18. Party! Party!

4.2K 84 0
                                    

Naka semi-formal wear ako, white shirt at black suit sa pantaas saka nakapantalon ng slim fit tapos naka chuck taylor. Hindi ko na masyadong ginandahan ang suot ko kasi wala naman akong dapat pormahan dun. Ang mahalaga sakin kasama ko si Alex bilang girlfriend, official girlfriend. Sobrang proud ako maging boyfriend n'ya.

Minabuti kung agahan ang pag-alis sa bahay para masundo si Alex sa kanila. Plano kung e bili s'ya nang isang simpleng dress sana. Gusto ko kasi na maging comfortable s'ya habang kasama ako at hindi mag-alala sa suot n'ya, alam ko naman kasi na pagaraan nang suot ang party lalo na kay Diggz na birthday 'yon. Kaso ayaw naman n'ya kasi jeans lang at shirt lang daw isusuot n'ya. Ayoko naman pilitin s'ya at maging sanhi pa ng di namin pagkakaunawaan.

Agad kong tinakbo ang bahay nila habang pinarada ang sasakyan sa may iskinita sa kanila. Nadatnan ko ang Nanay Eba n'ya na nakaupo sa may salas.

"Andito na si Max!" Sigaw n'ya.

Pagbukas nang pinto agad lumabas si Alex na naka off white dress. Napanganga nalang ako at ulit na naman nahulog ang puso ko para sa kanya. Agad n'yang isinuot ang white high heels n'ya na sandal habang inabot naman ni Nanay Eba ang kanyang purse. Nakalugay lang ang buhok n'ya, simple pero sobrang umibabaw ang kanyang ganda para sakin.

"Aalis ba tayo? O tititig ka lang sakin?" Tanung n'ya na tinapik ako sa tyan. Kumorap-kurap ang mata ko.

"Ta-ta--Tara." Natataranta kung sabi na hindi mapakali.

"Nay, tubig nga!" Sigaw n'ya.

Oo na! Mukha na akong tanga sa reaksyon ko. Ikaw ba naman magulat, tingnan ko lang kung anong mukha meron ka. First time ko s'yang nakitang nagsuot ng pambabae at hindi ko naman inaakala na sa likod ng astig n'yang porma e may feminine side pala s'ya.

Lumabas galing sa kusina ang nanay n'ya bitbit ang isang basong tubig na ibinigay sa akin ng ituro n'ya ako gamit ang pula n'yang nguso. Naka lipstick pa talaga si Alex, halatang pinaghandaan n'ya ng mabuti ang araw na ito.

"May multo ka bang nakita ijo?" May halong biro ang tanung ni nanay.

Ano ba? Pati ba tubig ang hirap lunukin? Ganito ba pag may nakita kang mala-diwata ang ganda? O gulat lang ito dahil parang nagtotal transformation si Alex. May dugong transformer 'ata tong girlfriend ko e.

"Ayan na hindi na makasagot nanay." Sabi ni Alex na napalingo-lingo habang ngumingiti. "Yan kase e. Akala n'ya d ako marunong mag ayos. Maling akala na naman noh? Tara na nga! Malusaw pa ako sa titig mo e!" Yaya nya at humawak na sa braso ko sabay hila. "Bye! Nanay!"

"Ingat kayo!" Paalala naman ni nanay Eba.

Hindi pa ako makapag move on sa ayos ni Alex. S'ya ba talaga 'tong katabi ko sa loob ng kotse o ibang tao ito na nagpapanggap na si Alex? Sumasakit tuloy ulo ko bigla.

"Ayoko naman mapahiya ka sa mga kaibigan mo kaya nakihiram ako ng damit sa mga kakilala ko." Sabi n'ya at tinitigan ako habang nagda-drive.

"Nagsabi ka sana para ibili kita. At saka Ok lang naman sakin kahit anong suot mo ah."

"Sa'yo ok pero sakin hindi. Ayoko naman kasi sabihan ka nila na pumili ka ng isang cheap na babae."

"Cheap? Ikaw? Alex ikaw ang pinakamahal na naangkin ko sa tanan buhay ko kaya 'wag mong tatawagin cheap ang sarili mo. Ok?"

"Sabi mo e."

Inaalala n'ya rin pala ako. At least naman nagpapakita s'yang ng pagmamalasakit sakin.

"Ang dami namang tao." Sabi n'ya na nagdadalawang isip bumaba sa kotse.

"Wag nalang tayong tumuloy?" Marahan kong tanong sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now