37. Namamalik mata ba ako?

3.2K 68 0
                                    

Naglalakad kaming dalawa ni Mariel nang pilitin n'ya akong kumain kami sa labas since it was Sunday, ilang araw din s'yang di nagpakita sakin matapos kami nag-away at habang naghahanap ng malapit na pwedeng kainan, bigla nalang may bumunggo sa amin mula sa likuran namin. Napasigaw sa inis si Mariel. Paglingon ko isang delivery girl pala na namumulot ng boxes ng burger na ihahatid n'ya.

"Let me help you." Sabi ko at tinulungan s'yang pulutin ang mga nahulog na boxes.

"Bhe! Stop that! Its disgusting! And it's her fault anyway!" Galit na sabi ni Mariel.

"Its ok sir. Its ok." Sabi ng delivery girl na halata sa accent n'ya na isang pinay.

"Pilipina ka pala. Dapat 'wag masyado magmadali. Maraming tao dito pag ganitong oras. Dapat sa kabila ka dumaan." Sabi ko at inayos ang pagkakalagay ng mga burger sa basket.

"Salamat po."

Natigilan ako kasi ang boses n'ya ay parang nahahawig sa boses ni Alex. Sinisilip ko mukha n'ya pero natatakpan naman ito ng suot n'yang sumbrero at nakayuko lamang s'ya.

"Bhe!" Galit na sabi ni Mariel at hinila ang damit ko para tumayo.

Tumayo naman ako at paglingon ko saka naman pagtalikod nung babae kaya di ko nakita mukha n'ya.

"Next time dont act like that. Nakakahiya. Baka ano nalang sabihin ng iba. Yucks mag alcohol ka nga!" Pagbubunganga na naman ni Mariel at iniabot sakin ang kanyang alcohol.

Kasing tangkad n'ya si Alex, ang lakad n'ya parang si Alex pati nga galaw n'ya. Napaisip tuloy ako kung si Alex kaya 'yon? Gusto ko sana s'yang sundan pero baka ano naman masabi ni Mariel.

"That girl. She ruined my dress. Argh! I should have let her pay me. My god! Did you see how careless she was? I need to report her to the manager for her to be deported back to her country." Nakakabingina ang pagkainis ni Mariel kaya nawalan na tuloy ako ng gana kumain.

"Hindi naman n'ya sinasadya 'yon. Nagmamadali lang s'ya." Pagtatanggol ko sa delivery girl.

"My godness bhe! Your defending her? Look at my dress. Look! It's crumpled." Galit na naman n'yang sabi.

"Hindi naman 'yan nadumihan o napunit bhe e. Kaya lets move on na ok?" Mahinahon kung sabi.

"Dumi? Hindi nadumihan? Bhe, germs are everywhere." Pagmamakatwiran n'ya.

Pagmakikipagtalo pa ako sa kanya, wala rin naman mangyayari kaya minabuti ko nalang na mahimik habang hinihintay ang order namin. Alam ko na napaka arte n'ya talaga, pero nature naman talaga ang pagiging maarte sa mga babae di ba? Pero si Mariel ay ibang-iba, sobrang maarte na minsan wala na rin sa lugar.

Nakakabaliw din na iniisip ko na naman ang taong dapat ay matagal ko ng kinalimutan, hindi naman siguro aabot sa Australia si Alex e alam naman n'yang iniiwasan ko s'ya.

"Next month I want to celebrate our 1 year and a half anniversary. What's the plan?" Nakangiting sabi ni Mariel.

"House dinner." Simple kung sagot.

Akmang may sasabihin sana s'ya ngunit dumating na ang order namin.

"Thanks" Sabi ko sa waiter.

Agad akong naghiwa nang steak at sinubo agad sa bibig ko.

"Bhe. We did have house dinner every month. Wala na bang bago?" Matamlay n'yang tanung.

Nakakatamad talaga ang mag celebrate ng monthsary or anniversary. Hindi dahil sa nangyari sa amin ni Alex. Pero sa tingin ko aksaya lang sa oras ang pagpunta sa ibang lugar tulad ng gusto ni Mariel na mag out of the country tulad ng Paris, New York, Bali at kung saan-saan pa.

"Alam mo. Hindi kita maintindihan. You always want to stay with your parents. Lagi nalang sila. How about me? I want you to move in with me but you refused. I dont know what should I do."

"Pagtatalunan na naman ba natin to? Nag usap na tayo tungkol dito di ba?" Tanung ko na naiinis na naman.

"Ewan ko ba sa'yo Max. Hindi na tayo bata. At wala na tayo sa Pilipinas."

"But we are still pinoy." Insist ko sa kanya.

Gusto ni Mariel madaliin lahat ng bagay pero para sakin hindi pa tamang oras para magsama kami sa iisang bahay at lalong wala pa akong olan mag settle down sapagkat may mga bagay pa akong gusto gawin sa buhay. Napaka expensive ni Mariel and I need to be promoted sa work kung gusto ko s'yang maging asawa dahil sa sweldo ko ngayon, kukulangin lang ito sa luho n'ya.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now