6. Hindi Ako Susuko! Peksman!

4.8K 141 4
                                    

Isang linggo ko ng iniiwasan ang tropa ko, hindi ko kasi masabi sa kanila ng diretso na hindi ko ikinatuwa ang ginawa nilang pagpapakalat tungkol sa akin at kay Alex kaya minabuti ko nalang umiwas para hindi ko na kailangan pang makiusap at e explain sa kanila kung gaano kahalaga sa akin ang babae na ayaw nila. 

Tinatamad na nga akong pumasok dahil bawat makasalubong ko pinaparinggan ako at nakukuha na akong inisin ng mga ex ko. Wala na ang dating ako na kinahuhumalingan ng lahat ng chicks, feeling ko nalaos na ako. Hindi mainam sa mata na nakikita silang pinagtatawanan ako dahil na nga sa pinagkakalat ng mga mokong kong mga kaibigan. Alam ko naman ginagawa nila 'yon para layoan ko na si Alex. Para saan? Para makabingwit ulit kami ng maraming chicks? 

Sa ngayon, iniisa-isa ko na ang mga bagay na dapat kong baguhin para purihin ako at matanggap ni Alex, naumpisahan ko na kaya wala ng atrasan pa. Sa ngayon tuwing naiisip ko si Alex napapawi lahat ng galit, inis at asar ko sa lahat ng taong ayaw kaming magkatuluyan, iniisip ko nalang sila 'yong mga audience na dapat kong pakitaan na ako ay isang totoong lalaki, hindi umaatras sa laban at may paninindigan. Hindi ko ikinahihiyang may nililigawan akong babae na hindi kasing gara manamit ng naging ka relasyon ko dati pero kung mukha lang ang pag uusapan, talong talo naman sila ni Alex.

Nasa bahay lang ako, walang pasok dahil linggo, kung dati nasa galaan ako kasama ang tropa, ngayon iba na ang ihip ng hangin, mas ginugusto ko na nasa bahay na lamang at nag-aaral. Napaka boring talaga kung iisipin ngunit parte na ito ng aking transformation, total transformation kasi gusto ko rin makapagtapos ng pag-aaral at ipagmayabang ito kay Alex.

Sumasakit ang likod ko sa kakaupo sa higaan habang naglalatro ng online games sa cellphone, kay tumayo muna ako at napadungaw sa bintana ng kwarto at nakita ang kapitbahay namin na papunta ng simbahan.

Linggo linggo silang nag sisimba, at dati nagagawa ko silang pagtawanan dahil ang laman dati ng utak ko ay puro kabubuhan pero ngayon naisip ko mag simba, hindi ko pa kasi nagagawang mag simba ng seryoso sa buong buhay ko. Patawarin sana ako ng diyos, nagsisimba lang naman ako para makakita ng magandang chicks at bigla ko nalang na realize, ang laki pala ng kasalanan ko sa mundong ito. Sinsayang ko ang buhay ko sa mga walang katuturan na bagay.

That time it's different, buo kong inalay ang sarili ko sa Diyos ng mga oras na 'yon. Focus lang ako sa pakikinig kay Father at taimtim na nagdasal sa lahat ng Santo na kilala ko. Napakagaan ng feeling matapos ang mahabang misa, parang nawaglit lahat ng mali kong nagawa dati at pakiramdam ko naputol ang sunggay ko. Pakiramdam ko tuloy e napatawad na ako ng Diyos sa mga di mabuting gawain, I felt so renewed human being.

Nakapila ako palabas ng makita ko si Alex na nakapila palabas din ng simbahan at limang tao lang ang pagitan namin sa isa't isa. Kahit na nakatalikod s'ya e nararamdaman ko na si Alex talaga 'yon.

"Alex! Alex!" Sigaw ko para makuha ko ang atensyon n'ya. Lumingon naman s'ya at tama ako, si Alex nga. Napangiti at kaway ako sa kanya pero tinarayan lamang n'ya ako.

Pagkalabas namin sa pintoan patakbo akong lumapit sa kanya, para di na s'ya mawala sa paningin ko at mahirapan na hagilapin ulit s'ya.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanung n'ya na nagpatuloy sa paglalakad kaya napasabay na rin ako. "Stalker ka ba?"

"Hindi ah," sagot ko sa kanya. "Nagsimba talaga ako at aksidente lang naman kitang nakita kanina," dagdag ko pa.

"Nakakatawa at marunong ka pa lang mag simba." Sabi n'ya na mataray pa rin ang boses. "Akala ko kasi puro kagagohan lang sa buhay ang alam ng isang tulad mo."

"Masama ang magtaray at magalit. Kagagaling mo pa naman sa loob. Dapat mabait ka, at ngumiti sa lahat." Paalala ko sa kanya. Tumingin s'ya saglit sa akin at nagtagpo ang mga mata namin. Sana lagi kong matitigan ang mga mata n'ya ng ganun.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now