8. Pansinin Mo Lang Ako, Ok Na!

5K 131 3
                                    

"May bisita pala tayo." Pagpapaalam ni Andrew sa kanyang pamilya habang ako nakakubli sa likod n'ya na parang isang batang takot na takot.

"Sino naman yan Drew?" Tanung ng isang boses na hula ko ay nanay nila ni Alex.

Kinakabahan talaga ako ng pumasok na si Andrew at naiwan akong nakatayo sa bungad ng pintoan. Nanlamig ang aking mga palad. Naririnig ko ang tikatok na tunog ng puso ko. Lahat sila nakatingin, tila pinapatay ako ng apat na pares ng mga mata.

"Pasok ka ijo." Anyaya ng Tatay nila.

"Pasensya kana sa bahay namin at magulo. Halika at maupo ka dito." Dugtong ng Nanay nila.

Nakita kong pumasok si Alex sa kwarto n'ya, ni hindi man lang ako binati sa aking pagdating.

"Feel at home tol!" Sabi ni Andrew. "Sige d'yan ka muna at tutulongan ko si nanay na ayosin ang hapunan."

"O sige. Sige." Nahihiya kong sabi at napaupo sa sofa. "Magandang gabi po pala!" Pahabol kong sabi at nakitang nakangiti amg mga magulang nila sakin.

"Kinukwento ka ni Andrew sa amin. Kaya sinabihan kong dalhin ka dito at ng makita mo kong saan nakatira si Alex," sabi ng Tatay nila.

"Ganun po ba. Masaya po ako kasi inanyayahan n'yo po ako sa bahay n'yo," ani ko naman na sobrng natuwa na sila pala mismo nagsabi kay Andrew na papuntahin ako sa bahay nila.

"Pasensya kana. Magulo ang bahay at saka mainit," sabi ni Tatay at itunutok ang electricfan sa akin.

"Okay lang po. Wag po kayo mag-alala sa akin," nahihiya kong sabi at pinapawisan na rin.

Mabait naman pala ang magulang nila. Hindi ako mahihirapan nito kung parati kong dalawin si Alex pag gusto ko. Madali rin silang makasundo at palangiti, kabaliktaran sa ugali ni Alex.

Panay sulyap ko sa pintoan kung saan pumasok si Alex, mula ng pumasok s'ya hindi na ulit lumabas. Mukhang tanga akong nakaupo sa sala na pinapanood ang tatay n'ya na kinukumponi ang sirang bintilador na pinapaayos ng kapit bahay nila. Kung alam ko lang na mababagot lang ako, sana hindi nalang ako pumayag na pumunta sa bahay nila. Makulit din kasi si Andrew at ang hirap tanggihan.

"Alam mo ijo, 'yang Alex namin ay mahal na mahal namin. Para s'yang mamahaling bagay na ayaw na ayaw naming masira. Iniingatan namin 'yan." Biglang sabi ng Tatay n'ya. "Kanina ka pa andyan ni hindi mo man lang tinatanong ang pangalan ko."

"A-e-koan. Pa-pasensya na po." Nataranta kong sabi. "Kinakabahan po kasi ako," sabi ko at napahawak sa dibdib.

"Karamihan sa kabataan dito tawag nila sa akin ay Tatay Gusto. Short por (for) Augusto. Kaya tawagin mo na rin akong Tatay Gusto," pakilala n'ya sa kanyang sarili.

"Ako po pala si-"

"Max," patuloy n'ya. "Marami na akong narinig tungkol sa'yo. Ito kasing mga anak ko laging nagtutuksohan at minsan  e nag aaway at madalas kung naririnig sa mga bibig nila ang pangalan mo."

"Ganun po ba?" Nahihiya kong tanung. "E kase po. A-A-ako ay aakyat sana ng ligaw," panimula ko at naramdaman ko ang lamig sa akong mga talampakan at biglang pinawisan ng kay tindi ng tumitig si Tatay Gusto sa akin.

"Paano ka naman aakyat? E wala naman kaming hagdanan," natatawa n'yang sabi at kahit na kabado e napatawa na rin ako. Palabiro din pala si Tatay Gusto. May point rin naman s'ya e, wala nga naman silang hagdanan.

Matapos ang aming tawanan ay lumabas na sa kusina ang nanay nila kasunod si Andrew. Muli na naman akong kinabahan kasi baka tulad sila ng ugali ni Alex. Kaya natakot ako.

"Tawagin ko muna si Alex ng sabay na tayong maghaponan." Nakangiti nitong sabi at kinatok si Alex. "Halika ka na at kakain na tayo." At agad naman lumabas si Alex sa pinto.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن