17. Officially mine ka na ba talaga?

4.3K 91 1
                                    

Masaya na ako sa status na on a dating process kami ni Alex. Or imagination ko lang na nagdi-date kami? Bahala na nga basta alam n'yang nililigawan ko s'ya. Mas mabuti na paminsan-minsan nagkikita kami kaysa naman sa wala. Mas panatag na rin ako ngayon dahil hindi na n'ya ako iniiwasan tulad ng dati.

Madalas kaming lumalabas pag pareho kaming hindi busy, syempre totok na ako sa studies ko at s'ya naman parehong sa work. And pag aaral n'ya dahil sa pinagpapatuloy na n'ya ang course n'ya,na nakapagpasaya sa akin kasi nakuha n'ya na rin ang gusto n'ya na mag aral ulit.

Ayoko naman lagihin na makita s'ya. Baka pagsawaan n'ya ang mukha kong ito, kaya twice or thrice a week kami lumalabas. Saka gusto ko rin naman na tutok s'ya pag-aaral n'ya dahil isa 'yon sa goal n'ya sa buhay, ayoko maging hadlang dun. Kaya ko pa naman maghintay hanggang sa kung kailan n'ya ako gusto maghintay.

Tuwing napapaisip ako, lagi kung pinagdarasal na sana matapos na kami sa pag aaral para malaman ko kung pasado ba ako sa kanya o bagsak. Ang sarap e forward ng oras dahil sa kagustohan kung malaman kong sasagutin ba n'ya ako. Bata pa kaming pareho kaya ok lang sakin kung di pa ibigay ni Lord ang hiling ko na maging kami na, pero sana sa huli, ma realize ni Alex na karapat-dapat ako mahalin.

"Baliw na baliw ka na talaga sa kanya pare." Sabi ni Diggz sakin.

"Pag true love talaga p're ganito ang effect." Natatawa kong sabi.

"So sa linggo punta kayo." Pag iimbita n'ya ng personal.

"Di pa ako sure. Busy din kasi s'ya," sabi ko kasi di ako sigurado papayag ba s'ya na sumama sakin sa birthday ni Diggz.

"Basta hihintayin ko kayo dun. Magtatampo ako sa'yo lalo pag di ka nagpakita," sabi n'ya t tinapik ako sa balikat.

Ok lang naman kay Diggz na isama ko si Alex, walang problema sa kanya para makita naman daw n'ya kung may progress na sa panliligaw ko. Ah sos. Sabihin n'ya gusto lang nila ako tuksoin na naman. Paniguradong chismis na naman ang aabutin ko pag pumunta ako kasama si Alex. It's not that ikinahihiya ko si Alex, ayoko lang pag usapan s'ya ng ibang tao.

Biyernes na at excited ako dahil pumayag si Alex mag late dinner kami sa labas. Tamang-tama dahil gusto ko sabihin sa kanya ang tungkol sa party na isasama ko s'ya dun. I just hope pumayag naman s'ya tulad ng pagsama ko sa kanila nung outing.

"Samahan mo naman ako sa birthday ni Diggz," sabi ko sa kanya.

Napangiwi s'ya. "Wala ka bang sariling paa para mag attend s birthday ng kaibigan mo?" Tanung n'ya sakin. "Saka magsaba ka nalang ng iba, wag ako."

"Please...ikaw ang naman gusto kong isama," pagmamakaawa ko.

"Ang kulit mo talaga," sabi n'ya.

"Please," sabi ko at pinagdikat ang dalawang palad at nagmukhang tutang gutom na humarap sa kanya.

"Oo na! Oo na! E alis mo lang 'yang nakakainis mong mukha sa harapan ko."

Praise the Lord napapayag ko rin s'ya sa wakas.

Dahil sa ayaw n'yang dinadala ko s'ya sa mamahaling restaurant e sa Dimsum ng East Mall nalang kami. Sumunod naman ako sa gusto n'ya kase pag hindi, bukol na naman aabutin ko galing kay Alex. 

"Libre ko kaya wag kang maarte." Agad n'yang sabi. Napakamot nalang ako. Hindi pa nga ako nakapagsasalita ayon na agad n'yang sinabi sakin. Sumunod naman ako sa kanya papasok.

Nag order agad kami at naghanap ng mauupoan.

"Ano naman susuotin ko sa birthday ni Diggz?" Tanong n'ya na napakunot noo. "Alam mo naman sosyal yang mga friends mo. Baka ma I don't belong pa ako dun."

