulas kono tuwing nakikipag usap sa mga dati kung girls tungkol kay Alex. Sinasadya talaga nila na e kwento ito sa iba at ipahiya ako. Pero ako, deadma lang. Busy ako sa pag che-check ko ng phone ko, baka mag text si Alex. Buong araw ko na kasing hinihintay kahit simple n'yang "hi". Wala na akong pakialam malaman man nila na nagkakagusto ako sa isang babae, hindi sa isang simpleng babae kundi sa isang napaka unique at weird pa. Siguro 'yon ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya, dahil kakaiba s'ya. Ibang iba sa nakilala ko at kung pagtawanan man ako ng iba, hahayaan ko sila kung ito'y parte ng parusa ng tadhana sakin dahil mapaglaro ako dati. Mas iniisip ko na ngayon ang mga bagay na mabubuti, 'yong mabuting gawin para mapaamo si Alex.

"Iba ka na ha. Iniiwan mo na kami matapos ang klase. Pupunta pa tayong mall e." Sabi ni Diggz na animo'y batang nagtatampo.

"May pupuntahan lang kase ako na importante mamaya. Ikaw na magsabi kina Tj at Hernz." Sabi ko na panay pindot sa cellphone.

Tine-text ko si Andrew, tinatanung ko sa kanya kung saan ko pwedeng mahagilap si Alex bago mag alas sais. Balak ko kasing surprisahin s'ya. Nabasa ko kasi sa isang website na gusto ng mga babae na sinusurprisa, additional pogi points daw 'yon. Kung kailan ko natutuhan ang magbasa sa internet para kumuha ng tips ng panliligaw, 'yon ang hindi ko alam. Pumasok lang kasi bigla sa isip ko na mangmang ako pagdating sa panliligaw.

"Sakit na 'yan Max. Hindi 'yan nakakadulot ng mabuti sa'yo. Ikakapahamak mo lang 'yan. Hindi ka ba talaga nag iisip?" Nag-aalalang sabi ni Hernz.

"Pare, hayaan nyo nalang ako.Kung sakit man ito, ok lang. Mas mabuti nga kung ito'y nakakahawa, para mahawaan ko kayo nito. O di ba mas happy kung pareho tayong magkasakit ng ganito?"

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now