39. Ikaw.

3.3K 68 1
                                    

Matapos ang titigan namin ng crew sa burger shop, lage ko na s'yang naiisip. At napag iisipan ko na rin 'yong sinabi ni Papa tungkol sa amin ni Mariel. Sabi nga nila tama ang magulang sa payo nila dahil pasikat pa lang tayo, palubog na sila. Tama nga ba?

"Sir, someone's looking for you." Sabi ng assistant ko.

"Ok. Thanks." Sabi ko na hindi man lang nagawang tingnan s'ya. Narinig ko lang na sinara na n'ya ang pinto.

Super busy talaga ako pag ber months, maraming kasing projects na dapat matapos para makakuha ng leave sa pasko.

"Do we have an appointment?" Tanung ko na di pa rin inaangat ang ulo.

"Hinatid ko lang order mo." Sagot n'ya.

Pag angat ng mata ko, nagulat ako. Ni walang boses ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Sana man lang inisip mo bago ka gumawa ng ganito. Alam mo naman na nag iiwasan tayo di ba?" Naiinis na sabi ni Alex sakin.

"Sorry. Pwede ko na bang kunin order ko?" Tanung ko na di alam ano ang sasabihin sa kanyang biglang pagdating.

Nilapag n'ya sa mesa ko ang burger at soda, sabay talikod na rin sakin.

"A-a-alex." Nauutal kung tawag. "Kailan ka pa sumunod?" Tanung ko.

"Hindi kita sinundan dito. Trabaho ang pinunta ko. Kung alam ko lang dito ka nagta trabaho sana sa ibang lugar nalang ako nagpa assign." Sagot n'ya na hindi man lang lumingon. "Salamat pala sa tulong mo at ok na ako ngayon." Pahabol n'ya pa at di man lang ako nililingon.

"Wait-" Pinigil kons'ya pero agad din naman s'yang umalis.

Naiwan akong nakatunga-nga. Nababaliw na talaga ako dahil hindi ko inaasahan na maging sa Australia ay pagtatagpuin ulit kami. Alam ko naman e at ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan s'ya at lalayo pero bakit hinahatak pa rin ako palapit sa kanya?

Hundi ako nakatiis at hinabol ko si Alex na naabutan ko sa elevator.

"Hi everyone. Let me excuse. I need to settle something with this woman. Can you please transfer to another elevator?" Pakiusap ko sa mga kasabayan n'ya at nagpapa cute pa. Nagsilabasan naman sila at lumipat sa isa pang elevator.

Nang maiwan kaming dalawa saka ko pinindot ang button papuntang 10th floor.

"Nababaliw ka na ba ha?!" Tanung n'ya na sumisigaw sa inis sa akin.

"Oo! Baliw na ako! Sabihin mo bakit mo ako pinuntahan dito? Alam mo naman di ba na nasa Australia ako. Bakit dito ka pa nagpunta? Nananadya ka ba ha?!" Nainis na rin ako.

Ramdam ko, ako ang dahilan kung bakit nasa Australia s'ya, lalo na nang hindi ako matingnan ng diritso ni Alex sa mga mata. Parang may gusto s'yang sabihin pero di n'ya masabi-sabi.

"Ang kapal rin naman ng mukha mo noh. Hindi kita sinusundan oy!"

"Talaga lang ha."

Para kaming mga bata na nagtatalo, at ayaw ko na rin magpatalo sa kanya, those days are over na. Di ko na s'ya hahayaan na sigaw-sigawan ako.

"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko. Kaya pwede ba. Palabasin mo na ako dito." Pakiusap ni Alex na paukit-ulit pinipindot ang ground floor button.

"Wala akong pakialam matanggal ka man. Hangga't hindi mo sasabihin sa akin kung bakit ka nandito. Hindi ka lalabas dito kahit abutin tayo ng bukas." Pagbabanta ko sa kanya.

"Ganyan ka na ba talaga ka desperado? Anong akala mo sa sarili mo habulin? Akala mo hahabulin kita dahil malaki nagastos mo sa akin? Hindi noh!" Pagde-deny n'ya.

"Hindi ako desperado. Masaya na nga ako at masaya na kami ng girlfriend ko. Tinatanung kita dahil baka gumawa ka ng eksena upang magkasira kami. Matagal na akong nakapag move on sa'yo. Kung ano man nagastos ko, tulong 'yon dahil awang-awa ako sayo sa mga panahon na 'yon. Sana nga lang wala ka ng ibang habul pa sa akin. Dahil kung meron man. Sinasabi ko na sa'yo ngayon. Wag mo ng ituloy."

Natigilan si Alex at napatitinig na rin s'ya sakin. Parang gustong-gusto n'ya akong patayon gamit mga mata n'ya at napalunok ako at nakaramdam din ng kunting takot.

"Kapal naman ng mukha mo para sabihin sakin 'yan."

"Nagpapakatotoo lang naman ako."

"E di ok. Pakialam ko ba sa'yo at sa buhay mo."

Nang magbukas ang elevator agad s'yang lumabas at iniwan ako na napahiya dahil kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko kay Alex.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now