40. Magsawa kang mainis sa akin.

3.7K 72 0
                                    

Hindi ko binawe ang arawang pag deliver n'ya ng burger sa akin. Bakit ko naman gagawin 'yon? Baka akalain n'ya natatakot ako sa presence n'ya kung hihinto na ako. Patigasan ng mukha at ugali na 'to.

Alam kung hinahamon n'ya talaga ako e. So I accept the challenge.

Kahit na araw-araw s'ya nagpupunta, hindi ko na s'ya pinapansin. As if hindi ko s'ya kilala. At ang taas ng pride n'ya dahil hindi man lang tinatanggap ang tip. Akala mo hindi n'ya kailangan 'yon. E ang iba nga nagkukumahog magka extra money lang. Pero s'ya snob lang sa tip ko. Hindi naman barya ang inaabot ko noh!

Gyera na kung gyera!

"Max?" Biglang sulpot ni Mariel sa opisina. After so long nagawa n'ya din magpakita. "I've been out of the town. Thinking about us. At first I said I dont need you but then I realize you are-"

"Delivery."

Nice ng timing ni Alex, nag uumpisa pa ngang magtula si Mariel sa another excuse n'ya, naudlot tuloy agad. Nagtaas ng kilay si  Mariel at napatitig kay Alex na hindi naman s'ya o ako pinansin.

"Did they teach you to knock on the door? T'was a protocol on your job. Or maybe you just don't have any manners at all." Galit na sabi nito na tiningnan si Alex from head to foot.

"Sorry mam. Bukas kasi ang pinto. Saka sandali lang naman ako. Hahatid ko lang itong masarap na masarap na burger ni sir." Sagot ni Alex na nang iinis. Halatang-halata naman at gumanti pa ng head to foot sabay snob kay Mariel.

Ang kamaldithan ni Mariel ay walang-wala sa kung gaano katindi ng kamalditahan ni Alex. Proven na sakin yon e! Kaya napapangiti nalang ako habang tinitingnan silang dalawa.

"Can you speak with respect? As if you are just talking to someone na ka close mo. Or wala ka lang talagang ma-"

"Enough. Leave now." Sabi ko na tinutukoy ay si Alex. Kahit gusto ko talagang paalisin ay si Mariel. Napilitan ako na s'ya nalang para inisin na din ang mayabang na si Alex.

Hangga't hindi n'ya sinasabi ang motibo n'ya kung bakit s'ya nasa Australia, pahihirapan at magiging magaspang ako sa kanya. Impossible na hindi ako ang pinunta n'ya dito e alam naman n'ya nag migrate na ako sa Australia. Hindi na ako 'yong utu-utong ex-boyfriend n'ya. Alam ko na bawat ginagawa ko at saka hindi na n'ya ako ulit maluloko pa.

"When just that girl started coming?" Tanung ni Mariel. "You never told me about this."

"Instead of interrogating me. Why don't you try to explain yourself first? Alam mo. Sawa na ako na tuwing may problema tayo tinatakbuhan mo ako. Sawa na ako na pagbalik mo punong puno ka nang pagsisisi. It's not all the time I can forgive you. May times rin naman na nagsasawa na ako." Sabi ko kay Mariel at dinampot na ang burger na lunch ko.

Napatitig si Mariel sa akin and seryoso ko naman ginantihan ang pagalit n'yang tingin sa akin. Feeling ko pag lagi nalang s'yang ganito, sa hiwalayan ang ending nito. Hindi lang sa ngayon s'ya nagbigay nang sakit ng ulo, dati pa. Siguro nabulag lang ako nun kasi para sakin s'ya na ang pinagdadasal ko sa taas na magiging babaeng tama para sa akin pero ngayon halata naman na 'yong relasyon namin ay walang balance. Saka kahit sabihin ko man ngayon na gusto ko s'ya at sincere ako sa kanya, wala rin. Kasi iba takbo ng isip n'ya. Ayokong malagay sa sitwasyon bilang husband n'ya lagi nalang tinatakbuhan kung kailan n'ya gusto. At uuwe lang s'ya pag feeling n'ya ok na. Parang hit and run kombaga. Nakakasawa na rin e. Lage nalang. Lage nalang talaga.

Pauwe na ako ng mapadaan ako sa shop nila Alex, timing rin naman na kumakain s'ya ng kanyang hapunan. Walang pagdadalawang isip na nilapitan ko s'ya at naupo na rin sa kinauupuan n'ya.

"Maganda s'ya. Halatang edukada at may kaya. Bagay kayo. Pati sa ugali bagay." Sabi ni Alex.

"Speaking of ugali. Mas maganda naman ugali ko kaysa sa'yo. Proven and tested." Pakotsada ko rin.

"Bakit sinabi ko ba maganda ugali ko?" Tanung n'ya na nagtaas ng boses dahil siguro nainis s'ya sa sinabi ko.

"Defensive lang? Alam mo masyadong halata." Pang iinis ko pa.

Hindi na s'ya nagsalita pero padabog n'yang nilapag sa plato ang kanyang kobyertos.

Sa di inaasahan dumating si Mariel at tumayo sa kinauupoan namin.

"Bastos ka talaga noh." React n'ya. "Pati boyfriend ng iba sinusulot mo pa!" Sabi n'ya na pasigaw.

"Ako bastos? Tahimik lang naman ako kumakain dito at 'yang boyfriend mo ang lumapit sakin." Tumayo si Alex at iniwan na kami ni Mariel.

"I am here to say sorry tapos ito pa maabutan ko. Nakikipaglandian ka sa iba. Tama nga naman na sinundan kita." Sabi ni Mariel.

"Sorry for what? Tapos na 'yon. Ginawa mo na. At ilang linggo mo akong pinagtaguan. Ano pa ba pag uusapan natin?" Sabi ko.

"Hindi ka pa sanay sa ugali ko? I always do this naman ah. Bakit parang ngayon hindi mo na ako kilala? I always runaway whenever I feel somethings wrong to avoid conflict, arguements and fights between us. I am not the type of a woman who nag Max. You knew that."

"Really? I am used to what you always did. But this is the right time to not tolerate that attitude. Pagod na rin ako sa mga ganyan-ganyan mo. We can talk seriously without arguing."

"Max-"

"Stop! Ok? Wala akong panahon para dito."

Was I being fair to her?

Alam ko sa isip n'yo sinasabi n'yo kaya nagbago pakikitungo ko kay Mariel dahil sa muli naming pagkikita ni Alex. Oo, tama kayo. Namulat kasi ako sa katotohanan na wala pala akong pakialam sa kanya, na all the time niloloko ko lang ang sarili ko na mahal ko s'ya. Kaya pinapabayaan ko s'yang umalis kung may problema kami tapos pinapatawad ko s'ya pagbumabalik s'ya. Kung minahal ko talaga si Mariel dapat tuwing umaalis s'ya o nagtatampo dapat hinahanap ko s'ya pero hindi ganun eh. Hinihintay ko lang s'yang bumalik dahil alam ko babalik s'ya sakin. Lahat ng bagay na gusto n'ya sinusunod ko kahit alam kung mali na. Hinahayaan ko s'yang gawin ang gusto n'ya dahil sa takot ako maiwan mag isa at hindi sa dahilang mahal ko s'ya. At dahil na rin gusto kong lokohin ang sarili ko na naka move on na ako.

Nang mag krus ang landas namin ni Alex ulit. Naintindihan ko kung ano si Mariel para sa akin. Para s'yang eye opener sa kung ano ba talaga ang tunay kung nararamdaman para sa girlfriend ko. Wala akong balak iwanan s'ya dahil andito na naman si Alex. Gusto ko lang sana magbago ang relasyon namin. Hindi 'yong ganito na parang walang paroroonan ang relasyon namin.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now