47. My forever.

6.9K 95 3
                                    

AFTER HOW MANY YEARS ..

Sa tanda kung ito at sa dami ng apo ko. Masasabi ko na ganito pala noh ang outcome pag mahal na mahal n'yo ang isa't isa. Believe me or not, naka labingdalawa lang naman kami ng anak. Masipag kasi, masipag gumawa ng bata. Ang apo ko, sa bilang ko nasa labing walo na.

Masaya ako na tumanda kasama ang babaeng  minahal ko at sana sa susunod naming buhay ay kami pa rin ang magkatuloyan. Sa edad kong ito, paulit-ulit kong binabalikan ang araw na una kong nakita si Alex, paulit-ulit din akong nahuhulog sa kanya at mas minahal ko pa s'ya.

Hawak ko ang kanyang kamay at hawak n'ya rin ang kamay ko, nasa park kami kung saan araw-araw kaming nagkakape. Dapit hapon na pero gusto 'ata namin dun muna magpalipas ng oras. Napakasaya ng mga taon na kasama ko si Alex, at di ko pinagsisihan na s'ya ang pinili kong mahalin at pinakasalan.

"Mahal kita Maximo."

"Maximo. Max nalang para may dating naman."

"Tumahimik ka tanda."

"Mahal din kita Alex. Isang pagmamahal na walang hanggan."

Pareho namin binalikan ang masaya, malungkot at masaklap na nangyari sa aming buhay. Wala kami pinagsisihan sa lahat ng 'yon. Kumulubot man ang aming balat, nagbago man ang aming mga mukha at nanghina man ang aming katawan, ang puso naman namin ay nanatiling in love para sa isa't-isa. Naging makulay at makabulohan ang buhay ko kasama s'ya at kung bibigyan man ako ng huling hilinh, gusto ko sabay kaming pumanaw sa mundong ibabaw.

Pumikit ako ng sumandal s'ya sa balikat ko at ganun din s'ya, sumandal naman ako sa ulo n'ya at napahigpit ang hawak ko sa kamay n'ya.

Matapos ang tagpong 'yon sa park sa araw ng kasal ko, di ko na s'ya tinantanan pa, binuntutan ko rin s'ya tulad nung nililigawan ko pa si Alex, matagal-tagal din nung sinagot n'ya ako, at worth it naman sng paghihintay ko sa pangalawang matamis n'yang Oo. Sa araw naman ng kasal namin, pareho nsmin pinagkasunduan na ikasal ng simple at close families lang ang imbitahin, di ko malilimutan nang sabihin n'ya sakin ang salitang 'I do', na hanggang ngayon ay ang sarap pa rin alalahanin.

Nagising kami nang dahil sa liwanag at nang idilat namin ang aming mga mata, nagkatotigan ksmi ni Alex, at bumslik kami sa edad namin nung una kaming nagkakilala, niyakap ko s'ya ng mahigpit at sabay kaming nag I love you sa isa't-isa. May forever nga, at kung nasaan man kami ngayon, masaya kami dahil magkasama pa rin kaming dalawa ni Alex.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon