33. Pag-Amin.

3.5K 85 2
                                    

Matapos ang usapan at inuman namin ni Papa na realize ko na may something pa akong nararamdaman para kay Alex, pero hindi healthy para sa amin dalawa kung magkabalikan kami lalo na sa akin. Nababaliw kasi ako sa kanya at hindi mabuti talaga ang idea na pakikipagbalikan. Mas mabuti kung pagkatapos ng operasyon ay bumalik ako ulit sa Australia kasama ang parents ko at saka magpatuloy ng buhay doon na malayo sa kanya. Saka ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya, di ba nga inulit-ulit ko nang sinabi 'yon. Paulit-ulit, at paulit-ulit ko na rin niri-reject na hindi ko na talaga s'ya mahal.

"Nandito ka na naman Mark. Wala si Kuya dito. Umalis." Sabi n'ya habang nakaupo sa beranda ng bahay nila.

"Alam ko naman 'yon e. Kaya nga nandito ako kasi ibinilin kayo sa akin." Sabi ko at pumasok sa bahay nila para ilapag ang dala kung pagkain.

"Bakit ba ganyan si kuya? Bakit kailangan n'ya maghanap ng magbabantay tuwing wala s'ya. Bulag lang ako. Hindi lumpo. Kaya ko rin alagaan si Tatay." Pagmamalaki n'ya na pakapakapa na lumakad papunta sa akin.

Oo hindi s'ya lumpo pero sa kalagayan n'ya, hindi n'ya kayang mag alaga ng matandang mas mabigat pa sa kanya. At hindi n'ya rin kakayanin magluto. Helpless na si Andrew kaya tuwing umaalis s'ya kailangan may maiwan sa kanilang dalawa para alagaan sila, at dahil sa ugali n'ya walang nagtatagal. Sabi nga ni Andrew ako lang ang tumagal sa kapatid nya.

"Look at you! Hindi mo nga kayang linisan sarili mo. Ang pag alaga pa kaya kay Tatay Gusto? Alam mo marami naman sana ang handang magbukas palad na umagapay sa kuya mo e. Pero lagi mong minamasama. Have you ever think about Andrew o sadyang makasarili ka lang talaga?" Galit kong sabi habang hinahanda ang kanilang tanghalian.

Ganyan na nga ang lagay n'ya nakukuha pa n'yang magyabang at di ko mapigilan ang sarili ko na magalit sa kanya. Hindi na uubra pa ang pagtataray n'ya sa akin ngayon dahil sa sobrang inis at pag iinarte ni Alex.

"Umalis ka nga dito! Hindi ko naman kailangan ang tulong mo e! Alis!" Sigaw n'ya.

"At sinong inaasahan mong dadamay sayo?! Ha?! 'Yong lalaking 'yon?! Gleen?! Di ba Gleen ang pangalan n'ya?! Nasaan na s'ya?! Naglaho din s'ya noh nung nabulag ka kasi ayaw n'yang mag alaga ng bulag tulad mo?! Kasi wala ka ng pakinabang sa kanya?! At ako pa rin ang nandito?! Third man standing infront of you para tulungan ka kahit ang sama ng ugali mo?! Kahit gaano kasakit binigay mo noon! Andito ako tinutulungan ka!" Galit kung sabi at di ko na inisip na naririnig kami ni Tatay Gusto mula sa kanyang kwarto.

Natahimik si Alex at nagulat sa tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang kinatatayoan ay napaupo na lamang s'ya.

Tama lang. Tama lang na ilabas ko ang galit ko para ma-realize n'ya na hindi sa lahat ng panahon tama s'ya at desisyon n'ya ang masusunod.

"Kung mahal ka nga talaga ng Gleen na 'yon dapat tinulungan ka n'ya. Pero hindi e. Iniwan ka n'ya matapos n'yang banggain ang kotse na 'yon. Oo kasalanan ninyong dalawa dahil nagpakalasing kayo at di ko s'ya dapat sisihin pero napakawalang kwentang tao naman ang napili mo Alex. Iniwan ka n'ya na parang isang gamit na matapos masira e iiwan nalang." Mahinahon kung sabi.

"Sino ka ba?" Tanging tanung n'ya na nanginginig ang boses.

"Ako 'to Alex. Si Max." Sagot ko at pinagmasdan nang mabuti ang kanyang  reaksyon.

"Umalis ka na at 'wag ka ng bumalik." Pag-uutos n'ya.

"Hindi pwede. Kung dati pilit mo akong tinutulak palayo. Ngayon hindi mo na pwedeng gawin 'yan. Mananatili ako hanggang gusto ko. Ako na ngayon ang astig at hindi na ikaw. Kung dati pwede mo akong diktahan, ngayon hindi na uobra yan Alex." Pagmamatigas ko.

"Umalis ka dito! Alis! Alis! Alis!" Sigaw n'ya at nagwawala pa, pinagbabato n'ya lahat ng mahawakan ng kanyang kamay.

Nilapitan ko s'ya at pinigil. Niyakap ko si Alex para tumigil s'ya sa pagwawala kahit na sinabihan ko na ang sarili ko na di dapat.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora