25. Single. Single. Single!

3.4K 80 1
                                    

Nakakalungkot man pero kailangan ko ng e set aside ang feelings ko kay Alex. Malamang napakasaya n'ya na ngayon na wala ng asong bumubuntot-buntot sa kanya. Malaya na rin s'yang magmahal ng taong mahal n'ya at hindi tulad ko na panakip butas lang. Sana masaya talaga s'ya sa kalayaan nya.

Inisip ko nalang na sa iba ako nakatadhana. At yong relasyon namin ay nagsilbing aral sa tulad kong mapaglaro.

Delete messages, sa facebook at cellphone, at naka block na rin s'ya sa facebook account ko. Burado na rin mga solo pics n'ya sa gallery ng phone ko pati number n'ya burado na. Basta lahat ng may kaugnayan sa kanya binura at tinapon ko na para madali akong makapag move on.

Minsan di ko maiwasan, naaalala ko pa rin naman s'ya. Namimiss at napapaiyak pa nga ako e, kasi sobrang minahal ko si Alex at masakit makita ang singsing na dapat isusuot ko sa kanya na di ko man lang naibigay sa kanya. Mahirap ba akong mahalin? Di pa ba s'ya masaya sa piling ko? Ano bang wala sa akin? Binigay at binuhos ko na lahat, kulang pa din.

"Anong plano mo?" Tanung ni mama.

Nakatambay ako sa tindahan n'ya ng linggong 'yon. Wala kasi akong mapuntahan, lahat kasi ng lugar na pinupuntahan ko s'ya 'yong naiisip ko. Boring din sa bahay.

"Anak. Pag broken hearted ka. Ikain mo nalang 'yan kaysa simangotan mo mga customer ko." Sabi ni mama na naiinis na sa akin. "Mamalasin pati tindahan ko sa'yo e."

"Ma papayag ka ba?" Tanung ko. Walang punto sa tanung ko kaya napataas kilay s'ya. "Plano ko kasi pag nag graduate ako. Mag stay muna ako kay Tita sa Australia. Dun ko hahanapin 'yong unang trabaho ko." Patuloy ko.

Napabuntong hininga si mama at umupo sa tabi ko. "Iiwasan mo 'yong Alex?" Tanung n'ya. "Kaya mo bang pumunta sa ibang lugar habang mag isa lang ako dito?"

"Hindi naman sa iniiwasan ko s'ya ma. Gusto ko lang pumunta sa ibang lugar." Sagot ko na halatang in denial. "Saka mag invite ka muna ng pinsan ko na pwede mo kasama sa bahay."

"Kahit iiwasan mo s'ya anak. Kung kayo talaga para sa isa't-isa e pagtatagpoin pa rin kayo ng panahon." Sabi ni mama.

Kung sa bagay tama rin naman si mama pero ayoko. Ayokong manatili dahil nakakabaliw tuwing nakikita ko s'ya sa lugar na dati naming pinagpupuntahan. Baka kasi pag umalis ako e mahanap ko ulit ang sarili ko. Parang bakla lang magsalita noh? Hahahahahaha e tatawa ko nalang ang problema kaysa naman maiyak ako sa lumbay.

Oo, di talaga ito problema. Kaya lang nasasaktan ako dahil hindi man lang n'ya ako nagawang mahalin. Para saan 'yong pagsagot n'ya sa akin kung wala naman pala s'yang nararamdaman. So clearly, panakip butas n'ya lang talaga ako, tanggap ko na 'yon, ang di ko tanggap ay 'yong harap-harapan n'yang pagdurog sa nalulumbay kong puso.

Mas matatanggap ko pa kung naging tapat s'ya, 'yong sasabihin n'ya na hindi n'ya ako mahal at sinubukan n'ya lang ang sarili n'ya na magmahal. Pero iba ginawa n'ya, sa one year anniversary namin, pinagmukha n'ya pa akong tanga. Kahit bobo ako, alam kung panggagago na yon. At wala akong balak na ipagpatuloy pa ang kung ano ang nasimulan namin. Masakit sa dibdib. Parang sinaksak n'ya lang ang puso ko. Ayoko ng ganung pakiramdam.

Tapos mula nun di rin s'ya nag effort makita ako o ma contact. Wala. Siguro masaya na s'ya ngayon dahil mismo ako na nag volunteer na lumayo sa kanya. Mahirap na wala kaming closure sa hiwalayan namin pero ayoko naman puntahan s'ya ulit sa bahay nila at suyuin. Magmumukha lang akong katawatawa. Si Andrew naman, di na rin nag text o tumawag sakin. Siguro sinabihan na n'ya ang kapatid na wala na kami. Mabait si Andrew at gusto ko s'ya bilang kaibigan pero kong patuloy ko rin s'yang makakasama, parang feeling ko di ko maiiwasan makita si Alex. Sa ngayon, di pa ako ok kaya mabuti na rin umiwas muna ako sa lahat na nakakonekta kay Alex.

Sana masaya s'ya ngayon na wala na ako, at sana mahalin din s'ya ng taong mamahalin n'ya.

Magkikita pa kami muli, pero hindi pa sa ngayon. Siguro pag naayos ko na buhay ko, 'yong handa na ako na harapin s'ya at higit sa lahat 'yong may tapang na ako.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now