14. Pag wala kang alam, nganga!

4.1K 91 2
                                    

Napaka relaxing ng lugar, kahit maraming tao nararamdaman mo pa rin 'yong katahimikan. Walang ingay ng mga sasakyan at walang mabahong amoy dahil sa pollution. Tanging malalanghap mo ay preskong hangin mula sa mga punong kahoy sa paligid.

Dalawang malalaking camp type na kwarto ang inupahan namin. For the boys 'yong isa at for the girls naman 'yong isa.

Nakita kong busy si Alex kaya di nako nakapagpaalam pa na pupunta ako sa kwarto namin para ilagay ang mga gamit ko. Napaka KJ ko kung lalapit pa ako at mag interrupt sa usapan nila ng friends n'ya.

"Buti naman nakasama ka." Sabi ni Thomas na inokopa ang itaas ng double deck na kama.

"Ah oo. Si Andrew kase pinilit talaga ako sa get away n'yo." Naka ngiti kong sabi at umupo sa kama. Ang sarap sanang mahiga at matulog. Kaya lang baka sabihin nilang ang arte ko para hindi makisama sa kanila.

"Buti naman at nagkaayos na kayo ni Alex. Balita ko nga nagdi-date na kayo." Biglang sulpot naman itong si Chris. At talagang updated pa s'ya.

Date na ba tawag sa paminsan-minsan naming paglabas ni Alex? Kasi iba 'yong date na alam ko e, 'yong may flowers, ganun. Saka naka formal kami pareho tapos magdi-dinner. Napaka ignoy ko talaga. Umiral na naman 'yong pagiging mayaman kuno.

"Sabay na tayo lumabas Max." Yaya ni Chris. "Kwentohan mo naman kami ng mga date nyo ni Alex," panunukso nito.

"Swimming time na!" Excited na sabi ni Thomas.

Oo nga pala. Nandito kami para mag swimming, muntik ko na malimutan.

Speaking of swimming, parang gusto ko nalang 'ata magpanggap na may sakit. O di kaya matulog buong araw. Kaysa naman magtampisaw ako sa tubig. Ok lang naman kung mangitim ako dahil sa pagbibilad sa ilalim ng araw sa cold spring. Kaso lang may kinatatakotan talaga ako pagdating sa langoyan.

"Tara na." Yaya nilang dalawa ng makalabas na kami ng kwarto namin.

Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi sumunod nalang sa kanila.

"Ilan nga tayong sumama?" Narinig kong tinanung ni Chris si Thomas.

"Anim na babae tapos sampung lalake." Sagot naman ni Thomas na nagbibilang pa sa daliri.

"Mas marami tayo nung huli," sabi ni Chris.

"Lagi pala kayo nag-a-outing?" Tanung ko.

"Oo, chip in chip in lang tapos yon go na," sagot ni Thomas.

Abala ang iba sa paghahanda ng pagkain pang haponan. Madilim-dilim na rin nang makarating kami. 'Yong iba naman kahit wala pang kain, ayon nag umpisa na sa tagayan.

"Max tama?" Tanong ng kasamahan namin. Tumango ako. "Josh." Pakilala n'ya.

"Tulungan na kita d'yan." Sabi ko nang makita kung may bitbit s'yang mga gamit para sa ihahandang pagkain.

"Salamat."

Siguro kung mga tropa ko kasama ko. Isa lang gagawin ng mga 'yon. Umupo sa restaurant at umorder. Alam n'yo na, tamad kasi at takot madumihan ang kamay.

Naninibago ako sa mga taong nakapaligid sa akin, para silang naglalaro ng luto-lutoan pero masaya.

"Marunong ka ba nito tol?" Tanong ni Josh ng lumapit sa akin. Binigay n'ya sa akin 'yong mga gulay.

"Para saan to?" Tanung ko.

"Para sa sawsawan 'yan ng barbeque." Sagot n'ya.

"Ako na bahala dito." Sabi ko kahit di ko alam pano ang hiwa ng mga 'yon.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now