30. Kung alam ko lang sana.

3.6K 78 1
                                    

Kumusta na kaya s'ya? May pamilya na kaya si Alex? Maganda ba ang lagay n'ya? Limut na kaya n'ya ako? Naaalala pa kaya n'ya ang kanyang makulit na ex?

'Yong two weeks ko ay nakalaan sa pamamasyal namin magpapamilya. Dinala namin si mama sa mga lugar na gusto n'yang puntahan bago kami lumipad papuntang Australia, sa wakas napapayag ko na rin s'ya na magpunta dun. Kaya matapos nun may time na akong puntahan ang mga lugar na gusto kung balikan.

Dahil wala na akong tiwala sa sarili na magmaneho dahil hindi ko na kabisado ang lugar. Nag-taxi nalang ako. Pagbaba ko sa eskinita. Naalala ko 'yong nakaraan. Napangiti nalang ako.

Si Alex? Mahal ko pa rin s'ya. Kahit kailan hindi nawala sa isip ko ang babaeng mahal ko. Pero buong-buo kung tinanggap ang katotohanan na hindi kami para sa isa't-isa. Pinaghandaan ko na rin ang pagharap sa kanya.

"Andrew." Mahina kung tawag. Nagkukumpuni s'ya ng sirang aircon. Nakita ko si Tatay Gusto na nakaupo sa tabi n'ya, mahimbing na natutulog sa rocking chair.

"Tol!" Gulat n'yang tugon at agad lumapit sa akin. "Kumusta kana?" Tanung n'ya at pinunasan ang mga kamay ng towalyang bitbit n'ya.

"Ito pa rin single." Sagot ko. "Ikaw kumusta na? Si Nanay Eva at Tatay Gusto kumusta na? Si Alex kumusta na?" Sunod-sunod kung tanung sa kanya.

"Si tatay ayan. Naging matamlay mula ng mamatay si nanay nung isang taon. Ako naman natigil na sa trabaho at pinagpatuloy nalang mga ginagawa ni tatay para hindi ko sila maiwan kasi kailangan may mag-alaga sa kanilang dalawa." Nalulungkot n'yang sabi at napalingon kay Tatay Gusto na nangayayat ang pangangatawan.

Pagkatingin ko sa may pinto saka ko lang napansin na nandoon si Alex nakaupo at tela malayo ang iniisip dahil hindi man lang n'ya napansin na nandoon ako o baka iniiwasan n'ya pa rin ako.

"Nabulag na s'ya Max. Dalawang taon na rin s'yang ganyan. Naaksidente kasi s'ya kasama 'yong katrabaho n'ya na lagi s'yang inihahatid dito. Natamaan ng mga bubog ng salamin ng kotse ang mga mata n'ya matapos nabangga sila." Patuloy ni Andrew na napatingin na rin kay Alex.

"Bakit? Bakit? Di mo pinaalam sa akin?" Nauutal kung tanung na nabitawan ang dala kung mga pasalubong at napatitig nalang kay Alex.

"Hindi mo na kasi sinasagot ang tawag ko. Saka parang nagpalit ka na ng numero." Sagot n'ya.

Oo nga pala, hindi n'ya alam umalis ako.

"Nagpunta na kasi ako ng Australia kaya di mo na ako ma contact tol. Kakauwe ko nga lang e para kunin mga magulang ko at dun na rin tumira."

"Ganun ba? Kaya pala tagal kitang di nakita."

Nilapitan ko si Alex at naluha ako sa aking nakikita. Hindi ko alam kong ano dapat ko sabihin sa kanya, panigurado may galit pa rin s'ya matapos ko s'yang ipaubaya sa gonggong na 'yon.

"Alex." Sambit ko.

"Sino ka?" Tanung n'ya.

"Si Mark." Pagsisinungaling ko kasi parang di na n'ya ata makikilala ang boses ko dahil na rin sa may pagka kunting paninibago sa wikang Pilipino.

"Wala akong kilalang Mark." Pagalit n'yang sabi.

"Kaibigan ako ni Andrew." Agad na tumayo si Alex at pakapakapang naglakad papasok ng bahay.

Lumapit ako kay Andrew, bitbit ang mga dala kong pasalubong sa kanila.

"Pasensya kana. Ganyan talaga si Alex pag may kumausap sa kanya, umiiwas."

"Ako ang may kasalanan. Hindi ko sya binantayan. Pinaubaya ko s'ya sa iba. Patawarin mo ako Andrew." Pagsisisi ko.

"Wala kang kasalanan Max. Aksidente ang nangyari." Sabi ni Andrew na tinapik ang balikat ko.

"Sana wag mo nalang ipaalam sa kanya na ako si Max. Alam ko ayaw n'ya na akong makita pa." Pakiusap ko.

"Pero tol. Hindi mo naman-"

"Please." Hindi ko na s'ya pinatapos.

Alam ko naman na hindi ko kasalanan ang nangyari kay Alex, kaya lang kung hindi lang sana ako naging marupok dati, baka naiwasan pang mangyari ito sa kanya. Siguro natupad na pangarap n'ya at masaya s'ya tulad ng dati.

"May dala pala ako dito. Chocolates. May perfume din. T-shirts. Para sayo 'to." Sabi ko at inabot kay Andrew ang paper bag.

"Nag-abala ka pa. Kala ko kinalimutan mo na ako e." Natutuwang sabi ni Andrew.

"Ano ka ba? Di 'yon mangyayari. Napakabait mo sakin tol. Kaya di ka pwedeng nakalimutan." Sabi ko sa kanya at masaya na nakita ko ulit s'ya.

"Salamat dito tol ha."

Dinala ko ang iba ko pang dala sa loob ng bahay nila Andrew at nakita kong nakaupo sa salas si Alex. Tumabi ako sa kanya habang naghanda naman ng meryenda si Andrew.

"Para sa'yo." Kinuha ko ang kamay ni Alex at pinahawakan sa kanya ang paper bag na dala ko na para sa kanya. Laman nito e mga chocolates, pabango at isang teddy bear.

Kinapa-kapa n'ya bigay ko. Inamoy at hinimas. Saka sinilid pabalik sa lalagyan.

"Bakit mo ako binibigyan nito? Naaawa ka ba sa lagay ko? Wag mo akong kaawaan. Dahil kahit ganito na ako. Kaya ko pa naman mabuhay." Matapang n'yang sabi.

"Regalo ko 'to sayo." Naluluha kung sabi.

"Di ko birthday at di pasko. Kaya bakit ka magreregalo sa taong di mo naman kaano-ano? Wag mo akong gawin charity kung sino ka man." Hanggang ngayo mainitin pa rin ang ulo n'ya.

Tumalikod at tumayo si Alex, iniwan ang binigay ko sa kanyang kinauupoan at pumasok sa loob ng kwarto n'ya. Gusto ko s'yang pigilan at yakapin pero hindi ko magawa.

"Naging mailap na s'ya sa tao mula noon. Tapos hindi ko na nakitang ngumiti. Minsan pahirapan pa ang pagpapakain ko sa kanya." Sabi ni Andrew na hininaan ang boses para di s'ya marinig ng kapatid. Saka inabot na n'ya sakin ang isang baso ng juice at tinapay.

"Nag-abala ka pa."

"Ano ka ba naman tol? Parang di ka rin nasanay samin dito. Kung andito lang si Nanay baka pinagluto ka na nun."

Napangiti na lamang ako habang inaalala ang mga nakaraan. Sobrang bait ni Nanay Eva sakin at di man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

Napabuntong hininga ako, matapos ang 45 days, aalis na ako. Babalik ako sa Australia kasama ang parents ko. Ano ba ang kailangan kung gawin para mapasaya si Alex habang nandito ako? Kaya ko ba ibalik ang dati n'yang sigla? Makikita ko ba ulit s'yang ngumiti?

"Ilang chances ba na pwede s'ya makakita ulit?" Tanong ko.

"Sabi ng doctor n'ya. Kailangan lang namin humanap ng donor na mga mata. Pero ayaw naman n'ya magpa opera dahil malaki din ang gagastosin namin." Sagot ni Andrew.

"Tutulongan ko kayo. Hayaan mo. Tatawag ako pag may nahanap akong donor. Kailangan ma-operahan s'ya agad. Sagot ko lahat. At please wag kang magpasalamat sa akin tol. Isipin mo na lang bayad ko ito sa lahat ng kabutihan mo sa akin." Sabi ko.

"Pasensya kana tol ha." Naiiyak na sabi ni Andrew. Alam ko hirap na hirap na s'ya at gusto ko rin naman gastosan ang pagpapaopera kay Alex.

Kung alam ko lang sana ang nangyari sa kanya baka hindi pa umabot sa ganitong sitwasyon. Kahit na di ko na s'ya girlfriend, may pagmamahal pa naman akong natitira para sa kanya. At tanging hangad ko maabot n'ya ang kanyang pangarap saka maging masaya s'ya.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Where stories live. Discover now