Alam ko hindi naman sa kung anong susuotin n'ya ang pinag-aalala n'ya kundi kung paano s'ya haharap sa mga kaibigan ko. 

"Kahit ano. Basta komportable ka. Alangan naman magsuot ka ng di mo gusto," sabi ko sa kanya kasi kahit ano naman e suot n'ya ok ang sa akin. Di na n'ya kailangan magbihis para ma impress ako kasi kahit naman anong bihis n'ya, gusto ko pa rin s'ya.

Napakibit balikat lang si Alex. "Kahit ano?" Tanung n'ya. "Wala bang motif?"

"Ewan ko. Di ko rin natanong. Pero ok lang kahit ano nalang e suot natin. Paniguradong inuman lang naman mahalaga dun."

Matapos namin kumain naglakad-lakad muna kami sa loob ng mall. 'Yong lakad na walang patutungohan. Ewan ko kung iniisip n'ya pa rin ang damit sa party. O kung sasama ba s'ya sa party. Mahirap kasi s'ya basahin, kahit nagkakasundo na kami ay di pa rin n'ya ako hinahayaan na mabasa ang bawat kilos, galaw at desisyon n'ya. Pero naiintindihan ko si Alex at ang takot n'ya na masaktan ulit. Kaya heto ako patiently waiting for her. 

Nang mapagod na kami, napaupo kami sa bench sa lobby ng sinehan. Nasa harap namin ang malaking poster ng isang palabas. Love story kaya napaka sweet ng picture.

"Gusto mo nood tayo?" Tanung ko at napalingon sa kanya na titig na titig sa poster sa harapan namin.

"Wag na aksaya sa pera. Iponin mo nalang 'yan pera mo noh," sagot n'ya.

"Okay," sang-ayon ko.

"Max. Oo." Sambit n'ya. Nagtaka ako. Napakunot noo na nakatingin sa kanya.

"Ano?" Tanung ko sa kanya.

"Sabi ko oo. Sinasagot na kita." Sagot n'ya at tumayo sabay harap sa akin..

Sa gulat ko hindi ko na magawang makapagsalita. Natulala ako at huli na ng malaman kung malayo na pala s'ya sa akin. Tumakbo ako at kahit ang daming tao, niyakap ko s'ya. Bakit naman ako mahihiya sa mga nakapaligid? Mahal ko s'ya at kung ipagsigawan ko man na mahal na mahal ko s'ya, syempre wala silang pakialam. Isang mahigpit na yakap, tapos hinalikan ko si Alex sa noo at hinawakan ang kamay n'ya.

S'ya kaya masaya kaya s'ya sa naging desisyon n'ya? Sana man lang mabasa ko 'yong laman ng puso't isip n'ya. Pero nag blush s'ya. Siguro kinikilig.

"Hindi na kita paghihintayin. Kase papunta rin naman tayo dun dba? Saka kung hindi tayo para sa isa't isa e di malalaman din natin agad." Sabi n'ya na nakangiti na nakatitig sa mga mata ko.

O nagbunga din lahat ng efforts ko sa kanya. Sana lang ay kami na nga, kami na habang buhay.

Now I can say she's officially mine.

"I love you Alex." Bulong ko.

"Max-"

"Ok lang kung di mo pa kayang sabihin 'yan basta alam mo na mahal na mahal kita."

Napangiti lamang s'ya at kahit na nag-aalala ako na baka sinagot lang n'ya ako para makabawi s'ya sakin e bahala na. Papatunayan ko sa kanya worth it akong tao. Mas papahalagahan ko s'ya at mas mamahalin kahit na hindi pa n'ya kayang suklian ito. Alam ko naman balang araw e kaya na rin n'ya akong mahalin e.

"Kanya-kanyang uwi na tayo. Di ko naman pwedeng iwanan motor ko dito," sabi n'ya na hindi makatingin ng diretso sakin.

Hinawakan ko kamay ni Aelx at di naman s'ya pumalag, niyaap ko s'ya at kung pwede lang na hindi na sana s'ya bitawan. "Ingat ka sa pag drive ha."

"Ikaw din."

Mas naging maliwanag ang araw-araw ko, mas ginanahan pa akong mag-aral dahil mas lalo akong na inspired sa girlfriend ko. Dami ko na ngang plano para samin dalawa. Wala na akong mahihiling pa kundi maikasal kami balang araw. Alam ko maaga pa para sabihin na magiging kami na habang buhay kaya lang para sakin s'ya na gusto ko pakasalan at makasama hanggang sa aking pagtanda. Gagawin ko lahat hindi lang n'ya ako iwanan.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora