Alien

176 7 0
                                    

Maaaring hindi totoo pero pinaniniwalaan ng tao.
Hindi ko maintindihan pero kapag malapit ka na sa dulo maasaring paniwalaan mo rin ito.

Wala pa talagang nakakita pero mayroong mga paniniwalang hahayaan kang magtiwala at kung saan saan ka madadala.

Kung ano-anong hiwaga ang nakalakip sa kalawakan.
Hindi man matuklasan pero akin pa ring paniniwalaan.

Kapag malapit na ako sa dulo, gusto ko sanang magpakuha sa mga ito.
Baka kung nasan sila maibsan ang sakit na nadarama.
Mabawasan ang pagpatak ng mga luha hindi na mapigil sa pagbuhos.

Baka sa lugar na kanilang kinalalagyan mayroong saya na pangmatagalan.
Mayroong gamot sa sakit na 'di mabigyang lunas at sana tuluyan ng mawala ang sakit na dinaranas.

Handa na akong magpakuha pero hindi ko alam kung nais ko ba talaga.
Ang alam ko lang nais kong maging masaya kaya gusto kong magpakalayo't maging malaya.

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon