Sa'yo lang

183 10 1
                                    

Abutin man ng taon
Abutin man ng dulo ang panahon
Pusong ibinaon muling huhukayin

Kapag hinayaan na ng pagkakataon
Ako'y magbabalik sa'yo
Mananatili sa piling mo
Yayakapin ka't hahagkan
Hinding hindi na pakakawalan

Wala ng papantay sa pag-ibig na kayang maghintay
Kahit subukan ng tadhanang ipaghiwalay
Mayroon pa ring magdurugtong na tulay

Kahit ilang beses akong itulak palayo
Paulit-ulit ako babalik sa'yo
Tatayo't hinding hindi lalayo
Patuloy ipaglalaban kung anong mayroon tayo

Hindi tayo kaya ng kalawakan
Hangga't patuloy na lumalaban
Patuloy na sumusugal para sa isang bagay na pangmatagalan

Lumisan man ako
Hindi pa katapusan ng ating kwento
May mga pangarap munang dapat magkatotoo
Pero pangako ko'y panghawakan mo

Babalik ako
Hindi pa ito ang dulo
Habang mayroong tayo
At sa'yo lang ako

Sino TayoWhere stories live. Discover now