3. Ikaw na naman?

12.9K 397 13
                                    

Limang araw na rin ang nakalipas ng maaksidente ako. Unti-unti ng naghilom ang mga sugat sa katawan at ready na rin pumasok ulit sa paaralan. Nakakabagot na rin sa bahay, lage nalang akong mag isa. Ayaw ko naman gumala lalo pa't may fresh pa ang mga sugat ko nung nakaraang mga araw.

Nang araw din ito, naka receive ako ng text message galing sa may ari ng talyer na ayos na ang kotse ko. Hay salamat! Nagawa na rin sa wakas. Dali-dali akong nag ayos at saka umalis para kunin na ang pinakamamahal kong sasakyan.

Pagkadating, agad ko itong pinaandar para malaman kung ayos na ba talaga. Matapos masiguradong ayos na ayos, pumasok na ako sa opisina ng boss nila para bayaran ang dapat bayaran ng makaalis na.

"Good afternoon sir!" Masaya nitong bati.

"Good afternoon din," tugon ko sa kanya at umupo na sa upoan na nakaharap sa kanyang mesa. "Magkano ang pagawa?" Tanung ko sabay hugot sa wallet ko sa bulsa.

"Two thousand eight hundred po, Sir." Sagot n'ya sabay abot ng resibo.

"Basta ha. Ok na ok na yan. Wala ng sira. At hindi ko na ulit dadalhin 'yan dito." Panigurado ko sa kanya. Aba'y dapat lang manigurado, ang mahal kaya ng pagawa ng sasakyan. Hindi naman kasi ako mayaman at galing pa sa allowance ang pinangbayad ko.

"Polido po kami dito mag trabaho, Sir. Tatagal ba naman kami ng ganito kung pumapalpak kami. Tamang alaga at maintenance ang sekreto para sasakyan mo ay di na pumalya. Pero di naman talaga maiiwasan na masira ang sasakyan kung luma na rin, Sir." Sabi nya sakin at pina-permahan ang release order.

Sa araw din iyon, pina planong kung magpunta sa isang restobar. Chill-chill lang ng konti. Isang celebrasyon para sa kotse kung bagong ayos. Syempre kasama ang mga tropa ko sa night out, hindi sila pwedeng mawala.

Hinihintay ko sila sa isang mesa na pina reserve ko mismo. At habang naghihintay, binabasabasa ko muna ang menu nila. Sa di inaasahan, may biglang pumasok sa pintoan at napatingin ako. Nagulat ako dahil iyon ang babae na nakabungo sa akin. Dali-dali kung nilapag ang menu sa mesa at tinahak ang daan patungo sa kanya. Alam kung binalaan n'ya na ako ngunit di ko talaga maiwasan na s'ya ay makausap muli.

"Hi." Bati ko na may halong hiya. Lumingon sya at bumuntong hininga. "Kumusta ka na?" Tanung ko sa kanya.

"Kilala ba kita?" Pabalik n'yang tanung sa akin. Ang sungit n'ya pa rin, pero kahit nagmamaldita s'ya, umaapaw pa rin ang kanyang ganda. At sa gabing iyon, mas lalong lumutang ang kanyang karesma.

"Ang dali mo naman makalimut. Ako 'yong nabangga mo. Alam mo, ok na ako. Ok na mga sugat ko. Magaling na." Sagot ko sa kanya at pinagmayabang pa ang mga gumagaling kung sugat.

"Wala akong paki. Ewan ko sayo. D'yan ka na nga." Akmang aalis na sana s'ya pero automatic gumalaw ang kamay ko na humawak sa kanyang braso para s'ya ay pigilan. Napahinto s'ya, dahan-dahan yumuko at tinitigan ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa kanyang malambot na braso, saka tinaas ang kanyang mukha para tingnan ako sa mata. Naramdaman kung umiinit ang katawan ko at namumula ang pisngi. Nahihiya kong pinakawalan ang kanyang braso at binulsa ang kamay ko.

"Hindi kita kilala. At hindi kita kaibigan. Kaya pwede ba 'wag kang feeler." Galit n'yang sabi na pilit hinihinaan ang boses para siguro di marinig ng iba.

"Max." Sambit ko sa sarili kong pangalan at nilapit ang kamay ko para makipagkamayan at para makipagkilala sa kanya ng formal. Napabuntong himinga s'ya. "Masama bang makipagkilala o makipagkaibigan sa'yo?" Tanong ko. Hindi n'ya kasi tinanggap ang pakikipagkamay ko.

"Wala akong panahon sa ganyang bagay, ok? So please wag mo na akong guluhin. Tapos na ang obligasyon ko sa'yo. Kaya tantanan mo na ako." Pakiusap n'ya. Hindi ko pa kailan man narinig ang ganung salita mula sa isang babae. Nasanay kase akong pinag aagawan at na gugustohan. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit ang binabalewala ng isang tao.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now