27. Graduation.

3.3K 80 1
                                    

Suot ang toga ko, masaya akong naglakad sa carpet kasama syempre si mama na naiiyak at papa na abot tenga ang ngiti. Wala ang mga barkada ko. Hindi sila pumasa kaya maiiwan ko sila. Kung patuloy akong sumama sa kanila noon, malamang wala ako sa nilalakaran ko ngayon.

Natapos ko rin ang kurso ko at handa na akong makipagsapalaran, kumita ng sariling pera at mag-plano sa hinaharap. Gusto ni papa na after one year e bumuo na daw ako ng sariling pamilya at para magkaapo na rin daw s'ya. Si papa talaga, lahat ng bagay minamadali. Pero ako pa rin ang masusunod patungkol sa buhay ko lalo na sa usaping pagkakaroon ng asawa't anak. Ayoko munang magkapamilya. Bukod sa wala akong girlfriend e mahirap bumuo ng pamilya kung wala kang ipon. Malaki ang gagastusin ko sa pamamanhikan. Lalo na sa engagement. Alangan naman bumili lang ako ng pangit na engagement ring. At 'yong kasal. Naku! Baka umabot pa ng milyon dahil gusto 'yong bonggang-bongga talaga. At kailangan ko pang magpatayo ng sariling bahay at mag-ipon para sa panganganak. Ilang taon ko din pagta-trabahoan ang perang gagastusin ko. Kailangan talaga ng limpak-limpak na pera para hindi ka magkanda kuba pagdating ng tamang panahon.

Back to where I am. Ang sarap pala sa pakiramdam pag tinawag na ang pangalan mo para umakyat sa stage tapos hahalikan ka ng magulang mo pagtanggap mo ng diploma. Saka parang pakiramdam mo isang hakbang nalang at magiging professional ka na.

Naghanda si papa at inimbita n'ya yata ang buong baryo sa dami ng tao. Ok lang naman sana kung hindi na e, simple celebration is enough. Kahit walang handa, basta andyan lang si papa solve na solve na ako. Kaya lang si papa talaga masusunod, pinagmamayabang n'ya kasi ako.

"Uupo ka lang dyan? Hindi mo lalapitan ang mga bisita?" Tanung ni mama na tumabi sa sofa.

"Kaya na po ni papa 'yan. Si papa pa." Sagot ko at nikayap si mama.

"Binata kana. Wala ng baby sa bahay." Nakangiti n'yang sabi habang hinahaplos ang kamay ko.

"Gawan n'yo na ako ng kapatid ma. Malaki na ako o. Kaya ko na sarili ko kaya gumawa na ulit kayo ng baby." Request ko na sumiksik sa mama ko.

"Ay gago kang bata ka. Sa tanda kong ito malamang pagtatawanan nila ako dahil nabuntis ako. Loko ka talaga." Natatawang sabi ni mama.

"Paano 'yan mama? Naisipan ko kasi na tatandang binata na lamang." Biro ko. At nakurot n'ya ako sa tagiliran. "Aray naman ma."

"Bakla ka siguro noh. At nag-identity crisis ka?" Pabulong n'yang tinanong.

Natawa ako sa reaksyon n'ya. Napagkamalan pa akong bakla ng sarili kung ina. Pero ano ba naman ang masama sa pagiging bakla? E mas hamak na mas masipag pa sila sa kahit na sino. Marami nga akong kilalang bakla na successful at sila pa ang bumuhay sa pamilya nila.

Kung di man ako biyayaan ng isang babae, ok na ako sa lalaki. Di! Joke lang. Straight ako!

"Ok lang ba talaga na umalis ako?" Tanung ko kay Mama dahil alam ko ayaw na ayaw n'yang mahiwalay sakin.

"May magagawa ba ako? Saka sabi ng Papa mo tama naman angbdesisyon mo na matuto ka rin maging independent."

"Thank you ma sa lahat. Mahal ko kayo ni Papa."

"I love you din anak."

Ngayon tapos na ako sa pag-aaral, hinihintay ko na lamang kung kailan ko matatapos ang pagmamahal ko sa babae na minsan ng nagpaasa sa akin. Mahirap kasi e kung pati sa hinaharap e madala ko ito. Paano ako magmamahal ulit kung s'ya ay nasa puso ko pa rin?

Umaasa naman ako na mawala ang pride ni Alex at makipag usap sakin, kasi kung ganun man, handa ko rin naman ulit s'yang sugalan kaya lang malabo talaga na bibigyan n'ya ako ng pansin. Mas mabuti na rin siguro ang ganito upang mabigyan ko naman ng pansin ang sarili ko, panahon na magsasabi kong para nga ba kami sa isa't-isa o hindi.

Sana isang araw makaya kong harapin s'ya at maging handa na sa pagiging kaibigan. Kasi ngayon, kung pipilitin kung makita s'ya, alam ko, hindi ko mapipigilan ang sarili na sabihin sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon