Alaala

355 16 1
                                    

Minsan nasa isipan langpero madalas nasa daan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Minsan nasa isipan lang
pero madalas nasa daan.
Bawat liko.
Bawat hinto.
May kwentong magpapahinto sa tibok ng puso.

Minsan nasa isipan lang
pero madalas nasa iyong harapan.
'Yung amoy.
'Yung ingay.
Mga bagay na onti-onti sa'yong pumapatay.

Minsan nasa isipan lang
pero madalas nasa iyong nakaraan.
Ang hindi mo paglingon.
Ang hindi mo pagbangon.
Ngayon ay pilit mo pa ring binabaon.

Minsan nasa isipan lang
pero madalas nasa sa'yo.
Yaong mga dahilan nang paglisan.
Yaong mga pag-ibig na bigla na lang pinakawalan.
Hindi mo na maaaring balikan.

Minsan nasa isipan lang
pero madalas napapalibutan ka.
Ang mga alaala.
Ang mga lugar.
Nagdadala sa'yo patungo sa nililimot mong nakaraan.

Minsan nasa isipan lang
pero madalas nakatago sa kwento ng iyong buhay.
Mga pangyayaring sana hindi na nangyari.
Mga damdaming sana hindi na nadaman.
Para ano pa kung ito'y nawala na?

Sino TayoWhere stories live. Discover now