12. Idol na kita.

4.6K 109 1
                                    

Maraming beses ko nang nakita si Alex na nagsuplada at nagtaray, palaaway at di natitinag pero sa gabing 'yon parang napalambot ko na 'ata s'ya kasi iba na ang tingin n'ya sakin. Napaka conforting na ng mga mata n'ya.

Niyaya n'ya ako sa isang music bar, inakala ko isang boring na bar, 'yong mga tugtog puro love song lang. Kaya lang hindi pala, sa bar na 'yon nagsisimula ang mga bagohang banda sabi n'ya. Dahil sa mali kong akala ang nasuot ko tuloy long sleeve polo. In short naka formal wear ako. Habang ang mga tao dun napaka-cool ng mga damit.

"Tinatawanan mo ba ako?" Tanung ko. Nakita n'ya siguro akong palingon-lingon sa mga tao at di mapakali sa damit ko.

"Ewan ko sa'yo." Nakangiti n'yang sabi.

"Di mo naman kasi sinabi na sa ganitong lugar pala." Sabi ko na nangangatwiran pa.

"Anong akala mo sa akin? Isang boring na babae dahil wala akong social night?" Tanung n'ya na tiningnan ako na naiinis. "Wala ka nang ibang ginawa kundi husgahan ako. Dapat nag necktie ka para complete" panunukso ni Alex sakin. Nagmumukha na nga akong tanga sa attire ko papadagdagan n'ya pa ng necktie.

"Wala ka na rin ibang ginawa kundi inisin ako." Sabi ko na binuksan ang pangalawang butones ng polo.

Pagpasok namin. Pumuwesto kami sa mesa na nasa harap ng stage dahil kilala n'ya daw ang mga tutogtog sa gabing 'yon. Lalo tuloy akong na concious dahil sa suot ko. Ayoko naman komuntra sa kanya. Baka magalit at masira ang gabi naming dalawa.

Light beer lang ang inorder ko kasi ayokong maglasing lalo pa't wala akong kasama at sino naman magda-drive ng kotse kung magiging wasted ako that night. Ayoko rin malasing sa harap ni Alex kasi I do believed bawas pogi points kaya 'yon.

Magagandang tunog ang pinapatugtog ng banda. May OPM, may foreign pero mas maganda yong compose nila. Halatang matagal na silang magkakasama. Marami na rin kasi silang nagawang kanta.

"Guys! We have a very very special guest for tonight! And she'll give us a blow! For sure magugustohan n'yo din to! Come on stage Alex! Join us!" Sigaw ng vocalist. Agad naman tumakbo si Alex sa taas ng stage.

Umopo s'ya sa drums. Kinawayan n'ya ako mula sa kanyang kinaroroonan at napangiti nalang ako. Hindi ko alam marunong s'ya mag drums, mas lalo ko tuloy s'yang hinahangaan.

Bakit ba inakala ko na boring ang buhay n'ya? Hindi naman pala dapat basehan sa isang tao estado sa buhay, di porke't may kaya e sobrang ganda na ng experience, e mas lalo ko napagtanto sa mga oras na 'yon na mas marami palang magagandang experience sa buhay ang tulad ni Alex. Siguro on the long run mas marami pa akong madi-diskobre tungkol sa kanya, mga bagay na bumubuo sa kanya at ang salitang boring dapat siguro e junk ko na 'yon.

Habang enjoy si Alex sa pagpapatugtog ng drums. Tinitingnan ko lang s'ya. Akala ko talaga suplada s'ya, mapaet na babae at maldita. Kaya lang lahat ng 'akala ko sa kanya ay nabago mula nung pumunta kami sa plaza. Binubuksan n'ya na yata ang gate sa pader na kanyang tinayo sa gitna naming dalawa. Taliwas sa inakala ko patungkol sa kanya, isa s'yang mabait at palakaibigan.

Pagbaba ng stage. Dumiretso s'ya sa mesa namin at uminon ng beer. Kitang-kita ko ang saya n'ya sa buong mukha.

"Sarap sa feeling." Sabi n'ya.

"Galing mo naman." Puri ko.

"Ikaw? Anong instrument alam mong itugtog?" Tanung n'ya sakin.

"Wala. Wala akong hilig sa ganyan." Sagot ko kaagad sa kanya.

"Dapat mag aral ka kahit isa. Pinaka madali para sa akin yong piano. Gusto mo turuan kita?"

"So you knew piano rin pala?" Nagulat ako.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now