2. Aray ko!

18.2K 305 5
                                    

Minalas talaga ako ng araw na 'to, may gimik pa naman kaming magbabarkada at saktong nasiraan ako ng kotse kaya dinala ko muna sa talyer. Ayon! Napa commute tuloy ako, walang choice e.

Naka stop ang mga sasakyan dahil oras na para tumawid ang mga pedestriyan, naglakad ako patawid habang nagte-text sa mga tropa ko na isang oras na akong hinihintay sa campus. Hindi ko namalayan biglang umilaw ang Go signal dahil na busy na ako kakapindot sa cellphone kaya ayon bigla nalang may bumunggo sakin, gumulong-gulong ako sa gitna ng daan. Tumayo ako agad at ng lumingon saka ko oang napagtanto na nabangga ako ng scooter, habang nakatingin ako sa kanya e ayon pinapatayo ang motor n'ya.

"Tanga ka ba?!" Galit kong tanung sa kanya. Naka helmet pa sya kaya d ko makita ang buo nyang mukha. Deadma lang n'ya ako at dinala sa gilid ng daan ang scooter nya. "Hoy kinakausap kita!"

"Pagtumatawid kasi wag magte-text!" sinigawan nya ako sabay hubad sa kanyang helmet. Saka ko lang nalaman babae pala ang nagda-drive. Natigilan ako bigla sa ganda n'ya at gusto kong bawiin ang tanong ko sa kanya kani-kanina. "Ikaw pa 'tong may gana magalit e ikaw naman itong hindi tumitingin sa daanan." Patuloy n'ya at ako, parang nahiya ang dila ko at hindi ko na magawang magsalita. Titig na titig lang ako sa kanyang mukha.

"Ok ka lang ba?" Tanung sa akin ng traffic enforcer na hindi ko namalayan dumating.

"Ako pa itong makakabayad e kasalanan naman n'ya. Kainis." Pabulong n'yang sabi at hinuhugot sa wallet n'ya ang kanyang licensya habang ako parang tanga lang na nakatayo sa gilid ng daan.

"Nauntog ata ulo nito mam. Hindi na makapagsalita. Tumawag na kaya ako ng ambulansya ng madala na 'yan sa ospital." Pansin ng traffic enforcer na tinititigan ako habang di ko maalis ang mga mata sa babaeng nasa harap ko.

Unang beses pa lang ako natigilan ng dahil sa ganda ng isang babae. Ewan ko ba, ang lakas lakas ng dating n'ya sa akin, para bang hinihigop n'ya ang energy ko sa katawan.

"Hoy!" Sigaw n'ya na nagpamulat sa akin pabalik sa mundo ng katotohanan.

"A-a-ano?" Nauutal kong tanung at napakamot nalang sa ulo. Nakita ko s'ya at si manong na palingo-lingo na lamang.

"Ang sabi ko ok ka lang ba? Kasi dadalhin ka namin sa ospital ng mapa check up ka. Nauntog ka ata sir. Halata naman kase ang dami mong sugat sa katawan. Kaya payo ko, pumunta ka sa ospital para sigurado." Hindi ko nga namalayan ang dami kong sugat. Pagtingin ko sa kanya, agad s'yang sumimangot.

"Sir wag mo na s'yang issuhan. Kasalanan ko naman kase nagtetext ako e habang tumatawid." Suhestyon ko kay manong enforcer.

"Sinabi mo e!" Agad sang ayon ni manong. "Basta wala akong kasalanan ha. Ikaw may sabi n'yan."

"Umangkas ka sakin at dadalhin kita sa malapit na pagamutan." Naiinis n'yang sabi at patapon na binigay ang isa n'yang helmet. "Sige sir! Thank you naabala ka pa ng mukong na tangang ito." Paalam nya kay manong sabay kaway naman ng mama para umalis.

"Taxi nalang tayo." Sabi ko habang nakatingin sa motor n'ya. Never pa kaya ako umangkas sa motor at nakakahiya naman kasi babae pa ang driver.

"Hoy! Alam kong mayaman ka at wala akong pakialam! Wag mong sayangin ang oras ko! Angkas na!" Galit n'yang sabi at dali-dali akong sumakay sa scooter na para bang takot na takot maiwanan.

'Yong puso ko para ng malalaglag sa takot. Ang bilis nyang magpatakbo, para bang nasa karera sya. Gustohin ko mang bumaba, di na ako nagsalita at baka ilaglag n'ya pa ako sa motor. Ang sakit na nga ng mga sugat ko, e baka mabiak pa ang ulo ko pagnagkataon. Tahimik lang ako at ganun din naman sya. Nilalasap ko nalang ang amoy n'yang strawberry. Para akong baliw, hindi ko maiwasan matanung ang sarili ko kung anong kabaliwan 'yon. Pagpihit n'ya ng brake, ayon napasubsub ang ulo ko sa ulo n'ya, nagkauntogan ang mga helmet namin.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now